Chapter 5

4 1 0
                                    

Chapter 5: Kiss


"Ito na nga naglalakad na, Jetro" kumento ko habang tinatahak ang mga cottages malapit sa dagat.



Just like the first time, the place is still as mesmerizing and peaceful. The ocean waves, and the sparkling water are just great and captivating. Hindi masyadong malalakas ang alon, sapat lang para sa mga recreational activities. Pansin kong mayroon pang mga nagpo-photoshoot sa kung saan saang parte, prenuptial shoot pa yata ang iba roon.



Love.




Romance.




The ocean will always remind them about their love, about their unending attractions, about their wedding. As calm as the waves during summer, but it can be as wild during rainy seasons. Katulad ng relasyon at pag-aasawa, ang dagat ay hindi mananatiling kalmado habambuhay. Seasonal ang lahat, kung minsan ay payapa, kung minsan naman ay magulo. Pero ang mahalaga roon ay mananatili, magpapatuloy, at hindi lilisan. Hihintayin muli ang tag-init, hihintayin muling sumikat ang araw.





"Lupita? Lupita? Are you still there?"





Halos mapaigtad ako sa tinig mula sa hawak na phone. I almost forgot that I am still talking with Jetro.





"Uhm, yup, still here"





"Okay ka lang ba? Sinabi ni Ziven na hindi ka raw sumasama sa kanila, I'm starting to get worried, are you really okay there? Dapat na ba kitang sunduin?"






I shook my head "Na! I am fine, ilang araw na lang din naman ay uuwi na ako, gagasino na lang naman"





"Sabagay...but I am honestly worried, dapat ay mag-enjoy ka diyan!"





I sighed "Aalis alis kayo tapos bigla kang makokonsensiya? Kung worried ka talaga dapat hindi ka umalis!" Pangungutya ko.






Natawa siya sa kabilang linya kaya ngumisi na lang din ako.





Kausap ko ngayon si Jetro, video chat kaya naman malaya kong nakikita ang kaniyang stress na hitsura at naaaliw na mga mata. Mukhang seryoso na nga ang problema sa negosyo ni Tito, nakikita ko rin ang mga conversation ng pamilya namin sa Group Chat kaya kahit papaano'y updated pa rin naman ako sa sitwasyon nila.





"Stop, wag mo akong konsensiyahin, Lupita!"





I raised my brow "Well, fine, okay naman ako rito, hindi naman ako magpapakamatay at magpapakalunod sa dagat" I joked.





I saw how his face turned serious.





"Shut up, that's not a good joke, Lupita!"





I laughed "Okay nga ako rito, isa pa'y hindi ako kumportable sa mga kaibigan mo kaya hindi rin ako sumasama. Their trip is just different from mine"




"Kailan ka ba naging kumportable sa mga bagong tao?"






All of a sudden, I remember that man. Bago lang kaming nagkakilala pero kumportable na ako agad sa presensiya niya, I am even willing to spend my whole night with him, kwentuhan, tawanan, dinner, at palitan ng mga thoughts na matagal kong kinimkim dahil wala namang nakikinig.





Lucho Aragon.





Magkikita ba kaming muli ngayong araw? Is he busy? Ano naman kayang pinagkakaabalahan niya? Baka naman may kinikita? Sino naman kung ganoon?





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Salt Air of SummerWhere stories live. Discover now