Chapter 4

4 1 0
                                    

Chapter 4

Calling someone's name has never been this awkward, nerve-wracking and foreign. Sanay akong kumilala ng bagong tao, subalit sa pagkakataong ito, pakiramdam ko'y baguhan ako sa ganitong aktibidad.



A strong, yet freezing wind blew, that's when I finally realized how awkward everything was




"Y-You're here for uhm, a vacation?" I asked trying to eliminate the awkwardness.




Marahan siyang lumingon sa akin, paubos na ang apoy sa aming bonfire, nararamdaman ko na rin ang lamig ng gabi.




"Uhuh, ikaw?"





Bahagya akong yumuko, kunyare ay busy sa buhangin. Great!




"Bakasyon din"





Lumiit ang kaniyang mga mata "Mag-isa?"





"Hindi 'no! I was with my cousins, kaso nagkaproblema sila kaya umuwi na rin agad kanina" Hinawi ko ang buhok ko sa balikat



"Our original plan was to stay here for one week, sa Linggo pa sana uuwi lahat. But some unexpected things happened, kaya ito naiwan ako" I tried to chuckle to show him that it's fine and I understand the situation. Mas madaling ganoon kaysa ang magpaliwanag pa kung gaano ako nagtatampo dahil naiwan mag-isa.





Tumaas ang sulok ng kaniyang labi bago marahang tumango "Ako rin, ang plano ng mga magulang ko'y dadalhin ko ang kapatid ko rito, but she obviously hated the idea, kaya umalis din"





I suddenly remember the girl, as well as the embarrassing moment that happened that night. Ang estupida ko para pagkamalan silang mag nobya.




Pero hindi naman kasi sila masyadong magkamukha, sa totoo nga'y sa unang tingin ay hindi talaga mapagkakamalan na magkadugo. But that's normal, ang mga pinsan ko rin sa side ni Mommy ay hindi ko rin naman mga kahawig, I am more on with the Buenavente's side.




The facial features, the built, at lalo na sa ugali. Maraming Nagasasabi na young version ako ni Ate Devon, well, wala namang problema. Her sophistication and grace is really outstanding.





"Pareho pala tayong naiwan dito sa resort na ito..." Subok kong pagpapagaan sa paligid.





"Right, maybe we're destined to meet? Hmm? Ano sa tingin mo?" Pagsakay niya sa biro, tipid ko na lang siyang nginitian dahil nagsisimula na namang magwala ang sistema.





The ghost of a sexy smirk is still lingering on his soft lips. Just by looking at those, weird thoughts instantly popped up in my head. Nakahalik naman na ako noon, ang una kong boyfriend ay nahalikan ko na rin naman ng ilang beses.





Kahit papaano'y maayos naman ang mga naunang halik, wala nga lang kilig factor. Those kisses felt normal. Kaswal na kaswal lang, akala ko pa naman noon ay magical ang unang halik, unang paghawak ng mga kamay, unang yakapan, pero noong pumasok ako sa relasyon ay tyaka ko napagtanto na hindi naman pala totoo.





The books and movies lied to me.






"Destined" I mocked.




He chuckled.





Kalaunan ay muli kaming natahimik dalawa. Para bang biglang namatay ang kaniyang tawa at bigla naman akong nawalan ng dila.





Habang payapa ang paligid ay kumakabog naman ng sobrang lakas ang aking puso sa loob ng aking dibdib. Gusto ko ang kapayapaan na nadarama maging ang mga ihip na banayad, subalit sa pambihirang pagkakataon ay gusto ko rin ang pagkakagulo sa sistema.







Salt Air of SummerWhere stories live. Discover now