Naglakad ako papunta sa kabilang bintana ng sala at iyon naman ang sunod kong lilinisin. Hindi na ako lumingon sa kanila pero ang tainga ko ay tahimik na nakikinig.

"Out of the country. I just checked the University there," sagot ni mokong.

"Are you really sure that you'll take an MBA?" paninigurado ni Rocco.

"Yes."

"I thought, you wanted to join the military?"

"I changed my mind. Mas gusto ko mag-handle ng negosyo. What about you?"

Kahit nalilito sa mga naririnig na usapan nila ay nanatili ko itong pinapakinggan habang naglilinis. Nakatalikod sa kanila.

"Yes, I want to pursue it," Rocco laughed. "But I'm worried about Brianna, Kuya Lui."

"Why? She's good and well-"

"She'll be alone here. Sinong makakasama niya kapag wala na tayo pareho? You know Brianna doesn't like to interact with others."

"Oh, I thought she already had a friend? Last week she went to the mall with her friend?"

"Friend?"

"Yeah."

"Friend? I didn't know," si Rocco. "Anyway, that's good for her. Wait, I have to go now, Kuya. Baka ma-late ako sa lakad ko," paalam ni Rocco.

"Where are you going?"

"I'll be meeting someone, bye!" paalam nito kaya dahan-dahan lumingon ang ulo ko sa kanila ngunit maling galaw iyon dahil eksaktong bumaling sa akin si mokong kaya nagkasalubong ang mga mata namin.

Humalukipkip siya at mabilis na pinagkrus ang dalawang braso sa harap ng dibdib. Napasimangot akong iniwas ang mga mata sa kaniya at bumaling sa ginagawa.

Bumaba ako saglit at hinila ang plastic na upuan patungo sa tapat ng kabilang bintana bago sumampa muli roon. Sunod kong hinawi ang makapal na kurtina para mapunasan na rin ang parteng iyon.

Nakaramdam ako nang pagkailang habang nagtatrabaho dahil ramdam ko pa rin ang titig niya mula sa likuran ko.

I quickly closed my eyes and took a deep breath as I continued cleaning. Ngunit maya-maya lang ay nagsalita si mokong.

"Babae, pagtimpla mo nga ako ng kape," utos niya kaya napatigil sa ere ang kamay ko habang hawak ang panglinis.

Hindi ako agad nagsalita o gumalaw.

"Bingi ka ba? Sabi ko ipagtimpla mo ako ng kape," ulit niya.

Napabuntong hininga ako at akmang bababa sa upuan nang umariba na naman ang kapilyuhan ko.

Nilingon ko siya sabay ngisi.

"Mok, may ginagawa pa ako eh. Minamadali ko na ito kasi maglilinis pa ako sa garahe. Pauwi na mamaya ang magulang mo. Puwedeng ikaw na lang muna? May paa at kamay ka naman eh. Nandoon lang naman sa kusina ang kape, tasa, kutsara, termos, tubig-"

"Ginagago mo ba ako?" malamig niyang putol sa akin kaya agad napatikom ang bibig ko.

Napalabi ako upang pigilan ang tawa dahil sa ekspresiyon niya.

"Hindi naman, nagpapaliwanag lang," sabi ko gamit ang mahinang tono.

"Kahit kailan talaga!" iritado niyang sabi sabay talikod.

Nagkibit balikat na lang ako pero bago pa man siya makalayo ay nagsalita akong muli.

"Mok, galit ka ba?"

"Hindi!" sigaw niya.

"Ba't ka sumisigaw?" pansin ko at pigil ang matawa.

Huminto siya sa paghakbang at nakita ko ang pag-igting ng bagang niya kaya napangiwi ako. Ayan na naman siya.

Irresistible Series 2: Lost in Fire (Ongoing)Where stories live. Discover now