chapter 30: revelation

6K 245 43
                                    

a/n: yey! thank you sa comments! haha. thank you rin sa votes! eto na update, pagpasensyahan na po ang wrong spellings at iba pa, nagmamadali ako baka takbuhan ako ng wifi haha.

Chapter 30: revelation

 

Roshan POV

 

Hay, kakatawag lang ng mga kaibigan ko, the real ones. Yung mga kaibigan ko since elementary haha. Sobrang gaan sa loob. Hindi ko maexplain! ang sarap sa pakiramdam

Umupo muna ako sa may veranda at inilapag ko muna ang phone ko sa upuan. Wala namang uupo dito kaya mas magandang i-occupy na lang ng cellphone ko haha.

Nagrerelax na ako nang biglang may tumawag sa akin.

“Roshan, gusto mong tumulong?” tanong niya, si Joachim

“sure!” nakangiti kong sabi sabay tayo na at sumama sa kanya.

“ayos ka na ba?” tanong niya. Halatang concern siya. Pero teka, seryoso kaya sya si sinabi niya nung isang gabi?

“okay na ako. At least nasalo mo ako haha. Mabigat ba ako?” nakangiti kong tanong. Magaan ang atmosphere kaya feeling ko walang awkwardness.

“kahit saan ka mahulog, sasaluhin at sasaluhin pa rin kita” nakangiti niyang sabi.

“hugot ba yan o ano? Haha. Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko. Mabigat ba ako?” nakangiti kong tanong sa kanya at tumingin sa kanya saglit.

“hindi, sobrang gaan mo nga lang eh, nakakapagtaka” sabi niya.

“asus! Nangbobola ka lang eh haha. Joker ka pala hindi mo naman sinabi” – ako

“eh yung tanong ko, hindi mo pa sinasagot” seryoso na this time ang tono ng boses niya. Wait, may tanong ba siya sa akin?

“huh? Tanong? Anong tanong? Nagtanong ka ba sa akin?” clueless

“hahayaan mo ba akong ligawan kita?” tanong niya na siyang ikinatigil ko. Hanggang ngayon hindi ko pa din alam ang sagot.

“ewan ko, bahala ka” yan lang ang nasagot ko sa kanya. E sa hindi ko talaga alam eh.

Nasa harapan ko siya pero nakatalikod siya. Pero kahit na nakatalikod siya, halata sa kanya ang ngiting namuo sa mukha.

“ bahala ako? Sinabi mo yan hah. Walang bawian. Kahit naman umayaw ka, liligawan pa din kita” sabi niya at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Napangiti ako sa sinabi niya sabay bulong ng “psh, loko din pala to” at nagpunta na kami sa kitchen.

Sa kitchen…

“oh, ayan na pala ang couple natin!” kantyaw ni kuya Daren. Couple? Sino? Kami ni Chim chim?

EA II: Battle Between Two KingdomsWhere stories live. Discover now