chapter 12: Unexpected

6.9K 250 9
                                    

Chapter 12: unexpected confession

Micla POV

 

“okay, so the four of you are already here. Hinihintay na lang natin ang legendary water element holder. Napadalhan na namin sya ng letter sa states. So we are now hoping na makakablik sya ng Pinas as soon as possible.”

Tss. Pa-VIP pa eh, pero hayaan na, jan sya Masaya eh.

Lumabas na kami ng headmaster’s office, pero hindi yung headmaster ang kausap namin. Yung secretary nya ang kausap namin kanina.

Pagkatapos ay dumeretso kami sa special room namin. First time nyo bang makakapasok don? Pero syempre hindi literal. Alangan namang pumasok kayo sa screen ng laptop, computer, phone, o kung ano mang gadget ang gamit nyo sa pagbabasa.

“guys, listen up. Since we are going to train, we have to do our very best. Nadagdagan na ang impakta sa mundo kaya kelangan nating mas gumaling” sabi ni Amber sa amin.

“impakta? Sino?” aish. Oo nga pala, isang newbie sa grupo. Hindi talaga sya gaanong makakarelate sa amin. You know, almost a year na kaming magkakasama and she was here for just, umm, a day? Nah, less than a day I think.

Pero okay lang yan. Alam ko naman ang feeling ng ganan eh, OP. lalo na kapag yung kaibigan mo nakahanap ng mas astig na game tapos iniwan ka na sa ere kasi hindi ka makarelate sa nilalaro nya? The feels.

“impakta, you know the girl you encountered at the cafeteria? Yung nakabanggaan ni Blair? She’s impakta” sabi ni Amber.

“kalaban sya?” tanong ni Cyril ulit. Makulit lang?

“oo. Kalaban sya. Now let’s get to work” sagot ko. Para matapos na lang ang usapan.

Pumwesto na kami sa special room. Unang una sa lahat, bakit special room? Dahil kumpleto na ito para sa training ng legendary. Yes, for legendary element holder use only. Let me describe it,

Ang special room ay pa pentagon shape. Bawat corners ay may isang golden pole na hanggang sa may baba ng dibdib lang namin, yung medyo makapal hah na parang wand na rin sya pero hindi naaalis sa kinatatayuan nya. Sa taas nito ay may isang button. Every pole has its corresponding color. Red for fire, brown for earth, blue for water, silver for air and white (parang transparent) for invisibility.

Sa gitna ay may isa pang button. That was used whenever we want to test our skills. It means kapag pinindot mo iyon, you and the other legendaries will be on a fight, a fight against each other. This will test your strength against the other members.

Each buttons won’t be pushed by anyone else. Ang tanging makakapindot lang sa buttons ay ang legendary na may hawak sa element ng nasabing kulay. If you dare to push it na hindi naman ikaw ang holder, you will definitely be dead.

Pumwesto na ako sa tapat ng color ko. We’ve done this many times already. Pero si Cyril, she needs to be tutored. Pero sina Blair na ang bahala jan. you know me, I don’t have that thing.

EA II: Battle Between Two KingdomsWhere stories live. Discover now