chapter 7: recruitment

7.2K 260 29
                                    

Chapter 7:  recruitment

Roshan’s POV

 

Naglalakad kami ngayon sa isang kawalan. kawalan talaga! Hindi ko talaga alam kung nasan kami! Ah basta, si kuya Daren na ang bahala sa amin.

Actually, ako ang nahuhuli sa paglalakad, este kami pala ni Micla. Nauuna maglakad si kuya Daren at ate Emryde, may pinaguusapan atang mahalaga.

“Micla, share mo naman ng music jan oh!” naka earphones kasi sya. Hindi naman to madamot sa akin, namimilosopo lang minsan. Inabot din naman nya sa akin yung isang earphone.

Teka, alam ko itong kantang to ah! Ano nga bang title nito? Ah… hmm… aha! Blank Space ni Taylor Swift!

Misan minsan napapasabay ako sa kanta. Gusto ko mga kanta ni Taylor swift pero hindi ako isang die hard fan. Wala akong kinabibilangan na fandoms. Oo, gusto ko mga kanta, movies, libro nila pero hindi ako isang fan.

Eh teka, don’t tell me fan si Micla ng Taylor Swift?

“Micla, fan ka ba ni…" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang may bumangga sa akin. Pagtingin ko sa binanggan ko, si Amber?

“Hoy! Bakit ka ba basta basta natigi---“ hindi ko nanaman natapos ang sasabihin ko nang bigla kong narinig na nagsisisigaw sila kuya Daren.

“HOY! MAGNANAKAW! IBALIK NINYO YANG PERA NAMIN!” sigaw ni kuya Daren sabay habol sa mga magnanakaw, kaya kami, nakihabol na din sa kanila.

“HOY! IBLAIK NINYO YAN!” kanya kanya kami ng sigaw sa magnanakaw pero hindi na namin ito naabutan pa. napagod kami kaya lahat kami ay hinahapo ngayon, pagod na pagod.

“kuya ano bang nangyari?” hingal na tanong ko sa kanya.

“bwisit na magnanakaw yon! Aish!” sabay sipa sa bato na nasa lupa.

Naglalakad na kami ngayon papunta ulit sa destinasyon namin. Hindi na namin nahabol pa ang magnanakaw kaya nag disisyon kami na ipagpatuloy na lang ang pagpunta namin sa bahay ni Margaret.

Nasa isa na kaming maliit na bayan, nakakakita na din kami ng mga tindahan at mga maliliit na bahay. Napadako ang tingin ko sa isang tindahang nagtitinda ng mabango na pagkain.

*kroook* (a/n: sound effect ng kumukulong tiyan)

Napahawak tuloy ako sa tiyan ko. Grabe nagugutom na sya. Alam nyo naman ito kapag nagutom diba? At napansin ko din na nakadako na ang tingin nilang lahat sa akin. Grabe, ganon na ba kalakas kumulo ang tiyan ko?

“okay ka lang Roshan?” tanong ni Amber sa akin…

“ah… eh… nagugutom lang hehe” remember my rule! Honesty is the best policy!

“pano ba yan! Nagugutom ang bunso! Tara kumain muna! Nakakapagod ding maglakad eh!” sabi ni kuya Arthur. Wow! Feeling ko tuloy kumikinang na yung mga mata ko dahil sa sinabi ni kuya Arthur!

EA II: Battle Between Two KingdomsWhere stories live. Discover now