Chapter 28

16.8K 446 48
                                    


"Celestine, you know that's not a good joke," agad na sabi ng binata ng magkamalay na ito.

Napasimangot siya.

"You think I'm kidding? I'm pregnant nga! Delay ako."

"Ilang buwan kang delayed?" Seryosong tanong ng binata.

Napanguso siya.

"Isang araw."

"Anak ng..."

Napakamot ito sa batok saka bumuga ng hangin, hindi niya alam kung gusto bang matawa ni Cinco o ano.

"Bee, you're not pregnant. Anytime soon darating din 'yan." Marahang saad nito sa kanya.

"Ma'am, may dugo po 'yung skirt niyo." Magalang na singit ng isang babae sa kanyabg likuran.

Inis na bumaling siya sa binata.

"See? Napunitan ako!"

Napahilot ito sa sintido.

"Bee, may tagos ka lang." Naiiling na saad nito at tinanggal ang coat saka pinalibot sa bewang niya para takpan ang tagos niya.

"Do you want chocolates or ice cream?" Masuyong tanong ng binata sa kanya.

"I want you, I'm horny."

His eyes widen on what she said. Kahit kailan talaga si Cinco hindi masanay-sanay.

"You're on your period, we can't."

"Afraid of blood?" Panunukso niya.

"I'm not afraid of anything,"

Tinaasan niya ito ng kilay.

"Fine. I have Celetinephobia, I'm afraid of losing Celestine."

She smiled sweetly and cling into his arms.

"I want dark chocolates and vanilla ice cream, please?" Paglalambing niya.

"Anything for my bee, uwi muna tayo, magpalit ka muna ng damit." Sabi nito at pinapasok siya sa kotse.

"Hindi talaga ako napunitan?" Tanong niya pa rito.

Agad namang umiling ang binata.

"No. You're not pregnant."

Why does she felt sad? Alam niyang masyado pang maaga para magbuntis pero bakit parang ayaw ng binata? Bakit parang todo tanggi ito na buntis siya? Hindi ba siya karapat-dapat na magbuntis sa anak nito?

"Damn it," mura ng binata at tinigil ang pagdrive saka hinarap siya.

"What's the matter? Masakit ba ang puson mo? Bakit ka umiiyak?" Seryosong tanong nito at pinalis ang luha sa kanyang mata.

He also doesn't want to marry her, too! Ano, pang-temporary lang ba siya? Hindi ba siya panghabang-buhay dahil ayaw nitong ikasal sa kanya at siya ang magdadala ng anak nito?

"I so hate you right now! You don't love me anymore!" She whined.

Cinco sighed heavily before driving fast, nang makarating sa condo nito at kinarga siya nito papasok sa building.

He's so quiet. Is he mad?

Ang kaninang inis ay napalitan ng kaba, maybe he's sick of her attitude. Eh, kasi naman. Masyado lang talaga siyang baliw ngayon dahil sa epekto ng regla niya. Suggest niya kayang patigilin ng nine months?

Pero ayaw nga ni Cinco, 'di ba? Mabuti pa si Celine, binuntis na ni Uno, at pinakasalan pa last week!

Nagngit-ngit ang kalooban niya.

Cinco's Submissive Domanatrix (4th Gen #8)Where stories live. Discover now