Chapter 5

19.5K 520 100
                                    

TW: Foul words. Bastos po ang bibig ni Celestine😗






"Why does she think highly of herself, huh? Tss." Anas niya habang hindi maipinta ang mukha. Kumakain sila ngayon sa cafeteria, pinagdugtong ang mga mesa para magkasama talaga sila.

His cousins laugh instead of comforting him. Mga siraulo.

"Hay, kawawang Cinco. Ito singko, hanap ka ng kausap mo." Ani Dos at nilagyan siya ng singko pesos sa kanyang palad.

Inis na binulsa niya iyon at pinakita ang gitnang daliri niya sa pinsan.

"Salamat sa tulong, ha? Nakaka-touch grabe." He said in sarcasm.

"You never thought that you'll ever encounter a type of girl like Celestial, 'no?" Natatawang tanong ni Quatro.

"Haist. Sinabihan ba naman akong siya ang masusunod? Kailan pa naging under ang mga Benjamin?" Banas na saad niya.

Nagsitikhiman at nag-iwasan ng tingin si Quatro, Hinx, Helix, Heixon, at Tres. Kung narito pa si Uno ay paniguradong sasali 'yun.

Kumunot ang noo niya.

"You guys are fucking under?" Kunot-noong tanong niya.

Mas lalong umiwas ng tingin ang mga ito.

"What the fuck?" Hindi makapaniwalang anas niya sabay tawa ng malakas.

Binato siya ni Hinx ng plastik na bote.

"Sinusumpa ko na mas under ka pa sa 'min." Ngisi-ngising saad nito.

Tanginang Hinx, palagi pa namang tumatama ang mga sumpa nito.

Ngumisi lang siya sa mga under de saya niyang pinsan sa mga jowa at nagugustuhan ng mga ito.


"The only under I'll able to experience is under six feet beneath the ground. It means mamamatay na lang ako bago maging under sa babae----"

"Hey, my boy toy number 1. Can you give me water?" Biglang singit ni Celestine na umupo sa kanyang tabi.

Wala sa sariling inabutan niya ito ng tubig. Siya pa mismo ang nagpa-inom dito.

Nagsingisihan naman ang mga pinsan niya dahilan para mapatigil siya. Nanlaki ang matang binaba niya ang baso.

"A-ah...Wala 'yun! T-trial lang 'yun, trial." Agad na tanggi niya.

"My boy toy, feed me.." Paglalambing sa kanya ni Celestine kaya napapasong umusog siya palayo dito dahilan para mahulog si Quatro sa tabi niya sa pahabang upuan.

Sinamaan siya nito ng tingin. Hinaklit naman ni Sais ang kwelyo ni Quatro pataas para bumalik ito sa pag-upo dahilan para masakal at nagkanda-ubo si Quatro.

"Salamat, ah?" Sarkastikong pasasalamat ni Quatro kay Sais. Inis namang tinadyakan siya nito sa paa.

"Kasalanan mo talaga 'yun." Paninisi nito.

"Ako na naman?" Banas na saad niya.

"Hey, are you just going to ignore me?" Asik sa kanya ni Celestine.

Napalingon siya dito.

"Feed yourself." Aniya sabay lapit ng pagkain niya rito.

Kumunot ang noo ng babae. Ayon na naman ang pamilyar na sindak na naramdaman niya. The fuck, hindi siya under 'no!


"Tss. Nevermind." Irap ni Celestine at umalis sa tabi niya.

Napahinga naman siya ng maluwag.

Sinundan niya ito ng tingin at nakita niyang lumipat ito sa kabilang mesa kung saan naroon ang sikat na football player sa batch nila.

Cinco's Submissive Domanatrix (4th Gen #8)Where stories live. Discover now