Chapter 2

23.5K 586 86
                                    

"Hoy, okay ka lang?" Bulong sa kanya ni Quarto sa kanyang tabi. Napansin ata nitong nakatulala siya.

"EAI Bar tayo." Yaya niya.

Kumunot ang noo nito at umiling.

"May date kami ni Carma. Kayo na lang nila Dos." Tanggi ni Qautro.

He just groaned. Simula ng maga-jowa si Quatro ay wala na siyang partner papuntang EAI. At ano pa bang aasahan niya kay Sais? Katulad ito ni Tres na palaging nawawala.

Umiwas siya ng tingin dahil kanina pa siya tinitigan ng babae sa kanyang harapan. She's shamelessly staring at him like he wanted to devour him! Saan ba nanggaling itong planeta at para bang aatakehin siya nito ano mang oras.

"You look so stiff, Cinco. May sakit ka ba?" Untag sa kanya ni Tres.

Agad siyang umiling at muling sumubo ng pagkain. Ang magulang ng dalawang pamilya ay nag-uusap, wala namang gulong nangyari dahil sa eksena ni Uno kanina.

"Dos, type ako ni Celestine, 'di ba?" Bulong niya sa katabi.

Agad na napalingon si Dos sa kanya at napangisi.

"Assuming mo naman 'tol." Pang-aasar nito.

"Hindi. Tingnan mo grabe kung makatitig sa 'kin." Giit niya.

Sabay na napalingon sila kay Celestine na inosenting napakurap sa kanilang dalawa. Napakurap siya sa ginawa nito. Where are her stares that she wanted to eat him alive?

Naiiling na napangisi si Dos.

"Kulang ka lang ata sa inom. Iinom mo na lang 'yan."

And that what he did. Nasa EAI Bar na siya kasama ang ibang pinsan niya. 'Yung mga may jowa nasa date. Napaingon na lang siya. Maghiwalay sana kayong lahat.

"Oh, I love it here! It's the same with my favorite club in the US!" Celestine exclaimed on his side.

Oo, buntot-buntot nila si Celestine. Paano ba siya makakatanggi kung agad itong sumakay sa kotse niya at ayaw lumabas?

"Girlfriend mo?" Nakangising tukso ni Hinx sa kanya.

Agad siyang umiling.

"No." Sagot niya at tumungga ng alak sa baso.

"Yes! I'm her girlfriend! But he's just my boy toy." Singit ni Celestine.

Nabuga niya ang alak sa bibig sa pagsingit ni Celestine. Pa-ubo ubo siyang nagpalit ng upuan. Umupo siya sa tabi ni Hinx. Natatakot siya kay Celestine parang isang iglap lang ay dadaganan na siya nito at aatakehin.

Halos maubusan naman ng hangin ang mga pinsan niya sa katatawa. They seems so like Celestine's attitude.

"Boy toy? Kailan pa?" Nakangising pang-aasar ni Hellion.

"Earlier when I footjob him under the table." Nakangising sagot ni Celestine.

Agad na naghiyawan ang mga pinsan niya at tinutukso siya.

He groaned and stood up. Sumasakit ang ulo niya sa mga lumalabas sa bibig ng dalaga. He couldn't take it.

Sumuot siya sa dagat ng tao sa dance floor. Narinig pa niya ang pagtawag ni Celestine at ang pagsunod sa kanya kaya napatakbo siya sa elevator. He immediately pressed the close button and fortunately hindi siya naabutan ng dalaga.

Napasandal siya sa dingding ng elevator at napahawak sa dibdib. It's actually beating so fast. Sa kaba 'yun, oo. Palibhasang babae 'yun, daig pa ang isang tigre sa pagiging wild.

Cinco's Submissive Domanatrix (4th Gen #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon