Chapter 6

18.5K 490 76
                                    

"Homer, our future doctor, check Czekiah. She passed out." Sabi niya sa pinsan na kakapasok sa clinic dahil pinapunta niya.


"What happened?" Tanong ni Helix.

His lips form into grim line. Kung hindi pa siya narito sa sitwasyon ngayon ay baka siya na ang nasa kalagayan ni Helix. Nakiki-tsismis.

Kinwento niya ang nangyari. Halos mapaupo na nga ang mga sira-ulong pinsan niya kakatawa.

"She said that?" Hindi makapaniwalang tanong ni Heixon habang naiiyak na kakatawa.

Tumiim ang bagang niya saka tumango. Mas lalong nagtawanan ang mga pinsan niya.


"Silence, idiots! Magigising ang pasyente." Seryosong sita sa kanila ni Homer.

Napatakip ang mga ito ng bibig. Bumaling naman si Homer sa kanya. Akala niya magsasakita ito ng bigla na lang itong humagalpak ng tawa.

"Sana naging doktor na ako kapag nabaliw ka na sa babaeng 'yun. Libre pa confine sa 'kin."

"Bobo, hindi ka naman psychiatrist." Ani Hinx.

Naiiling na lang si Quarto.

"Brother, naranasan ko na rin 'yan.."

"Na ano? May babaeng nag-aakalang gusto mong makipag-threesome?"

Binatukan siya ng kambal.

"Gago, hindi. Naranasan ko na ring maging indenial."

Agad na nalukot ang mukha niya.

"I am not indenial. Hindi ko gusto ang tulad ni Celestine, plus kailan pa naging submissive ang isang Benjamin, huh? She's so dominant!" Anas niya.

"Mas lalo kang mahihirapan kapag hindi mo tatanggapin ang katotohanang lumuluhod ka na kay Celestine." Ani Tres.

Agad siyang napasimangot.

"Pati ba naman ikaw, Tres? Bakit niyo ba ako pinipilit? Bahala siya sa buhay niya!" Asik niya.

"So, it's fine for you if she'll have more boy toys? Kailan pa naging option lang ang isang Benjamin?" Harvie asked while eating strawberry ice cream.

He secretly observed Harvie. What's with Harvie and pink? Pink rin ang bag nito, tho it's design is for men, nakakapagtaka lang.


"Kaya nga lalayo ako sa kanya kasi ginagawa niya akong option!"

Bakit ba siya pinagtulakan ng mga ito kay Celestine? Eh, kung sila na lang, tutal sila naman may gusto 'dun.

"Pwede namang ikaw lang ang magiging option niya, just submit yourself to her." Ani Hellion.

He sighed in frustration.

"Kung kayo na lang kaya? Ayaw ko nga sa kanya!"

"Are you sure? Coz' I'm going to make a move on her." Hamon sa kanya ni Hellion.

Agad namang kumunot ang noo niya.

"Why would you do that?" Bagot na tanong niya.

"Kasi ayaw mo sa kanya. And I like Celestine's personality. Do you think bagay kami?" Tanong pa nito, hindi niya alam kung nang-iinsulto ito o ano.

He impatiently tapped his foot while in a staring contest with Hellion. May ngisi ito sa labi habang nakatiim naman ang sa kanya.


Umiwas siya ng tingin. Mas lalong lumawak nag pagngisi ni Hellion.

Cinco's Submissive Domanatrix (4th Gen #8)Where stories live. Discover now