5th.

135 5 2
                                    

I'm so sorry for this super duper tagal na update. Been very busy sa school that I had no time for Wattpad. I hope you'll understand. I also needed to catch up with my stories kasi I somehow forgotten the plot and everything. And so many changes na dito huh. Amazing!


Caroline on the pic above ▲

_______________________________


Merry Angeline's POV


Sabado ngayon at wala akong mga classes kaya nandito lang ako sa bahay.


Sina Daddy at Tita Grace naman, nasa opisina nila. Nagmamay-ari sila ng Steel Company.


Wala ring pasok sina Caroline at Chelsea kaya malamang nandito lang din sila sa bahay. Pero hindi ko pa sila nakikita mula ng gumising ako.


Nakaupo lang ako sa terrace ng bahay at nagbabasa ng libro nang lumapit si Chelsea. Nakaayos siya na parang may pupuntahan siya.


"Ate! Pupunta ako ng mall." Masayang sabi niya.


Tiniklop ko naman ang libro na binabasa ko at tiningnan siya. "Pinayagan ka?" 


Hindi kasi pinapayagan si Chelsea na umalis na lang ng bahay basta-basta. Baka kasi kung ano pa ang mangyari sa kanya.


Mas lumawak ang ngiti niya. "Yup! Mamimili lang naman ako. At saka bored ako eh. Sama ka."


Sasagot na sana ako nang biglang may nagsalita.


"Bakit mo naman siya isasama?" Mataray na tanong ni Caroline na nakasandal na pala sa entrance ng terrace at nakikinig sa amin.


Napabuntong-hininga na lang ako. Ayan na naman siya.


Hinarap naman siya ni Chelsea. "Bakit ate? Bawal ba?"


She crossed her arms. "Hmm, sabagay. Dapat lang din sumama si Angeline sayo para may taga-bitbit ka. Yun naman talaga ang isa sa mga specialties niya diba?"


"Ate!" Saway ni Chelsea.


Nakakaloko namang ngumiti si Caroline. "Hay Chelsea. I really don't know kung anong pinakain sayo ng babaeng yan at super kampi na kampi ka sa kanya."


"Ate, I also don't know kung bakit ganyan na lang ang trato mo kay ate Angeline. Wala naman siyang ginagawang masama sayo ah?" Chelsea talked back.


Tumayo na ako at sinubukang pigilan si Chelsea. Mukhang mag-aaway na naman kasi sila.


"Chelsea, tama na." Mahinang sabi ko sa kanya. 


Caroline stared angrily at me. "Anong ginawa niyang masama? Yung nabuhay pa siya at nag-exist pa siya sa buhay natin. Magsama nga kayo!"

He Changed My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon