I heaved a sigh.

"Siguro?" dalawa kasi puso ko, nalilito pa.

"Who?" tanong ni Cassandra, sinulyapan ko ang mga kaibigan at tahimik lang sila. Bakit ba sa akin na naman napunta ang topic!

Hindi pa man ako sumagot ay sumingit naman si Annallyn.

"Is it a HE or SHE?"

"SHE" diretso kong sagot. Bahala na sila dyan mag-isip kung sino. Pft

"Seriously?" sabay nilang tatlong reaksyon.

Tumango lang ako.

"Unfortunately" biglang humagalpak sa tawa ang mga kaibigan ko. Bwesit tong mga to. Sana talaga hindi ko nalang sinabi sa kanila.

"What's funny?" Taas kilay na tanong ni Helari kay Ag.

"Wala wala, may naalala lang kami." tumigil na rin sila dahil napansin nilang masama na mood ko.

"Saan tayo after exam? Kay Ma'am nalang last natin diba?" mautak din pala si keyboard at iniba agad ang topic, good girl.

"Sa ball8 tayo, miss ko na maglaro ng ibang bola." di ko alam pero mukhang may meaning yun.

Kapag talaga nag umpisa na kaming apat sa pag-uusap ay hindi na namin napapansin ang paligid. Gaya nalang ngayon, parang wala lang tong mga Ponferrada kung makaasta sila.

"Sasama ka?" biglang tanong ni Ag.

"Hindi, kayo na muna at kakausapin daw ako ni coach mamaya after training nila." kumunot ang mga noo nila.

"Ha? Para saan?" tanong ni kb,

"Malay ko, kaya nga kakausapin diba?"

"Ou na ou na. Ba't nagsusungit ka dyan" sagot n'ya at inirapan ako.

Nagkwentuhan kami hanggang sa umabot ang kwento namin sa story ni Iris at ex n'ya. Actually alam na namin tong kwento na to pero lage parin namin napag-uusapan. May naging gf s'ya nong SH pa kami at firstlove niya yun.

Nakilala n'ya ito sa Sekong nong panahon na stress daw s'ya kaya mag-isa syang nagwalwal at hindi kami isinima. Papauwi na raw s'ya that time nang biglang may babae na parang pilit na ipinapasok sa kotse ng isang lalaki kaya agad n'ya itong nilapitan para tulungan.

After that night ay nagkita sila ulit sa school. Ou, sa same school lang din pala namin ito nag-aaral noon.

Lumipas ang buwan naging sila. Umamin kasi yung babae na mahal nya daw si Iris and the feeling is mutual naman. Syempre masaya kami na mga kaibigan nya for them. Medyo naging close na rin namin yung babae at nakita talaga namin na mahal nila ang isa't-isa.

Hanggang sa dumating ang 1st anniversary nilang dalawa. Nag decide si Iris na e-surprise gf nya kaya nag effort din kami na tulungan sya.

Nag handa kami ng isang kanta, kasi plano namin e-raid yung condo n'ya para e-serenade s'ya. Ang sabi namin na sabihin ni Iris ay kinabukasan nalang nila e-celebrate ang anniversary nilang dalawa kasi may emergency at pumayag naman s'ya.

That night mga bandang 9pm na kaya sure kami na nasa condo na ito at nakauwi na. Makakapasok naman kami since may duplicate key si Iris sa condo nong gf n'ya.

Pagpasok namin ay parang walang tao kaya sa isip namin baka hindi pa nakakauwi. Pero nakita nalang namin sa sahig ang mga nagkalat na damit. Bigla kaming kinabahan non kasi may damit lalaki at alam kong alam na ni Iris kung ano ang nangyayari.

Dahan-dahan kaming lumapit sa pinto ng kwarto ng babae. Mula sa labas ay rinig namin ang mga ungol nila sa loob. Kita ko sa mga mata ni Iris ang sakit na nararamdaman n'ya, kaya kahit masakit harapin ay tinatagan n'ya ang sarili at binuksan ang pinto.

ᴘᴜ : ꜰᴀᴠᴏʀɪᴛᴇ ɢɪʀʟ (ɢxɢ)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt