"Okay, That's settle. Now we can go." ani Yujin sa hindi mabasang ekspresyon. Hindi ko alam kung pagod ba siya o nabobored lang.

Sumang-ayon ang iba at tinawag na ni Yujin sina Twilight at yung lalaking hinahabol niya. Bumaling ako kina Ryuji at sa bunsong kapatid nito na deretsong nakatingi sa ama nilang si Ryuzaki na mukhang pinapaalalahanan. Napatingin din ako sa lalaking naka-salamin na nangangalang Zen at sa dalawang batang lalaki na kaharap nito.

Hindi ko kilala yung isang batang lalaki na mas malaki ng kaunti sa batang si Vann. Anak rin kaya ng Zen na iyon ang batang katabi ni Vann?

Mukha nga dahil may pagkakahawig sila. Pareho silang cute at guwapings. Sanaol diba?

Napatingin ako sa papalapit na si Twilight at ang lalaking kahabulan niya na ngayon ay kinakaladkad niya habang sakal-sakal niya gamit ang mga braso ni Twilight.

Napasingkit ang mga mata ko sa aking nakita dahil sa kagagahan ni Twilight. Ano ba iyan? Balak ba talagang bugbugin iyan ni Twilight dahil lamang sinabihan siyang hindi niya ako kamukha?

Hindi ko akalain na gagawing big deal iyon ni Twilight. Hayst napakaisip bata.

Ang wi-weird nila pare-pareho.

Matapos paalalahanan ng mga magulang na kasama namin ang mga anak nila ay napagdesisyunan na nilang unalis ng greenhouse.

Salamat dahil bumawas na rin ang mga maiingay na nilalang dito.

Bago pa umalis sina Twilight at Midnight ay hinalikan nila ako sa magkabilang pisngi ko at nagpaalam sa akin.

Nginitian ko na lamang ang dalawang kambal at kinaway-kaway ko ang isang kamay ko habang papaalis sila ng greenhouse.

Mukha lang tanga si Midnight dahil kumakaway rin ito sa akin habang naiiyak. Hindi ko maiwasang matawa ng palihim dahil ang cute niya lang. Kahit na sabihin kong iisa pagmumukha ng tatlo kong guardian ay natatawa parin ako dahil magkakaiba sila ng personalidad na minsan hindi rin ako sanay at para sa akin ay ibang tao sila ngunit may parehong mukha.

"Bye! Bye!" ani Nightfall na naiwan na kasama ko. Hawak-hawak nito ang braso ko na kinakaway-kaway niya rin sa mga kasama naming umalis na ng greenhouse.

"Yehey! Winty and I can play now!" maligalig na ani Renji na tumatalon-talon pa. Napabungisngis si Nightfall saka ibinaba ang sarili upang magkapantay sila ni Renji.

"Do you want to walk baby?" lumaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Nightfall na lihim na nagpangiti sa akin. Nakangiti itong nakatingin sa akin kaya nginitian ko rin siya pabalik saka wala sa sariling napatango ako.

Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil umatake na naman ang pagiging ka-wirduhan ko. Para sa akin weird na ang pagsagot ko sakaniya sa napakaagang edad. Duh! Karamihan sa mga 1 year old ay wala pang alam. Ayokong masabihan na wirdong bata o sinaniban ng engkanto.

Dahan-dahan akong ibinaba ni Nightfall sa lupa at maingat na inaalalayan.

"Can she really go for a walk now?" may kinang sa mga matang ani Ryuji.

"Yes, so that she can exercise or get used to walking." ani Nightfall na nasa gilid ko at hawak ang isang kamay ko. " Be careful when walking baby, you might stumble." Malambing na ani Nightfall.

"Owuu!" sagot ko na hindi niya inaasahan. Hindi ko nakita ang reaksiyon niya nang sumagot ako dahil tutok ang mga mata ko sa aking mga paa na nakalapat sa lupa.

"Good girl."

"Baby! Let's go over there! There are many beautiful flowers there." excited na ani Renji.

Natatawa na lamang si Nightfall sakaniya at si Ryuji naman ay panay saway niya kay Renji dahil napakakulit niya.

"Hmmm." napatingin ako kay Nightfall na palinga-linga. Tinabingi ko ang ulo kong tiningnan siya at tumingin sa paligid kung saan siya tumitingin.

Puro lamang mga bata ang naririto na may kani-kaniyang mga grupo. Tiningnan ko muli si Nighfall na nakatingin sa isang grupo na malapit sa isang malaking puno. Grupo iyon ng mga batang nasisiguro kong nasa apat o limang taong gulang.

"There! Doon tayo!" ani Nightfall saka ko siya tiningnan na ngayo'y nakatingin rin sa akin. "Let's go and make friends with them." nagliliwanag ang mukha na nakangiti sa akin si Nightfall.

Oo may filter effects. Kaya nagliliwanag dahil nasobrahan sa kaguwapuhan kapag nakangiti.

Lihim akong napanguso at muling tiningnan ang mga grupo ng mga chikiting.

Ang tanong? Gusto rin ba nila makipagkaibigan sa'kin?



========================
CUT!

Alam kong bitin kaya may Chapter 7 part 2 pa yan. Hindi ako sanay na hindi umaabot ng 2500 words an chapter ko kaya hahatiin ko muna. Pasensya na. Pang motivation lang para parati akong nakakapag-update. Gusto niyo iyon diba? Parating may update? Kaya asahan niyo na parating may hati.

Happy Reading!

The Mafia's Illegitimate Child (Book 2) (On-Going)Where stories live. Discover now