Suminghal lamang si Midnight saka umarko ang kilay nito sa lalaki. Binigyan niya rin ng matalim na tingin ngunit hindi parin nagpatinag ang lalaki.

"Damn! This is your child Midnight!? She so pretty! She looks like a living doll!"

"Idiot, This is Nightfall's daughter, what are you saying? "

"Pfft, where did you hear that fake news? That's Twilight's daughter, you idiots."

Kani-kaniyang usal ng ibang kalalakihan na nagtatalo na kung sino sa tatlong kambal ang ama ko, kahit wala naman talaga ni isa sakanila.

Nagawi ang tingin ko kina Ryu at Yujin na nagpipigil ng tawa, hindi ko alam kung bakit kaya hindi ko na lamang pinagtuunan ng pansin. Saka muling binaling ko ang tingin ko sa isang puno sa medyo kalayuan kung saan may nakita akong bulto ng isang bata na bigla na lamang nawala kani-kanina. Napansin ko kasi na siya lamang ang naroroon sa dulo at dito sa pwesto namin ay nagtitipon ang mga batang naglalaro't kumakain ng matatamis na pagkain.

"That's enough gentlemen, go to the other garden so the children can play and have fun here in the greenhouse." ika ni Callen na may nakaakbay sakaniya na hindi ko kilalang lalaki.

Sumang-ayon naman ang mga kalalakihan at kinausap ang kani-kanilang mga kasamang bata saka ang ilan sakanila ay nagsialisan na sa greenhouse. Naiwan na lamang sa greenhouse ang tatlong kambal, sina Yujin at Ryu pati na rin si Callen kasama ang dalawang lalaking mukhang may lahing Koreano o Hapon, hindi ko alam kasi may pagkakahalintulad ang hitsura ng mga hapon at koreano kaya hindi ako sigurado sa lahi ng dalawang lalaking naiwan pa rito sa greenhouse.

"Damn, Twilight. How could you! Why didn't you tell us that you have a freaking daughter!" nang makaalis na ang ibang kalalakihan na nagsipaalam na ay biglang nag iba ang ekspresyon ng lalaking bagsak ang itim nitong buhok dahil sa sobrang straight nito.

"What the heck, Ken. Calm down..."

"How can I calm down if you don't look like your child!" usal ng lalaking nangangalang Ken sa mataas na tono ng kaniyang boses.

Biglang natahimik si Twilight at nanlalaki naman ang mga mata ng dalawa pa nitong kakambal at yung Callen. Syempre sina Yujin at Ryu naman napatikom ng bibig at para bang pinipigilan nilang ilabas ang namumuo nilang tawa.

"Wha...What the----What's your freaking problem you asshole!" inis na wika ni Twilight saka sunud-sunod ang mga hakbang nitong papalapit sa lalaki at mukhang balak pa itong saktan.

Hindi pa nakakalapit si Twilight sa lalaki ay agad namang kumaripas ng takbo ang lalaki. Sa huli ay naghahabulan na ang mga ito na parang mga bata paikot sa buong greenhouse.

"Oh! Leave your children here to play with the other children. Doon na lamang tayo sa kabilang garden mag-usap para hindi naiistorbo dito ang mga bata." ika ni Callen sa iba pa naming kasama na lingunin niya sina Ryuzaki,Midnight at ang nangangalang Zen the weirdo guy.

"Okay, but I can't leave Winty without anyone to take care of her here." ani Midnight na tiningnan pa ako saka muling bumaling kay Callen.

Napaisip naman si Callen saka napatangong muling tiningnan si Midnight saka ngumiti.

"Then our maid will take care of your child so that you don't have to worry anymore." suhestiyon ni Callen. 

"No." biglang sabad ni Nightfall na nakapaglingon sa amin sakaniya. "We can't trust anyone. Mauna na lamang kayo sa kabilang hardin. I'll take care of Winter so I can make sure she's safe." ika ni Nightfall sa seryosong ekspresyon. Napatango si Midnight saka lumapit kay Nightfall at ibinigay niya ako sakaniya. Agad naman akong tinanggap ni Nightfall saka niya ako nginitian ng pagkatamis-tamis.

The Mafia's Illegitimate Child (Book 2) (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon