Chapter 25

3.7K 93 11
                                    

“Sigurado ka ba na hindi mo kami isasama ni Joaquin?” Tanong ni Louise sa akin nang makasakay ako sa kotse.

“I’ll be fine. I'll call you later, kayo na muna ang bahala na magpalusot kay Lolo Frank. I need to go, bye!” Sagot ko at agad na pinaandar ang sasakyan at saka tinungo ang daan.

Its been a week since we arrived here. And through that seven days ay wala pa kaming exact location kung saan namin pupuntahan si Theodore. Philippines is a big country kaya hindi namin alam kung saan magsisimula. We're still gathering some informations and luckily we already had some possible places that can lead us to him.

Pero sa ngayon, may kailangan na muna akong puntahan. Someone needs to know the truth and I, on the other hand should do what I had promised.

I park my car at the parking space and went out of it. For two days that I followed him ay napansin kong dito ito palaging naglalagi. I did asked the bartender about him and he confirmed that he's a regular customer in this bar.

I sat at the stool and ordered margarita. Inilibot ko ang aking buong paningin sa loob ng bar para hanapin ito pero sa dami ng taong umiindak at sumasabay sa tugtugan ay hindi ko pa rin ito makita.

Kinuha ko ang inumin na inilapag ng bartender at agad na tinungo ang second floor. Muntik pa akong mahulog at matapon ang inumin na hawak ko dahil sa mga taong nakakasabay at nakakasalubong ko and God knows how I want to throw these people out just to clean the path I am taking.

I sipped my untouched margarita when I reached the floor. Inubos ko agad ito dahil sa agad akong nauhaw dahil sa kakatulak at kakaiwas ko sa mga tao. I put the glass on the table and roamed my eyes again.

Hindi ko alam kung naka-ilang linga, lakad at ikot na ang ginawa ko para lang mahanap ito. Pati iyong mga VIP na mga rooms ay hindi ko na pinalampas pero wala pa rin akong nakitang anino nito.

Where are you Mr. Cardigan?

“Hey baby!” Agad akong napalingon sa pinagmulan ng boses pero agad ko rin na ibinalik ang aking mga mata sa ibaba upang hanapin ito sa dance floor which I find so absurd. Him, dancing at the center? No way!

Napa-iling na lamang ako sa aking sarili dahil sa aking naisip. I was about to walk and go downstairs when someone grab my arm na siyang ikinatigil ko.

“What?” I asked. It was the man who talked to me, akala ko ay umalis na ito.

“Wanna drink with me, baby?” Agad na tumaas ang isang kilay ko dahil sa turan ng lalaking nasa harap ko.

Did he just called me baby?

“Excuse me?”

Hindi ito sumagot bagkus ay lumapit ito sa akin at yumuko hanggang sa pumantay ang kanyang ulo sa akin. I didn't bother to move an inch and waited for his next move.

“One wrong move and you'll hit the floor.” I said in a low voice but it was enough for him to hear what I’ve said.

“Really?”

“You want proof?” I asked and this jerk in front of me nods. Alam niya ba ang pinapasok niya?

I just stared at him for seconds and heaved a sigh afterwards. I shouldn't be wasting my time. Hindi na ako nagsalita pa at agad na tinalikuran ang lalaki, magsasayang lamang ako ng oras kapag pinatulan ko pa ito. And good thing that he didn’t followed me.

Bumaba ako mula sa second floor para kumuha ng maiimom. While walking, my eyes are busy looking for him pero agad rin akong napatigil nang marinig kong may tumatawag sa akin. Lumingon ako at hinanap ang tumawag sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maideporte Series #1: Twin VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon