Chapter 7

6.4K 168 47
                                    

“I’m sorry Sissy, pero hindi pa siguro ito ang tamang panahon para makita nila ako.” Nakangiting sabi niya sa akin. Hindi ako sumagot at yinakap na lamang ito ng mahigpit dahil baka abutin pa ako ng ilang buwan bago ko mayakap si Eya muli.

Naiintindihan ko naman si Eya sa desisyon niya at pina-intindi rin sa akin ni Lolo Frank ang maaaring mangyari kapag pinilit kong isama siya pauwi. Kaya hihintayin ko na lamang ang tamang panahon para ma-buo kaming muli.

“Apo,” Tawag ni Lolo Frank sa akin kaya kumalas ako sa yakap ni Sissy at yinakap ng mahigpit si Lolo. “Huwag mong kalimutan na balitaan ako sa mga nangyayari roon, maliwanag ba? And tell Johannes to call me. Hindi na kasi ako nakakatanggap ng mga emails mula sa Dad mo.”

“Opo.”

Napatingin ako kina Macey at Sheena na nasa likuran lang ni Lolo na kanina pa umiiyak and this is the first time na nakita ko silang ganito ka emosyonal. They are crying like I will not be coming back and I hate them right now dahil pati ako ay nahahawaan na rin sa kanilang pag-iyak.

“You bitches! I told you not to cry dahil ma-iiyak ako! You really did it on purpose, do you?” Naluluhang sabi ko sa dalawa at imbes ma sagutin ako ay mas lalo lamang silang naiyak.

“We are going to miss you like hell, Crissy! And we miss you already!” Ani Sheena habang umiiyak pa rin kaya naman ay yinakap ko na rin sila dahil hindi ko sila matiis.

Ako, si Lolo Frank, Eya, Macey at Sheena, we did a group hug together and as if on cue, umiyak na ako ng umiyak. This is the first time that I’ll be leaving them behind dahil ever since na tumapak ako rito sa Pilipas and met them ay kahit kailan hindi sila nawala sa mga lakad ko, even my Babe, Klein.

“Hush now, Sissy dahil baka takasan ka pa ni Klein dahil sa kakaiyak mo.” Ngumiti ako sa sinabi ni Eya at yinakap ulit ito ng mahigpit. “Hey! You can hug me to death when you’re back you know.” Natatawang sabi nito sa akin but instead of letting her go I remained in my position and cried.

“I love you, Crysseia! Naiintindihan ko kung ayaw mo pa na sumama sa akin at makaharap sila. But please, do find your way home just in case na hindi na ako makabalik.” I said and I felt her body stiffened kaya kumalas ako pagkakayakap sa kanya at nginitian ito. Hindi ko na hinayaan pa na magsalita ito at mag-tanong kaya agad na nilapitan si Klein na mataman lang na nakatingin sa amin.

“I am going to miss you, Babe.” Sabi ko at agad na yinakap ito. I burried my face into his chest and I can feel the heavy ups and downs of his chest, halatang pinipigilan nito ang pag-iyak dahil sa pag-alis ko. Tumingala ako and his watery eyes met mine. I cupped his face and let my forehead rested upon his. “I love you, Babe.”

“Hindi na ba kitang kayang pigilan, Babe? May kailangan ba akong gawin para hindi ka na tumuloy? Please stay with me, Babe. Please, don’t go.” He asked and everytime he pleads my heart is breaking into pieces.

“It hurts leaving you behind and seeing you cry because of me. I know you’re worried about me but please don’t be. I need to and I have to go home. My family needs me right now and being here for five years made me realize that I can’t run away just like that dahil kahit na anong gawin ko ay wala rin akong kawala.”

“I love you, Babe at naiintindihan kita. It’s your family and I can wait. Hihintayin kita. And when you come back, please do say yes in front of the altar with me and let’s spend the rest of our lives together.” Sabi niya habang umiiyak na ikinagulat ko. He kneeled in front of me and God knows how nervous I am dahil ginawang pagluhod niya at isa lang ang nasa isipan ko.

Is he going to...

“B-Babe?”

“Crysanti Therese Andromeda Maideporte, ghad! Your name is too long Babe.” Natatawang sabi niya habang nakayuko. “I’ve known you for five years and loving you for four years and counting. And I badly want to own you for myself and for our children to be. Babe, will you be my bride and wife to be and be the mother of our angels and spend the rest of our lives together?”

I am surprised and shocked! Hindi ko alam kung ano ang ire-react dahil sa sinabi ni Klein sa harap ko at sa lahat ng taong nakarinig nito dito sa airport. Nakatingin lang si Klein sa akin habang naghihintay nang isasagot ko. Nasa bibig ko pa rin ang kanang kamay ko dahil sa gulat ko kanina and my tears won’t even stop from falling.

Hindi ko matukoy kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Masaya ako pero kulang ang salitang masaya para i-describe ang nararamdaman ko. There is a rollercoster set of emotions within me at hindi ko alam kung paano pakalmahin ang sarili ko dahil sa dalawang salita na nararamdaman ko ngayon. Ang saya at kilig.

“Klein Trevor Cardigan, hindi mo na kailangan pa na hintayin ang sagot ko sa harap ng simbahan dahil ngayon pa lang ay maririnig mo na ito. And it’s a yes! I will marry you, be your wife and be the mother of our angels.” Sagot ko sa kanya. Rinig ko ang mga hiyawan ng mga tao at ng mga kasama ko. I saw Klein took the ring on the box he’s holding and slid it in my ring finger.

“Thank you, Babe. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon. I love you!” He said and claimed my lips.

Hindi mo rin alam kung gaano ako kasaya ngayon, Klein. All of my hopes rised because of you. At dahil iyon sa ginawa mo, babalik ako, babalikan kita and we’ll going to live together.

“I’ll wait for you, Babe.” He said after we broke the kiss.

“Babalik ako hindi para sa’yo kung hindi para sa atin. I love you, Babe. Always remember that.” I said and kissed him again for the last time.

I thought I am going to leave them with my heart being broke pero hindi pala. Klein proposed to me and that’s enough for me to prove to myself na makakabalik ako. Makakabalik ako dahil nandito ang magiging buhay ko. Ang buhay na magiging kasama ko ang taong mahal at mahalaga sa akin.

Maideporte Series #1: Twin VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon