Chapter 10

5.5K 136 24
                                    

Crysanti's POV

It's been two days after Lee and I went out. Hindi ko alam kung matatakot ba ako sa nangyayari o hindi dahil dalawa sa pinagkakatiwalaan ni Dad na mga reapers ay pinatay and the one who's behind it even left a note on the cadaver. Hindi ko alam kung ano ang nakasulat dahil hindi ito sinabi sa amin. Sina kuya Jacques at kuya Leonarde lang ang nakakaalam nito.

"Bakit gising ka pa?" Hindi ko na kailangan pa na lumingon sa pinanggalingan ng boses dahil alam kong si Theresa iyon.

"Can't sleep."

"Just as I thought. I brought you a milk, sabi ni kuya hindi ka raw uminom after ng dinner." Hindi ako sumagot at humarap na lamang sa kakambal ko. "Are you okay? May nangyari ba habang wala ako?" Tanong nito sa akin at umiling.

Since that day when kuya Jacques invited himself in my room and brought me a breakfast and told me about Theresa's whereabouts ay ngayon pa lang siya nakauwi.

"I am fine, Twinny. Hindi lang ako makatulog dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o hindi."

"Don't be dahil nandito naman ako at kami nila kuya para protektahan kayo ng magiging pamangkin namin. At hindi ko hahayaan na may makasakit sa inyo. I'll do anything for the two of you, Twinny kaya huwag kang matakot. Kaya inumin mo na 'yang gatas mo dahil makikitulog ako ngayon sa kwarto mo." Sabi niya at iniabot ang baso ng gatas sa akin.

"Pwede ba na doon na lang sa kwarto mo, Twinny? Matagal na rin kasi na hindi ako nakatulog sa kwarto mo." Tanong ko sa kanya nang maubos ko ang gatas.

"Sure." Nakangiting sagot nito at agad kaming tumungo sa kwarto niya. At nang makapasok ako doon, it was still the same room I've decorated.

Our portrait that she made still hanged on the wall. We were still complete at that time and our mother was still alive. Memories started to flashed in my mind when I slid myself in and lay down on her bed.

"Good night, Twinny."

"Good night." Sagot ko at natulog na rin.

Maaga akong nagising kina-umagahan dahil naramdaman kong wala na akong katabi. Hindi ko makita si Theresa sa kwarto kaya bumangon ako at bumaba.

"We have to stop them, kuya!" Rinig kong sabi ni Theresa when I took the last step of the stairs.

"I know dahil hindi magtatagal tayo na naman ang pupuntiryahin nila." Kuya Leo answered.

"Kuya," Pukaw ko sa kanila at agad silang napatingin sa gawi ko. Tumayo si kuya Jacques mula sa pagkakaupo sa sofa at lumapit sa akin at inalalayan akong maglakad patungo sa kanila at agad na pina-upo. "Anong pinag-uusapan niyo?"

"We're talking about the enemies who's keep on attacking our allies, Princess.” Sagot ni kuya Jacques sa akin na nakaupo sa tabi ko.

“Pero narinig ko ang sinabi ni kuya Leonarde.”

“We are doing everything to stop it from happening, Princess. Dahil hindi lang tayo malalagay sa panganib dahil pati na ang ibang mga ka-alyansa natin.” Sagot ni kuya Leo sa akin na sinang-ayunan ni kuya Jacques.

“Huwag na muna natin iyang pag-usapan sa ngayon. Ang kailangan natin pag-usapan sa ngayon ay ang magaganap na party sa susunod na araw. We have to be alert at that day dahil nandoon lahat ang mga grupong ka-alyansa natin at ang ilang mga opisyales ng gobyerno.” Saad ni Twinny na siyang ikinakunot ng noo ko dahil wala naman itong binanggit kagabi sa akin.

At dahil nga sa party na binanggit ni Theresa napag-desisyonan namin na tumungo kami sa designer na kaibigan ni Mama para magpasukat ay pumili ng damit after namin na maligo at kumain.

Tahimik lamang ako buong biyahe habang papunta kami sa kaibigan ni Mama. And when we arrived there, Celeste accomodated us. She pick the dresses for us na babagay sa amin. Gaya ni Theresa ay hindi ko rin sinukat ang damit dahil I am too tired to move an inch. I guess it's normal for pregnant women.

I heave a sigh and let my gaze wandered outside the window of the car. Kung andito lang sana ni Mom alam kong matutulungan niya ako sa pagbubuntis ko. And if only Klein is here, I know he'll always be by my side and will never leave me.

“Andito na tayo!” Sabi ni kuya Jacques at agad na lumabas ng kotse.

Lumabas na rin ako sa kotse at agad umangkla sa braso ni Theresa at sabay na pumasok sa Restau Crystallis. This restaurant was owned by my twin even the Crystallis that Klein and I used to eat at the Philippines. Binigay iyon ni Theresa sa akin three years ago para may mapagkaabalahan daw ako and because I wanted to make myself busy ay tinanggap ko ito.

“What do you want, Twinny?”

“Roasted chicken.” Sagot ko sa kanya.

I am craving again, ito yata ang magpapataba sa akin pero wala akong pakialam dahil para naman ito sa kalusugan ng magiging baby namin ni Klein.

Palagi kaming nag-uusap ni Klein at hindi ko hinihiwalay ang phone ko sa akin. I miss him badly and I wanted to see him. Hindi ako kuntento sa boses niya at sa mukha niya kapag nagvi-video call kami. Gusto ko siyang makita ng harapan at yakapin ito ng sobrang higpit.

And God knows how I want him to be with me right now!

After we ate ay agad na kaming dumiretso ng mansion. Its six o'clock in the evening already pero inaantok na ako. I fight the urge to sleep early dahil napaka-aga pa talaga kaya dumiretso na muna ako ng kusina to drink a glass of water.

“Hello Crysanti.” Agad akong napahinto sa paglalakad nang marinig ko ang bruha na nakatayo na pala sa may counter table.

“Morgiana.”

“Want me to cook for you, honey?” Aniya and stared at me like she cared for me. Ang sarap lang sabuyan ng kumukulong tubig at nang malapnos at matanggal ang maskarang suot nito.

If she think that she can fool me easily, well nagkakamali siya.

“Don't even bother yourself, Morgiana. I will not eat it anyway.” Sagot ko at agad na nilampasan ito.

“You're like your twin, Crysanti. Don't worry, you'll be my next target.” Panakot nito sa akin kaya agad akong lumingon sa kanya at ngumisi lamang ito sa akin. “And your baby.” Nabitawan ko ang basong hawak ko at agad itong sinugod dahil sa sinabi niya na siyang dahilan para mapahiga ito sa semento.

“You think I will let you do that, bitch?! The sun can never reach his rays on you dahil papatayin na kita ngayon pa lang!” Galit kong sigaw at agad itong sinampal.

I don't care if she's older than me at wala akong pakialam sa respeto na sinasabi nila. Papatayin ko ang babaeng ito bago pa niya ako mapatay at masaktan ang baby ko!

I can hear her screams echoed in the kitchen habang sinasabunutan niya ako. Masakit na ang ulo ko sa kakasabunot niya sa akin pero namanhid ang buo kong mga kamay sa kakasampal sa bruha dahil sa kapal ng mukha nito. Sinabunutan ko na rin ito pero agad rin akong napatigil dahil sa may humila sa akin.

“Therese!” Rinig kong sigaw ni Theresa sa akin pero hindi ako lumingon sa kanya dahil sa kakapumiglas ko sa humili sa akin. Ganun din si Morgiana at sa hindi ko inaasahan ay nasipa nito ang aking tiyan na siyang nagpatigil sa akin.

Narinig ko si Theresa na tumatawag sa akin pero nanatili pa rin akong walang kibo at hinila ang mga braso ko sa kung sino man. Napahawak ako sa baby ko and tears fell on my cheeks dahil sa unti-unting pagsakit ng puson ko. I kneeled upon feeling the unbearable pain I felt.

Naramdaman ko na may kumarga sa akin at hindi ko matukoy kung sino ito. Ang nasa isip ko lang ngayon ay ang kaligtasan ng anak ko.

Maideporte Series #1: Twin VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon