Chapter 9

5.6K 150 34
                                    

Crysanti's POV

I felt relieved when I said to my twin about my situation, parang nabunutan ako ng tinik. Theresa already told our twin older brothers about my pregnancy and thank God they accepted my baby. Tinanong din nila ako kung sino ang ama but I refused to tell them, sa ngayon si Theresa pa lamang ang nakakaalam kung sino ang ama ng anak ko.

Hindi pa alam ni Klein na buntis ako and I am going to keep it that way dahil kapag nalaman nila kung sino ang ama ng anak ko baka malagay lamang ito sa panganib and I can't let that happen!

"Good morning, baby!" Bati ni kuya Jacques sa akin or more likely sa baby ko. "I brought you a glass of milk Princess for our little champ." Dagdag pa ni kuya at ngumuso sa tiyan ko.

I am two weeks pregnant kaya hindi pa halata ang bump sa tiyan ko. Hindi ko pa nasasabi kay Dad ang sitwasyon ko dahil may posibilidad na baka malaman ni Morgiana ang lagay ko at baka mag-balak ng masama ito sa akin at sa baby ko. Ever since Dad let Morgiana live here ay hindi maganda ang pakikitungo nito sa amin lalo na kay Theresa at kitang-kita naman ang ebidensya noong pinagtangkaan niya ang kakambal ko.

"Good morning din, kuya Jacques!" Bati ko sa kanya at nagtalukbong agad ng kumot bago pa man makaabot si kuya sa kama ko.

"Bumangon ka na diyan, Princess. Pasado alas dies y media na, si Theresa umalis na muna saglit, pumunta ng opisina para asikasuhin ang mga bagay-bagay kaya ako ang inatasan niya, wala rin naman si Leonarde dahil sinama ni Dad sa isang meet-up." Paliwanang ni kuya sa akin.

"Diyan na muna 'yan kuya. Iinumin ko lang mamaya."

"Iyan ang hindi ko papayagan, Princess. You have to drink this milk now, it's for the baby. At hindi rin pwede na hindi ka kumain kaya dinalhan na rin kita ng almusal." Aniya at walang sabing hinablot ang kumot ko kaya wala na akong nagawa kung hindi ang bumangon at kumain.

"Siya nga pala, Lee will accompany you today dahil aalis ako. I have to meet some supplier at the port."

"Buy me a mangosteen and fresh pineapple." Request ko na siyang ikina-kunot noo niya. I am craving for mangosteen and pineapple.

Tapos isasawsaw ko sa asin ang pinya at sa milo ang mangosteen! Ghad! Ang sarap, can't really wait to eat them!

"Mangosteen, sa Dublin? Seriously, Crysanti? Yung pinya mabibili ko pa pero ang mangosteen, hindi ko alam kung saan hahagilapin." Rinig kong sabi niya kaya napatigil ako sa pagsubo at tiningnan ito ng masama.

"Eh 'di huwag ka nalang bumili." Inis kong sabi sa kanya at binaba ang kutsara't tinidor. "Busog na ako, huwag kang magpapasok sa kwarto ko maliban sa inyo ni Lee."

"Sabi ko nga, bibili ako, maghahanap ako. Kung kailangan kong halughugin lahat ng fruitstands sa buong Ireland ay gagawin ko makakita lamang ng mangosteen." Napakamot na sabi ni kuya na siyang ikina-ngiti ko ng palihim.

Actually, hindi naman ako galit kasi alam ko naman na mahirap hanapin ang ganung prutas sa lugar na ito pero kahapon ko pa kasi gustong kumain nito.

"Huwag kang lalabas ng walang kasama, okay? Sasabihan ko Lee bago ako aalis and please, lumayo ka sa gulo lalo na kay Morgiana." Aniya at hinagkan  ako sa noo.

"Roger!" Nakasaludong sagot ko sa kanya na siyang dahilan para guluhin ni kuya ang buhok ko.

Nagpaalam na si kuya sa akin at agad na umalis. Nagpatuloy ako sa pagkain agad na naligo pagkatapos.

"Lee!" Tawag ko sa batang reaper ni kuya Jacques nang makita ko itong nasa may tapat ng bintana na nakatayo.

"Ate Crysanti!" Sigaw nito nang makita niya ako at agad akong yinakap. "Na-miss kita ate Crys!"

"Na-miss din kita, Lee!"

I am one year older than her, tweenty-two na ako at siya naman ay tweenty-one. Of all the reapers that kuya Jacques had ay si Lee ang pinakabata at nag-iisang babae. Hindi ko alam kung bakit at paano naging reaper siya ni kuya and it's still a mystery to me. Lee is sweet, caring and cute. But when she's in the battlefield you'll see the opposite.

"Bakit hindi sinabi ng kutong-lupa na iyon na uuwi ka pala eh 'di sana umayaw ako?" Inis niyang saad nang kumalas ito mula sa aming pagkakayakap.

Sinabi ko ba na hindi sila magkasundo ni kuya? Yeah, hindi sila magkasundo, kulang nalang ay magpatayan sila minsan. Sometimes I wonder if kuya had a feelings for her dahil sa pag-asta nito sa kanya whenever they see each other.

"Kuya told me that he gave you a mission before I arrived here noong hinanap kita kay kuya. Sinabi din niya na it would last for a couple of weeks at matatagalan ka pa."

"Yeah! It's a suicidal mission, Ate! Ni hindi man lang ako sinabihan kung sino ang kakalabanin namin, nalaman ko nalang na yung Xerxes pala nang makita ko ang insignia nila. Kapag nakahanap ako ng pagkakataon talaga ay babalatan ko talaga 'yung pagmumukha niya." Aniya na siyang ikinatawa ko at pinisil ang pisngi niya.

"Ang cute mo talaga, Lee!" Nanggigil na sabi ko sa kanya habang siya ay pilit na tinatanggal ang kamay ko sa pisngi niya. "You're funny, Lee."

"Ewan ko sa'yo!" Sabi nito sa akin at umupo sa gilid ng kama ko. "Aalis ka?"

"Yeah, samahan mo ako Lee. Food trip tayo, gusto kong kumain sa restaurant ni Theresa. I'm craving, gusto kong kumain ng roasted chicken." Sabi ko sa kanya at pumili na ng damit sa walk-in closet ko.

Since I can't wear pants ay 'yung dress nalang yung kinuha ko at pinaresan ng flat sandals. I don't usually put some make-ups kaya nag pulbo nalang ako put some light colored lipstick.

"Talagang sasamahan kita!" Mariin na sabi niya na siyang ikinatawa ko. "So ano, tara na?" Tanong nito sa akin. Hindi ako sumagot at hinila agad ito palabas ng kwarto.

Lee is very protective sa aming dalawa ni Theresa, minsan nga ay kapag nandito sina Louise at Joaquin si mansion ay hind nito hinahayaan na lapitan nito ni Joaquin. And I bet, she will be too over protective kapag nalaman niyang buntis ako.

~•~

Author's Note:

Lee's story is already posted. Tittle, Taming the Notorious Prince.

Maideporte Series #1: Twin VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon