Chapter 3:

4 0 0
                                        

A peace offering can be sometimes a sign and token of love.

~~~

Ilang araw na ang lumipas pero puno pa rin ako g sama ng loob sa baklang 'yon. Talagang napapairap ako kapag naiisip ang pagpapahiya niya sa akin at pagtapak sa ego ko.

"Helen?" Narinig ko ang pagtawag sa akin ni maam Nanny kaya agad akong bumangon sa pagkakahiga at humarap sa kaniya. Ngumiti ako ng malapad at kinusot ang mata.

"Po?" nakangiti ko pa ring tanong. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko at marahang sinuklay ang buhok.

"Kumusta?" huminga ako ng maluwag bago idinantay ang ulo sa balikat niya. Palagi siyang ganito sa akin at itinuturing niya akong anak o lahat naman ng nasa ospital na 'to ay itinuturing siyang ina. Si Maam Nanny na nag-aasikaso sa amin dito sa Rainheart Paradise. Siya ang head nurse at kaibigan ng may-ari ng ospital.

"So far okay naman po, madalang na lang atakihn ng hika." May hagikhik pa sa dulo na pahayag ko.

Niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya pabalik, pakiramdam ko ay ligtas ako kapag kasama ko siya. Kakaiba yung saya na maya nag-aalaga at nagpapahaaga sa akin kahit na sa kabila ng karamdaman ko.

"Mabuti naman kung ganoon, gagaling ka rin anak, tiwala lang kay god, okay?" Para lang siyang lagging nakikipag-usap sa bata kapag nagpapayo, teacher at pari kung nangangaral, at halos kaibigan na kapag sa kalokohan. Pero ang maganda ay nagsilbi siyang nanay ng lahat lalo na ng mga ulilang bata at dalaga't binata dito sa ospital. Parang bahay-ampunan o bahay na naming mga pasyente ang lugar na 'to.

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at hinalikan sa noo bago bahagyang ginulo ang buhok ko. "Oh, siya. Kumain ka na at nakahanda na ang agahan."

Tumango na lang ako matapos noon at hinayaan siyang lumabas ng kwarto. Humawak ako sa bandang dibdib kung nasaana ng puso at nakangiting kinausap ang sarili, "Puso, thank you kasi lumalaban ka pa rin. Tama si Nanny, gagaling tayong pareho."

Napangiti ako dahil kahit na wala akong nakuhang sagot ay alam kong makakayanan namin 'tong pareho.

Pumunta ako sa may Canteen at halos nandoon na ang iba pang mga pasyente at si Sandya kasama si Nyx at...

Nangunot ang noo ko at natigilan nang mapagtanto kung sino ang nakaupo sa pwesto ko. Si Ouranos bakla.

Kumaway sa akin si Sandya pero lalo lang akong na-bad trip nang humarap si Ouranos at ngumiti sa akin ng mapang-asar. Akala niya siguro nakalimutan ko na ang pangpipikon niya sa akin kahit ilang araw na ang nakaraan. Nakipagpalitan lang ako ng masamang tingin.

Natapos naman ang agahan namin ng matiwasay at mabuti ay hind siya nagbitaw ng salitang ikagagalit ko dahil paniguradong magsisismula na naman ang away at titindi ang init ng ulo ko. Buti ay nagawa kong magtimpi na kapag ipupukol ko sa kanya ang masama kong tingin ay ngingisihan niya ako na parang nang-aasar at ang ending, kumukulo ang dugo ko at halos na-torture ko na ng tinidor ang pritong manok na ulam ko. Agad akong umalis ng walang paalam sa kanila at dumiretso sa garden para magpahangin.

Akala ko ay magiging tahimik ang araw kong 'to pero hindi pala. Nakita ko siyang papunta sa direksyo ko at diretso lang din ang tingin sa akin.napabaling ang tingin ko sa hawak niyang plastic nan aka-abot sa akin at para bang napipilitan lang siyang ibigay sa akin iyon. Pinangunutan ko siya ng noo at blangko naman ang ekspresyon niya na ngumuso na nagtuturo sa hawak niya.

"Bilis, nakangangalay sa kamay," reklamo niya pero tumayo lang ako mula sa pagkakaupo sa damuhan at humalukipkip. Tinaasan ko siya ng kilay bago umirap at nagsalita, "Deserve."

Tinalikuran ko ang g*go at muling umupo sa damuhan. Nagulat na lang ako nang itapatniya ag plastic sa mukha ko pero nasa likuran ko pa rin siya. Na awkward tuloy ako.

Nagulat pa ako noong una pero agad iyong napalitan ng pagtataka. Bago pa ako nakapagtangong ay nagsalita na kaagad siya, "Sabi ni mama, ibigay daw sa'yo. Lamunin mo."

Napapikit pa ako ng mariin bago huminga ng malalim. Hindi niya ba kaya magsalita na hindi irritable ang boses at tama ang choices ng words na sa tingin niya ay pag-uusapan namin?

Kung sana ay umaakto lang siya ng maayos sa akin ay hindi ganito kalaki ang galit ko.mas lalo pa niyang dinaragdagan ang init ng ulo ko at kaunting-kaunti pa ay kasusuklaman ko na siya dahil kasing pangit niya ang ugali niya.

"Tanggapin mo na," hirit niya pa kaya wala akong ibang nagawa kundi padabog na tinanggap ang supot ng plastic at binuksan iyon. Kaagad na kumalam ang sikmura ko dahil sa amoy, parang bigla akong nakaramdam ng gutom.

Ramdam ko pa rin ang presensya niya sa likuran ko at hindi ko mapigilang hindi mapalunok. Nakita ko kaaga ang laman ng Tupperware at nakitang adobo iyon peronagtanong pa rin ako. "Ano 'to?"

"Adobong palaka na sinahugan ng uod." Muntik ko nang mabitawan ang Tupperware na bigay niya kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Mahirap linisan ang madamong bahagi ng kinauupuan ko at favourite spot ko 'to dito sa garden kung nasaan ako. Ayoko na dahil lang sa bigay niya ay langgamin ako rito at mangamoy kung sakaling matapon.

"Put*ngina mo," pagmumura ko bago tumayo at hinarap siya.

Nakangisi siya ngayon sa akin at ramdam ko ang pag-init ng pisngi kom dahil sag alit. Napakasama talaga nito.

"Iyo na lang, ikaw ang lumamon." Bahagya ko pang itinulak iyn sa dibdib niya pero wala ata siyang balak kunin 'yon mula sa mga kamay ko kaya tumingala ako at tumingin ng diretso sa mga mata niya. Nakaramdam ako ng kuryente o ewan basta kinilabutan ang buong pagkatao ko dahil sa paraan niya ng pagtitig sa akin. Nakatutunaw.

Ilang sandali pa ay napatigalgal ako. Hinawakan nya ang kamay kong nakahawak sa Tupperware at pilit na inilapit iyon sa akin pabalik.

"Adobong manok iyan na walang halong lason o ano man. Kumain ka muna. Ako nagluto niyan, hindi mo natapos ang kinakain mo kanina. Baka kung malipasan ka ng gutom at mapano ka, weak ka pa naman. Lamon well." Ginulo niya pa ang buhok ko matapos niyang magsalita.

Hindi ko alam kung nag-iimagine lang ako o ano, pero base sa pagkakasabi niya ay parang sincere siya no'n kahit may halong kabaliwan.

Hindi ko alam kung bakit kumabog at parang gustong kumawala ng puso ko sa dibdib.

Nakatingin lang ako sa likuran niya habang naglalakad papalayo sa akin at pakiramdam ko ay kulay kamatis ang pisngi ko.

Kinikilig ba ako? Weird.

~~~

Until Next Setting [Series Two]Where stories live. Discover now