It takes few seconds to fall in love, it takes few words to feel loved, and it takes some stares to feel doubt, love takes a heart, insecurities takes you whole.
~~~
Lakad-takbo na ang ginagawa ko para maagang makabalik sa ospital nang maaga.
"Helen!" sigaw ng isang ale sa may hindi kalayuang tindahan, nangunot ang noo ko noong una pero pero nang mapagmasdang mabuti ay napangiti. Siya pala yung nanay ng dati kong kaibigan at pinsan na si Sunna, kaso ay umalis sila at pumunta ng ibang bansa kung saan nagtatrabaho ang papa niya.
Nang umalis si Sunna ay hindi na niya nalamang nagkasakit ako at walang kounikasyon mula noon.
Pero nakilala ko naman si Sandya kaya hindi ako gaanong naging kawawa sa kawalan ng kaibigan. Hindi ko kaya maging mag-isa, dependent akong tao kapag ang pinag-uusapan ay ang emosyon at puso ko.
"Kailan pa po kayo nakauwi?" masiglang ani ko.
Malaki na ang ipinagbagoo ni tita Shirley kaya mas lalo akong na-excite na makita si Sunna. Maraming taon na rin ang lumipas at alam kong Malaki na rin ang naging pagbabago sa itsura niya. Baka nga hindi na namin makilala ang isa't isa. Sana natatandaan niya pa ako o ang kahit ala-ala man lang naming dalawa na magkasama.
"Noong isang araw lang hija, ikaw? Kumusta ka na? ang ganda mo pa rin ah!" tanong at pambobola niya na ikinahagikhik naming pareho.
"Kasama niyo po ba si Sunna? Matagal ko na siyang hindi nakikita ah?" huminga siya ng maluwag bago hinawakan ang ulo ko at bahagyang ginulo ang buhok.
"Baka bago matapos ang taon makauwi na siya. Kailangan niyang tapusin ang pag-aaral doon at para kahitpapaano ay makakuha siya rito ng magandang trabaho. Ikaw ba? Kumusta ang pag-aaral? Matalino kang bata, baka mataas lahat ng nakukuha mong arka sa eskwelahan!" masiglang aniya kaya natahimik ako at hindi nakaimik. Hanga ako kay tita dahil kahit sa sobrang tagal na niya sa ibang bansa ay ang galing niya pa rin managalog. Sana ay si Sunna rin para hindi ako mahirapan sa paghahalukay ng mga ingles na salita kapag nagkataon.
Bago niya pa mapansin ang pagkabalisa ko ay agad na akong nagpaala. "Inuutusan pa po pala ako, baka makabisita nan a lang po ako pag naka-uwi na si Sunna, una nap o ako!" Lakad-takbo pa ang ginawa ko matapos no'n.
Nahinto na lang ako at napahawak sa dibdib nang makaramdam ng paninikip at hirap sa pag-hinga dahil siguro sa kaba at pagod sa pagmamadali. Tumigil muna ako at pilit ikinalma ang sarili para hindi na lumala ang pagkirot ng dibdib ko gaya ng kadalasang nangyayari kaya isinawalang bahala ko na lang.
Napaayos ako ng tayo nang may dumaang sasakyan kaya nasa gilid na ako ng daan. Pero nang paglingon ko sa likuran dahil nakarinig ng sigaw ay siyang pagbunggo sa akin ng bisikleta kaya natumba ako maging ang lalaking nakasakay doon.
"Put*ngina!" malakas akong napamura nang maktang dumudigo ang siko ko kaya nakaramdam ng hapdi. Tumingin ako sa nakabunggo sa akin at parang wala lang sa kaniya ang nangyari at panay pagpag lang sa damit at tinignan pa anng bisikleta bago itinuon sa akin ang pannsin at pinangunutan ako ng noo.
Mas lalong nag-init ang ulo ko dahil parang wala siyang balak na tulungan akong tumayo. Umirap ako bago mag-isang tumayo at tinitigan siya ng masama. Bahagya pa siyang napangisi ng siguro ay makita ang itsura ko, kunot na kunot ang noo, matalim ang tingin at magkasalubong ang kilay. Idagdag pa na siguro ay mapula ang pisngi ko dahil sa init at galit.
"Oh, Miss? Ayos ka lang?" biglang nagdilim ang paningin ko sa kanya at nasipa ko ang bike hanggang sa matumba dahil sa lakas niyon. Ramdam ko ang mga tingin nila sa amin pero wala akong pakialam. Hindi ko makontrol ang galit ko. Siya na nga may kasalanan, hindi na nga ako tinulungan, pinagtawanan tapos tatanungin kung okay lang? ginagago ata ako ng lalakeng 'to.
YOU ARE READING
Until Next Setting [Series Two]
RomanceSunset Series 2 A heartbeat with a rhythm of a violin. Just like the melody, Affection that turned into love flows. A ticking time bomb, indeed she is. Not until she met a man who'll change her perceptions in life. 5:15 PM, as the ray of a setting s...
![Until Next Setting [Series Two]](https://img.wattpad.com/cover/282281321-64-k215502.jpg)