Chapter Six

145K 3.9K 539
                                    

Musika's POV

"Hay nako, chi. San na tayo ngayon? Ang boring na oh. Hahaha!" Pagrereklamo ko habang naglalakad kami ni Medy dito sa 2nd floor. 
"Bisita na nga muna tayong Forever 21. Baka may mga bago."

Hmmph. Di naman halos kakasya't babagay sakin yung  mga magagandang damit dun eh...

"Hay~! Ikaw lang naman matutuwa...  Alam mo namang limited lang ang dress nilang kakasya sakin. Asar. " Tinawanan niya lang ako. "Hahahaha! Mag-diet ka na kasi, chi. Ayan tuloy."
"Sa summer, papayat na tayo ah?"
"Jusko. Dapat sa beach!" Napasimangot ako. 
"Palibhasa kasi makakapagsuot ka ng mga two-piece dun eh, noh?" 
Tinapik niya ako sa balikat tsaka bumuntong-hininga.

"O sige na nga. Tutulungan kitang pumayat. Pero chi, kailangan mo rin namang tulungan ang sarili mo. Dapat motivated ka!" Pano ba naman kasi tumanggi ng pagkain? Ano bang dapat isipin kapag nagda-diet?

"Make food as your enemy. Isipin mo na..." Napaisip siya. "Mamalasin ka kung kakain ka ng marami, mamamatay ka, mabubulunan, o ano pang curses dyan para lang di ka makakain ng marami." Napatawa naman ako sa advice niya.

Mahusay! Ang laking tulong... Pano pa gawin yun, ha?

"O, girl tingnan mo! Ang cutieee!" 
Pinakita niya sakin ang dress na baby pink at floral. 
"Alam mo bagay dyan? Sneakers instead of sandals para mas cute tingnan. Alam mo na, uso ngayon diba?" Napangiti naman siya at kinuha 'yon.

"Masukat nga muna." 
Hay~ buti pa si Melody.  Nasusukat niya lahat ng magagarang damit. Bumabagay sa kanya lahat. 

Eh sakin? ASA! Hanggang leeg ko nga lang minsan eh. Nakakainis naman kasi ba't ako binigyan ng ganitong katawan. Tss. Wala naman akong ginawang mali para parusahan ng ganito eh! Nakakasakal! (KUMAIN KA PA MUSIKA)

Lumabas si Melody wearing the dress. At ang ganda niya talaga...

Bukod sa maputi pa siya't matangkad, para siyang model. Nakakainggit talaga 'tong babaeng 'to...

"Ang ganda mo, chi. Para kang model." Umikot-ikot pa siya. "Talaga? Pwede na?"

"Tingnan mo pa sa salamin." Pinagmasdan ko siya from head to toe. Bumalik siya sa loob ng fitting room at pagkatapos ay binayaran niya na. "O ikaw, wala ka bang napili ni isa?"
Tanong niya sakin.

Nakakawalang-gana naman kasi eh... Laging lose shirts nalang ang nasusuot ko.

"S-Saka na. Marami pa naman akong bago. Tsaka... matatagalan lang tayo sa pagsusukat."  I heaved out a very deep sigh at lumabas na kami. 

"Daan nalang tayong Comic Alley, chi.  Baka may stock na sila ng Death Note characters na figurines."

Pumunta kaming 3rd floor at pumasok sa Comic Alley. Tumingin ako sa figurine area nila at saktong-sakto!

"Ureshi~!" (Ang saya ko!) 

Natuwa ako at agad nagtawag ng assistant para kunin ang 1 set figurines. 

"Ang adik mo talaga. Baka bumaha na ng figurines yung room mo?" Natatawang sabi ni Melody. Ito lang kasi ang nakakapag pasaya sakin eh. Ang Anime!

Anime's a big part of my life!

Yung mga Japanese dubbed? Nyaks, hindi ko na kailangan ng subtitle kasi naiintindihan ko naman ng sobra!  Inggit nga sakin mga co-otakus ko sa text eh. Alam niyo ba yung Anime Clan? Kasali ako dun! At isa ako sa mga active members.

Di lang member. Founder rin pala ako ng isang famous clan! Yun lang nakakapagpasaya sakin talaga. 

Na ang pagiging pangit man o mataba ay hindi sinusukat. The only place that I feel like I truly belong.

Bumili na rin ako ng newly arrived posters ng Toaru Kagaku no Railgun. May panibagong ididikit na naman ako sa wall! Buti nga't malaki ang kwarto ko at di ko pa napupuno ng posters. Gusto kong gayahin yung kwarto ni Alodia. Idol na idol ko nga sya eh. Gusto kong maging tulad niya someday. Sikat na cosplayer! 

Tsshh kailan kaya mangyayari 'yon? 

"O, may malaki ka na namang supot ng Comic Alley na dala-dala. Tsk tsk. Baka mabaliw ka sa sobrang kaadikan mo dyan, chi." Sinilip niya ang mga pinamili ko.
"Eh di isang malaking WOW! Hahaha alam mo naman kung gaano ako ka-otaku diba?"
"Focus ka nga muna sa studies natin, chi. Wag kang masyadong magpaka-adik dyan."

Ayan na naman po ang teacher bestfriend ko na daig pa si Okaasan (Mama) ko haha!

"Hai, hai tomodachi sensei ne~ haha!" (Yes, yes teacher friend)
"Ayan ka na naman sa pag-hahapon mo! Turuan mo kaya ako nyan noh?"
Bumili kami ng Takoyaki sa stall para pang-meryenda. Pupunta muna kaming park para magpahangin. 

"Saka na, chi. Tinatamad ako. It takes time pa kasi. Wakatta na?"
(Gets mo?)
"Hai! Hahahaha!"  (Yes!) Nakarating kami sa Park at saka naghanap ng pwesto.
"Kuso. (Sh*t) Di tayo nakabili ng maiinom."
"Anong use ng Vending Machine dito, diba?" Nga naman. Ba't di pumasok sa OTAKU yun? HAHAHA!

Ang adik ko na!

Speaking of....

May pick-up line ako!

ANIME ka ba?

Kasi...

Lagi kang nasa OTAKU eh... 

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon