"Ayun!" Tinuro-turo niya pa.
NAK NG--

"Pechay! Ang ganda nun noh! He-he-he-he!" 

Nag-pretend nalang ako na may tinuro-turo kami ni Medy sa may direction nung cute guy kasi napatingin sila sa amin. Di kasi sila kalayuan. Etong si Medy kasi eh! Para akong t*nga ngayon.

"Anong tinuturo-turo mo dyan, ha?" Nanggigigil na 'kong tumingin kay Medy at pinakalma pa ang sarili ko. "Mangtrip tayo." An evil grin formed on her face.

Papunta na kami ni Medy sa car nung titripan namin. Boring kasi eh! Hahaha!

"Waaahh! Wag sabi, chi eh!" Sigaw naman ni Melody. Aba, pa-cute! 
"Heh! Di ka makakatakas saking babae ka!" Sinilip ko yung reaction ng girlfriend niya at naiinis nga siya samin.

Tumili-tili pa si Medy at nagdrive patungong gilid ng car nila. Pumunta naman ako sa kabilang side. Nasa gitna namin sila.

"Ano ba naman 'yan! Ang lawak-lawak ng area tapos dito pa naghahabulan, parang mga kinder!"

Hindi ko inexpect ang magiginh reaction niya at bigla silang hinarangan ni Melody. Uh-oh...

"Uhm, excuse me. Do you have a problem, miss?" Ayan tuloy, na provoke eh. Maldita pa naman 'yan.

"Excuse me, rin! Paharang-harang kasi kayo sa direksyon namin eh. Kung gusto niyong maghabulan, lumabas kayo dito." Pagtataray na ng babae. Sumingit na ako.

"Chotto matte kudasai..."
(Teka lang PO ha) Sarcastic naman na pagkakasabi ko sa kanya.
"This is a public place po, right? So we can do whatever we want. Wakatta na? (Naiintindihan mo?)"

"Wait, wait lang. Maidadaan naman natin sa simpleng usapan 'to."
Nag-interrupt na rin yung boyfriend niya. Tiningnan namin siya ni Melody.

"Can you please teach your girlfriend a lesson? Napaka-narrow-minded kasi eh. We paid for this din naman. Hindi nga namin kayo pinapakialaman eh." 
Sabi ni Melody at parang nanggigil si ate kaya tumayo siya mula sa kinauupuan niya. Lumapit siya samin.

"Ops! Come closer and we'll call the guards." Pananakot ko naman. 

Napatingin na samin ang mga tao dito. Hahahahaha! Making a scene is our favorite! Lagi kaming may nga trip ni Melody na ganito, kakanuod kasi namin ng Just For Laugh Gags nung mga bata pa kami eh.

"Kahit mas bata ka sakin, papatulan kita! Ano, gusto mo ng sapakan?!"
Hinawakan ko ang kamay ni Melody.

"Nanda yo omae wa?!"
(Sino ka ba sa tingin mo?!) 
Napatingin siya sakin.

"Manahimik ka nga dyang baboy ka! May pa-chinese-chinese ka pang nalalaman dyan eh you was at the Philippines naman!" Natawa pa siya nang malakas at parang t*nga.

Napanganga kaming nagtinginan ni Melody at--

"Haahahahahahaha! Hakuchi baka buso! Aiish! Hontou ni baka yarou!"
(Retard stupid b*tch! Sobrang b*bo!) Napatulala lang siyang tumitingin sakin.

"Japanese ata yun, babe."
Sabi naman ni kuya. Tumayo kami at nagyakapang dalawa habang tumatawa.  Natawa rin yung mga taong nakapalibot samin. Ang lakas kasi ng boses niya.

"The fu*k, bestfriend! HAHAHAHAHAHAHA! I was speaking Chinese daw! We WAS AT THE Philippines daw!"

"Oo nga, chii! Nahiya naman ako sayo! HAHAHAHAHAHA! Ni renshi ta ma? Hahaha!"
(Chinese- Kilala mo ba 'to?)

"Alam mo kasi—Hahahahaha! Wait--" Pinakalma ko pa ang sarili ko bago nakapagsalita.

"I was speaking JAPANESE po and your grammar is so wronging! Your grammaring is so wronging, teh! My nose is blooding na! Hahahahaha!"

Mas natawa yung crowd at pati na rin ang boyfriend niya.
"Ew. Ang t*nga mo naman! Pa-english-english pa, wrong grammar naman. May word bang wronging? Dapat wronged yun!" 

Mas natawa pa kami ni Melody at napaupo na sa sahig.

"Pakisapak nga 'ko, chi! Hahahaha! I think I'm having a nightmare! Hahahaha! FYI, wrong grammar is inappropriate, it doesn't exist! It should be 'grammatically incorrect.'" Napahawak na sa tyan si Melody habang tumatawa. Ako naman, naiiyak na.

Ano ba 'tong ginawa namin, sayang walang video!

"You know what, palitan mo nga 'yang GF mo, kuya. Maganda sana eh, b*ba nga lang. Even those zombies sa Plants vs. Zombies ay lalagpasan lang yan kasi nga walang brains? Hahahaha!"
Sabi ni Melody at nakipag high five sakin. Iniwan ang mga taong natatawa parin doon. Naiiyak na yung girlfriend niyang engot. Susugurin na nga sana ako eh, buti na lang pinigilan nung guard. Yung boyfriend niya naman, tumatawa na rin at mukhang nahihiya pa ngang kasama siya.

Hay nako.

"OMG, chi that was the most epic scene we ever had! So intense! Nagugutom tuloy ako." Natatawa parin kami ni Medy habang pababa sa escalator at patungong Vikings.

"Dapat may inutusan tayong mag-video, sayang! Hahahaha!"

"Kaya nga eh! Ang ganda sana. Pang-MMK, Oprah, Ellen at pang Top 20 Funniest Clips na! Hahahahaha!

Kumain kami nang kumain at natatawa parin kami. Muntik na nga akong mabulunan. Ewan ko nalang talaga sa pagiging maldita ni Melody. Ba't ba kami naging mag bestfriend nito? Hahaha!

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Where stories live. Discover now