"Miss, nakmamatay ba ang titig mo o nagagwapuhan ka lang sa akin?" literal na nalaglag ang panga ko dahil sa tanong niya. Peke akong tumawa pero bumalik lang din sa galit kong itsura. Para akong robot, ang bilis magbago ng ekspresyon sa paraang gusto ko.

"Wag mo akong ma-miss miss. Helen ang pangala ko—" hindi niya ako pinatapos magsalita dahil sumabat siya kaagad, "Hindi ka tinatanong."

Kiagat ko ang labi ko dahil baka kung ano ang masabi ko sa harap niya. Akmang susuntukin ko siya pero nakailag kaya na out balance ako at halos mayakap na siya. Nanlaki ang mata ko lalo na nang tumikhim siya at para bang nang-iinis. Kahit hidi maayos ang pagkakatayo ko ay itinulak kopa rin siya at pilit na lumayo. Dahil nga hindi maayos ang tayo ko ay lumanding pa rin sa semento ang pwet ko kaya humawak ako sa balakang habang dumadaing sa lakas ng pagkakabagsak. Lumingon ako sa kanya at kita ko ang gulat sa mga mata niya pero matindi pa rin ang galit ko. Tatayo pa lang sana ako nang makarinig kaming pareho ng boses sa kung saan.

"Ouranos!" sigaw ng isang dalaga mula sa vulcanizing shop at boses pa lang niya ay kilalang-kilala ko na.  Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hindi ako ang tinawag niya. Lumingon ako sa lalaking nakabunggo sa akin at pansin ko ang ngiti niya habang tinitingnan si sandya papalapit.

"In love ata ang loko," mahinang bulong ko bago ibinaling kay Sandya ang tingin.

"Helen? Ouranos? Ba't magkasama kayo?" tanong niya nang makalapit.

Papalit-palit ang tingin niya sa amin kaya mas lalo akong nagtaka.

"Magkakilala kayo?" halos sabay naming tanong ng lalaking tinawag ni Sandya na Ouranos. Nagkatinginan pa kami at nagtagisan sa nagtatakang titig. Lumingon na lang ako kay Sandya dahil sa inis.

Pinilit kong tumayo st pinagpag ang damit pero agad ding natigilan dahil sa narinig mula kay Sandya. "Hello? Pareho ko kayong kaibigan?" Naging blangko ang ekspresyon ko at nameywang bago plastic na ngumiti pero halata na punong-puno iyon ng sarkasmo.

"Kaibigan mo 'to?" nakangiwig sabi ko sabay turo sa lalaking katabi ko na siguro ang pangalan ay Uranus? Awranos? Ah, ewan.

Mukha siyang bading na saging na ibinabad sa suka at pinagulong sa harina—ano bang mga iniisip ko? Nailing ako dahil sa inisip at natawa pa ng hindi halata.

Halos masuka ako dahil siguro sa pandidiri o gulat nang akbayan niya si Sandya, close sila? Tinaasan ko ng kilay si Ouranos.

"Ano bang kasalanan sa'yo ng bestfriend ko at ang tindi ng galit sa'yo?" tanong ni Sandya at bago pa man siya sumagot ay inunahan ko na, baka kung anong imbentong salita pa ang sabihin niya.

"Paano ba naman kasi dito pa nakuhang magbisikleta sa mataong lugar edi naagasaan tuloy ako!" inis na asik ko.

"Sino ba naman kasi ag naglalakad pa mismo sa gitna ng daan? Mag-isip ka, Elena," sabi niya pabalik kaya hindi ako nagpatalo.

"Wag mo akong tatawaging Elena! Helen ang pangalan ko, Bakla!"

Bago pa siya makasagot ay dumating si Nyx kaya napangisi ako nang tanggalin niya ang pagkakaakbay ni bakla sa bestfriend ko. Buti nga.

Nag-usap pa sila at halos hindi ko na maintindihan ang bulungan.

Nakaisipnaman ako ng kalokohan kaya nagkunwari akong nahihirapan huminga. Kita ko agad ang pag-aalala ni Sandya kaya sumigaw na kaagad ako. "Hoy ikaw bakla! Ihatid mo ako sa ospital!" sigaw ko habang hawak ang dibdib.

Nangunot pa ang noo niya at naningkit ang mata na para bang nakikipagbiruan ako na oo naman talaga. Ayoko man siya kasama pero para sa bestfriend ko ayoko na si Bakla ang mas mapalapit sa kanya. Isang malaking NO!

Napabuntong hininga siya bago ako nilapitan at hinawakan sa ulo sabay gulo niyon na para bang close kami, hinayaan ko na lang at naunang tumalikod pero may ibinulong muna ako kay Sandya. Sinamaan niya ako ng tingin pero palihim akong nag thumbs up bago tumalikod pero nakita ko na napangiti siya bago umiling. Talandi! Pero atleast napasaya ko siya sa ginawa ko, double purpose pa at nailayo ko sa kanya ang baklang kasama ko.

"Kaya mo naman sigurong magpunta ng ospital?" tanong niya kalaunan kaya pareho kaming napahinto. Bago kami umalis kanina ay ipinaiwan niya muna ang bisikleta niya. Ang kapal pa ng mukha para sabihing nadoble pa tuloy yung gagawin niya.

Inirapan ko na lang siya at nagmamadaling naglakad nang totoong makaramdam ng paninikip ng dibdib. Hinihika na naman ata ako.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko para mapigilan ang pag-iyak habang mas lalong humihigpit ang pagkakadiin ng kamao sa dibdib.

Naramdaman kong nakatitig lang siya sa akin at parang hindi pa rin niya magawang maniwala kaya mas lalo akong nanghinayang. Habol ko ang hininga ko habang nagmamadaling lumapit sa isang puno at doon sumandal. Ipinikit ko ang mata ko para pakalmahin ang sarili.

"Malakas pa ang puso ko, matatag 'to, hindi kaagad susuko." Sambit ko sa loob ng isipan ko. Nanghihina na talaga ako at muntik nang matumba buti na lang ay nasalo niya.

Walang sabi sabi ay binuhat niya ako, alam kong mabigat ako at paniguradong mahihirapan siya. Napatingin ako sa mukha niya at kahit na nanghihina ay nagawa ko pa ring umirap dahil sa halo halong nararamdaman at mas nangingibabaw ang inis.

Patuloy pa rin sa pagkirot ang dibdib ko pero kahit papaano ay kaya ko na rin namang makahinga ng maayos. Pumikit muna ako dahil nakaramdam ng hilo.

"Pst, oi. Gising." Narinig ong nagsaita s Ouranos sa tabi ko at ramdam kong inilatag niya ako sa kama.

"Tang*na neto, kitang natutulog yung tao." Salubong ang kilay na saad ko. Bumangon ako kahit kadadapo lang ng likod ko sa higaan. Kahit papaano ay may hiya pa rin naman ako sa katawan.

"Hindi mo naman siguro kailangan na magtagal pa rito?" pinaningkitan niya lang ako g mata kaya pumorma ang ngisi sa labi ko. "Kunwari babantayan mo ako." Pang-aasar ko pa.

Naramdaman kong ayos naman na ang pakiramdam ko at umayos na ang paghinga ko. Buti hindi ganoon kalala ang nangyari sa akin.

Agad akong tumayo at hinila siya palabas ng kwarto. Kinabahan ako bigla dahil baka kung anong isipin niya dahil sa itsura ng kwarto ko.

"Ang hilig mo palang mangolekta ng mga posters ng poging lalaki?" natatawa-tawang aniya na mas lalo kon ikinairita. Ayokong may pumupuna sa kinaadikan ko.

"BTS kasi 'yon, manahimik ka!" sigaw ko pero mas lalo siyang tumawa kaya humalukipip ako.

Sinamaan ko siya ng tingin kaya nakita ko kung paano siya tumawa, labas pa ang gilagid ng loko, pero may kung anong natuwa sa isip ko. Naalala kong attracted ako sa ganoong ngiti, mga ngiting gusto kong makita araw-araw dahil nakakahawa.

Mainis dapat ako sa kanya pero bakit mukha yatang gugustuhin ko nang makita ang ngiti niya araw-araw?

~~~

Until Next Setting [Series Two]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora