"Puwede ba na pagkatapos ng breakfast ay pupunta muna tayo sa bahay ni papa?" pakiusap ni Johnson

(Hansel's POV)

Pumunta sina Ford, Johson, at Rachel dito sa bahay ni Tito Paulo. Buti nga lang at alam ni mama na nandito ako at nakapagpaalam naman si tito kay mama. Abala kaming dalawa sa pagdidilig ng halaman.

"Pumayag ba si mama na pumunta kayo dito?" tanong ko habang sinalubong ko sila.

"Oo, pinayagan kami ni Tita Sharon." sagot ni Rachel

"Johnson, buti nga lang at naisipan niyo akong puntahan dito." ani Tito Paulo at isa-isa kaming nagmano sa kanya.

"Tito, ako po si Ford. Boyfriend ako ni Johnson." pagpapakilala ni Ford sa kanyang sarili.

"OMG! Thanks God at nagbalikan kayo!" sambit ni Tito Paulo

Pumasok na kaming lahat sa loob ng bahay at nag-house tour kami habang gumagawa ng vlog si Tito Paulo. Malaki ang bahay niya at napakaganda kahit na simple lang ang disenyo ng bahay. Maraming mga paintings ang nakadikit sa pader ng bahay. Medyo napapagod kami sa kaakyat ng second and third floor ng bahay. Pumunta kami sa terrace ng bahay at tumigil muna si Tito Paulo sa shooting ng kanyang vlog. Umupo kami sa tig-iisang upuan habang si Tito Paulo ay tumayo lang siya.

"Guys, napapagod na ba kayo?" tanong ni Tito Paulo

"Opo, ang laki pala ng bahay niyo po tas napapagod kami sa kaakyat sa itaas." sagot ni Rachel habang hinihingal.

"Sige, papupuntahin ko dito ang kasambahay dito sa terrace para dalhan kayo ng meryenda. 

By the way, magedeliver muna ako ng cupcake at babalik lang ako dito." paalam ni Tito Paulo at umalis.

Pagkatapos ng limang minuto ay dumating na ang kasambahay na may dalang sandwich at juice na nakalagay sa tray. Tinulungan ko ang kasambahay na ilatag ang mga pagkain at inumin sa mesa habang nagpapa-cute. Nakitulog na ako dito sa bahay ni Tito Paulo pero hindi pala ako sinabihan na may maganda pala silang kaambahay dito.

"Miss, puwede pahingi ng number mo?" tanong ko

"Sorry, di kita type!" sagot ng kasambahay at umalis siya na dala ang tray. Pinagtatawanan lang ako ng tatlo.

Medyo napahiya ako sa sarili ko dahil hindi ko pa man niligawan ang kasambahay ay binasted na niya ako kaagad.

"Bakit mo kasi siya tinulungan?" tanong ni Johnson

"Naawa lang naman ako sa kasambahay ni Tito Paulo baka kasi nahirapan siya sa pag-akyat sa hagdan." sagot ko

"Naawa ka o crush mo ang kasambahay?" pang-aasar ni Rachel at bigla kong binugahan si Johnson ng ininom kong juice.

Umalis muna si Johnson at sinamahan siya ni Ford. Tanging kaming dalawa na lang ni Rachel ang natira sa terrace.

"Sorry insan!" sambit ni Rachel at nag-peace sign pa siya. Naghabulan kaming dalawa dahil sa pang-aasar niya sa akin.

(Johnson's POV)

Pumasok kami ni Ford sa isang bakanteng kuwarto sa third floor at may CR sa loob ng kuwarto. Naghihilamos ako ng mukha ko sa lababo ng CR habang naghihintay si Ford. Bumalik kami sa terrace at naabutan namin sina Rachel at Hansel na naghahabulan. Nang makita nila kami ay tumigil sila sa kanilang habulan.

"Kanina pa kayo dito?" tanong ni Rachel

"Hindi, kapapasok lang namin." sagot ni Johnson

Umupo kaming apat sa upuan at tinapos namin kainin ang meryenda namin. Biglang may isang lalaki na kasing-edad lang namin na pumunta dito sa terrace. Wala siyang damit pang-itaas pero nakasablay ang tuwalya sa kanyang kanang balikat. Naka-short lang ito na kulay asul. Napansin namin na tinititigan ni Hansel ang lalaki at ginulat namin siya.

"Hansel, huwag mo akong titigan baka matunaw ako!" pang-aasar ni Hansel

Balak sana suntukin ni Hansel ang lalaki pero pinigilan namin at sa halip ay tinulak namin siya at pareho silang nahulog sa sahig habang nagkadikit ang kanilang mga labi. Kararating lang ni papa sa terrace at bumungad sa kanyang harapan sina Hansel at ang lalaki sa sahig.

"Diyos miyo, baka di na magkakaapo si Sharon nito!" sabi ni papa habang nag-aalala.

Inalalayan namin si Hansel na tumayo at tumayo ang lalaki. Dahil sa hiya ay tinakpan ni Hansel ang kanyang mukha.

"Guys, this is Carlo. Inampon ko siya noong di pa kami nagkakilala ng boyfriend ko. Five years old lang siya nang ipinamigay ng biological mother niya si Carlo sa akin." pagpapakilala ni papa sa lalaki.

"In fairness, ang hot pala ni Carlo!" compliment ni Rachel habang kinikilig.

"Daddy, maliligo muna ako!" paalam ni Carlo at umalis. Tsaka pa tinanggal ni Hansel ang kanyang mga kamay sa pagkakatakip ng mukha niya.

"Nasaan po si Tito Daniel?" tanong ko

"May work kasi siya ngayon at maaga pa siyang umalis kanina." sagot ni papa

Habang nagkukuwento si papa patungkol sa kanyang past life ay naririnig kong nagbubulungan sina Hansel at Rachel.

"May twin brother si Carlo baka gusto mo na ibigay ko siya sa'yo." bulong ni Hansel

"Parang gusto kong makilala iyang twin brother na sinasabi mo." sabi ni Rachel

"Hindi ko pa siya nakikita ngayong araw." tugon ni Hansel

Breathe With Me (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now