09. Devil In Disguise

21 17 0
                                    

TRIGGER WARNING

"I have a girlfriend."

Agad na napatingin sa kanya ang lahat. Tumayo siya at nagbow sa magulang niya at kay Dad. Hinawakan niya ang kamay ko at tumakbo kami palabas ng bahay nila.

Nakarating kami sa isang malawak na park. Umupo kami sa damuhan at pinagmasdan ang buwan.

It's so peaceful.

Tinignan ko si Lucas at nakatingin lang din siya buwan.

"Do you really have a girlfriend?" tanong ko sa kanya at nilingon niya ako. Napatawa siya bago sumagot.

"You said you don't want to marry me. I can't say no to them so I provided them a reason why we can't marry each other," sagot niya at napatango tango nalang ako.

Ngumiti ako at pinakatitigan siya. "I want to thank you. I thought you were a self-centered jerk...but looking at you now, you seem to be a good person," sabi ko sa kanya at napatawa nalang siya.

"If you really want to thank me, then be my friend." Nagtama ang paningin namin. Inilahad niya ang kamay niya sakin. Ngumiti muna ako bago tinanggap iyon.

Napatingin ako sa bulsa ko nang biglang magring iyon. Nag excuse ako sa kanya at lumayo sa kinaroroonan niya bago sinagot ang tawag.

"I'll be waiting for you here in my car." Napalunok ako nang marinig ko ang boses ni Dad.

"You're really stubborn, I should give you a lesson for disobeying me." Ibinaba nito ang tawag at nanginginig akong ibinalik ang cellphone sa bulsa ko.

Lumapit ako kay Lucas at nagpaalam sa kanya. Tumikhim muna ako at lumingon siya sa akin. "I should get back, my D-Dad is looking for me," sabi ko at tumango lang siya. Tumayo siya at pinagpag ang pang upo niya.

Tahimik lang kaming naglakad papauwi sa bahay nila.

Nakita ko ang kotse ni Dad na nakapark sa gilid ng bahay nina Lucas.

"Thank you for saving me there, bye," paalam ko sa kanya at naglakad papalapit sa kotse ni Dad. Lumingon muna ako sa kanya at kinawayan niya lang ako.

Pumasok ako sa backseat at nakita ko si kuya na nakaupo na doon.

.

NAKARATING kami sa bahay. Habang papasok palang kami ay gusto ko ng maiyak sa takot.

Nang makarating kami sa sala ay nagulat ako nang hawakan ni Dad ang buhok ko at itinulak sa sahig.

Napahampas ang ulo ko sa kalapit na mesa at agad na umikot ang paningin ko. Rinig ko ang pagsigaw ni Dad. Napahawak nalang ako sa noo ko dahil sa sobrang sakit nito.

Sinubukan kong tumayo, hindi pa ako nakakabawi ng lakas pero agad akong nakatanggap ng sampal kay Dad.

Napalupagi ako sa sahig dahil sa lakas ng impact niyon.

Akmang tatayo nako nang bigla niya akong sikmuraan. Napasuka ako ng dugo, pakiramdam ko ay bumaligtad ang sikmura ko. Namimilipit ako sa sakit ngunit hinawakan niya ang buhok ko at ipinaharap ang mukha ko sa kanya.

"You keep disappointing me day by day. You really don't know what I'm capable of. I can kill you without anyone knowing...just like what I did to your mother."

Hindi ko na napigilan pang lumuha. Patapon niyang binitawan ang buhok ko.

Nagsisigaw siya pagtayo at pinagtatapon lahat ng laman ng shelf.

Dumampot siya ng trophy at akmang ihahampas na sa'kin nang biglang dumating si kuya. Pinigilan niya ito at mas lalo akong napahagulhol.

"You can't do that to Addy, Dad." Inagaw ni kuya ang trophy kay Dad at ipinatong uli ito sa shelf.

"You better accept that proposal or I'll kill your beloved sister," pananakot nito bago tumawa ng mala demonyo.

Sinamaan muna ako ng tingin ni Dad bago lumabas ng sala.

Ipinilit kong umupo at sumubsob sa dalwang tuhod ko.

Sa mata ng iba ay isa siyang dakilang ama pero hindi ganon ang nakikita ko sa kanya.

Agad akong niyakap ni Kuya at hinagod ang likod ko.

"I'm sorry if I'm late, I didn't know he will do this to you." Pinahid niya ang luha ko. "I'll drive you home," sabi niya at inalalayan akong tumayo.

.

NAKARATING kami sa condo ko at gaya ng dati ay inihatid niya ako sa pinto.

Pumasok na ako sa loob. Lumapit ako sa salamin at napalunok ng makita ko ang itsura ko.

Kita ko ang pasa sa noo at gilid ng labi ko. Itinaas ko ng bahagya ang blouse na suot ko. Nakita ko ang pasa na dulot ng pagkakasikmura niya sakin.

Napasalampak ako sa sahig sa sobrang panghihina. Humagulhol nalang ako, tinakpan ko ang mukha ko gamit dalwang kamay.

Pumikit ako nang mariin at pilit kinalimutan ang nangyari kanina.

Napatakip ako sa tenga ko dahil naririnig ko ang boses ni Dad. It traumatized me.

Napahawak ako sa dibdib ko nang manikip iyon.

'I can kill you without anyone knowing.'

'I'll kill your beloved sister.'

'You keep disappointing me day by day.'

'You really don't know what I'm capable of.'

'I'M THE HEAD OF THE FAMILY! AKO ANG MASUSUNOD!'

Nakarinig ako ng putok ng baril na mas nakadadag sa takot ko. Umiikot ang paningin ko at para bang binibiyak sa dalwa ang ulo ko.

"AAHHHHHHH."

Napasiksik ako sa gilid ng kwarto at umub-ob sa tuhod ko.

It scares me. I feel like I'm about to go crazy.

Nag angat ako ng tingin at nakita ko ang imahe ni Dad. Tinutukan niya ako ng baril at hindi ako makagalaw.

Nakarinig uli ako ng putok ng baril kasabay ng tunog ng pagbagsak ng mga babasaging bagay. Naipikit ko ang mata ko nang mariin. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko.

Napatakip muli ako sa tenga ko. Walang tigil ako sa paghagulhol.

I can't take it anymore.

Napatakbo ako sa drawer ko at binuksan iyon. Kinuha ko ang bote ng sleeping pills.

Napabagsak ako sa sahig at sumandal sa gilid ng kama.

Pinahid ko ang luha ko gamit ang likod ng palad ko.

Maybe this is the only solution.

I will not feel any pain anymore.

Ibinubo ko lahat ng laman ng sleeping pills sa kamay ko.

I should end my life.

Akmang isusubo ko na lahat ng pills nang may pumigil sakin.

Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Zoe na nasa tabi ko at lumuluha.

Niyakap niya ako at pareho kaming napahagulhol.

"Ending your life isn't the solution to everything, Addy. Hindi ba pwedeng labanan mo pa? I'll be here for you...always."

Lalong napahigpit ang yakap ko sa kanya.

Bumibigat ang talukap ng mata ko at unti unting dumilim ang paningin ko.

Runaway [ON-HOLD]Where stories live. Discover now