CHAPTER 2

2 2 0
                                    

Keva's POV

Dumating ang hapon at uwian na namin pumunta na ako sa field namin para mag practice ng volleyball dahil may laban kami next week.

Pagkatapos ng practice ay nag pa meeting ang coach namin tungkol sa magiging labanan namin na dapat sa susunod na linggo ngunit nai-move raw ito sa darating na friday, hindi sinabi kung bakit.

Matagal-tagal rin natapos ang meeting inabot kami ng 7:45 na kaya nag mamadali akong umuwi baka kasi mapapagalitan nanaman ako. Baka hindi pa ako maka abot nito sa darating na labanan namin dahil sa sakit ng aking katawan.

Pag pasok na pag pasok ko sa loob ng bahay ay sampal agad ang bumungad saakin, agad kong naramdaman ang pamamanhid ng aking kaliwang pisngi. 

Gulat akong napatingin sakaniya, ang sama ng tingin niya saakin. Kung nakakapatay lang ang tingin baka matagal na akong patay.

"Alam mo ba kung anong oras na?! Kanina pa naka uwi ang ate mo, ikaw?!Ano nang oras mag aalas-otso na!" Galit na dinuro-duro niya ako.

"N-nag meeting pa po kasi k-kami tungkol sa labanan nam-min ngayong friday. Tapos matagal din po nat-tapos ang p-prac---" Hindi pa ako natatapos mag-salita nang sampalin niya ulit ako.

"Sinungaling!" Sigaw nanaman niya tapos tinulak ako dahilan ng pagka out of balance ko, mabuti nalang at naka hawak ako sa maliit na lamesa.

"N-nag sasabi po ako ng totoo." Depensa ko sa sarili ko.

"Totoo!? Eh anong sinabi ng ate mo na maagang natapos ang practice niyo at nakita ka niyang sumama ka sa kaibigan mo at nakita ka niya sa mall gumala kayo!?" She really look like a mad old woman, ready to kill someone.

"I'm telling the truth! Why won't you believe me?" I asked her with my teary eyes.

"Are there any other reasons for me to believe you?! You've been lying since you were young! What's new?" She really never fails to show in her eyes how much she hates me. Cruel.

"I did not hang out with my friends in the mall. If you don't believe me, you can call my coach and confirm it!" I faced her with a little braveness, pero biglang umurong nang makita ko kung paano mas naging galit ang kaniyang ekspresyon.

"Mom, she's lying! I really saw her with her friends at the mall with two guys!" I clenched my fists. Nanggigigil na ako sakaniya, I didn't go to the mall with my friends!

Tangina.

Gusto kong isagaw ito sakaniya, pero biglang nawala ang atensyon ko sakaniya ng hilain ni mommy ang buhok ko papunta sa may hagdanan.

"Palamunin ka na nga lang sa bahay na ito, nakuha mo pang lumandi!!"

I looked at her with disbelief. How come she believed that lie? It's clearly absurd!

"T-totoo po ang sinasabi k-ko ahh! M-masak-kit po!" Sabi ko habang pinipilit na tinatanggal ang kamay niya sa buhok ko.

"Leah! Tumigil ka na! Kung ayaw mong ako mismo ang mag susumbong kay Andrew!" Sigaw ni manang sa aming likuran.

"Subukan mo! Ako mismo ang magpapalayas sayo rito! Masiyado ka nang nakiki-alam sa buhay namin!" Sigaw ni mommy pabalik kay manang pero hindi siya nagpatinag.

"Wala akong pakealam kung papalayasin mo ako rito! Ang mahalaga malaman to ni Andrew. Sinasaktan mo ang bata! Ano ba ang nagyayari sa'yo ni hindi mo nga halos pinapahawak sa iba ang bata dahil sobrang alaga mo pero ano to ngayon?!"

Natigilan si mommy sa sinabi ni manang saka niya dahan-dahang binitawan ang buhok ko at napatingin saakin, dali-dali rin akong pumunta kay manang at niyakap siya ng mahigpit at umiyak.

Pinapatahan ako ni manang nang mag salita si mommy "a-anong-- what do you mean?"

Halata sa tono ni mommy na naguguluhan siya sa narinig.

"Mas mabuting si Andrew na ang mag sabi sa'yo." Aniya sa malamig na tono.

Hinila naman ako ni manang papunta sa taas nakita kong nakamasid saamin ang ibang katulong. "Bumalik kayo sa kaniya-kaniya niyong trabaho!" Nagsibalikan din agad sila at nakita ko si Stephanie na naka ngising nagmamasid saamin.

"Ohh, my poor little sister. Masakit ba? Come to ate, baby!" Ang tono ng boses niya ay nang-aasar.

Sinamaan ko siya ng tingin, pero mas nginisihan niya lang ako.

"Stephanie tumigil ka na!" Saway sakaniya ni manang.

"Tss!" anito sabay irap at umalis.

Pag dating namin sa kwarto ay pinaupo ako ni manang sa sofa ng aking kwarto at tiningnan ako ng matiim.

Hinawakan niya ang aking pisngi at nagsalita. "Masakit ba?" Tanong sakin ni manang tumango ako bilang sagot ko.

Tinignan niya ako nang may awa at umiling-iling pa. Isinandal ang aking likod sa sofa at inihilig ang aking ulo at pinikit ang aking mga mata na patuloy parin na umaagos ang mga luha.

"Hindi ko talaga maintindihan si Lhea. Simula nang magising siya, nag bago ang kaniyang ugali."

"Hindi ko po alam kung bakit ginaganito ako ni mommy." Sabi ko habang naka pikit.

"Hindi ko rin alam bakit ka ginaganiyan ng mommy mo. Sumusobra na siya, isusumbong ko na talaga siya kay Andrew." Napamulat agad ako at napatingin sakaniya.

"Wag po m-manang pakiusap w-wag po." Nagmamakaawa kong paki-usap sakaniya. Ayaw ko nang lumaki pa ang gulo, kapag sasabihin ni manang kay daddy baka mas lalo pa akong pag-initan ng dalawa. Mas mabuti nang manahimik kesa ang mag sumbong.

"Ano? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo Keva? Masiyado nang bugbog ang katawan mo sa liit mong yan. Simula bata ka pa alam mo anong ginagawa ng mommy at ng kapatid mo sayo. Alam na alam mo yan Keva! Wag kang matakot sa ano mang mangyari! Dahil mas maproprotektahan ka kapag malalaman iyan ng daddy mo." Pangsesermon saakin ni manang.

"Please po, manang nagmamakaawa po ako, wag na wag mo pong sasabihin kay daddy. Ayaw ko pong mas lalo po akong pag-iinitan nila please po manang, please po." Halos lumuhod na ako habang nag mamakaawa kay manang.

"Ewan ko sayong bata ka, mas nakakabuti ngang malaman ito ng daddy mo, pero sige pagbibigyan kita pero pag ako hindi na makaka timpi wala nang patawad-tawad Keva, wala na. Sasabihin ko na talaga to sa daddy mo." Nakahinga ako nang maluwag ng pagbigyan ako ni manang.

"Maraming salamt po manang kasi kahit na hindi niyo po ako tunay na anak tinuturing mo po akong isang anak mo. Andiyan po kayo lagi kapag sinasaktan nila ako. Lagi niyo po akong tinutulungan sa tuwing hindi ako makalaban sakanila." Mas napahikbi ako habang sinasabi ko ang mga ito sakaniya.

Ngumiti si manang saakin at niyakap ako, "A yaw kitang mawalay saakin dahil alam kong hindi ka lalaban kapag sinasaktan ka nila iniisip ko ang kapakanan mo kapag aalis ako sa puder na'to." Narinig ko napa singhot si manang kaya humiwalay ako sa yakapan namin at pinakatitigan ang mukha niya at inalis ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa mga mata niya.

"Parang ikaw na talaga ang tunay kong ina manang, d-dahil ang mga g-ginawa mo a-ay d-d-dapat si m-mommy ang g-gumagawa niyan s-saakin." Di ko nanaman napigilan ang umiyak.

Ang hirap mamuhay kapag ganito, laging umiiyak, laging sinasaktan. Aaminin ko mahina ako, kahit anong pilit kong labanan sila ay hindi ko magawa-gawa. Dahil sa tuwing gusto ko ng sumagot pinapangunahan agad ako ng takot.

I hate to think that I am unlucky to have them. Yes, we have money. I can easily get what I want. I can have everything I want, but I can never get what I need, and that is the love of my mother. I've been longing for her care and love. I sometimes dream about it. Sadly, it was only a dream, and it'll never happen.

Isn't that cruel? It's funny how I'd rather get love and care from my mother than have everything and not be happy with it because of emptiness. Even though there are people who let me feel the love and care I needed, hindi parin ito sapat para punan ang kulang.

Iba pa rin iyong pagmamahal at alaga na galing sa sarili mong ina.

I envy kids who have experienced the love and care of their mother and sister. How I wish I were them.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The RevengeWhere stories live. Discover now