CHAPTER 1

7 2 2
                                    

Keva's POV

"Ano ba!? Bilisan mo! Male-late na ako sa party namin!" Mas binilisan ko pa ang galaw ko, parang walang mga kamay e. Akala mo naman importante yung pupuntahan.

Magsasalita na sana ako pero hindi ko na tinuloy nakaka-sawa na kasing makipag talo sakanila.

"Oh ano? Sasagot ka nanaman? Tandaan mo hindi ka welcome sa pamilyang to! Kaya wala kang karapatang sumagot-sagot!" Aniya habang naka duro pa sakin.

Hindi ko na pinansin pa ang huli niyang sinabi, sanay na ako sa mga linyahan niyang iyan.

Umalis na ako agad ng matapos ako sa pinapagawa niya at pumunta sa kwarto ko para mag-aral para sa nalalapit namin na exam.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-aaral ko ng may kumatok. Si Manang Emma ang mayordoma at kakampi ko sa bahay na ito tuwing wala si daddy.

"Nak, pinapatawag ka ng iyong mommy." Mommy? Sinong mommy? I don't know my mother, because the mother that I knew didn't treat me like her own.  

"Bakit daw po?" Mabuti nalang mabait si Manang Emma, tinuring din akong parang anak niya paminsan nga sumagi sa isip ko na sana siya nalang ang naging mommy ko.

"Hindi ko alam 'nak basta ang sabi niya pumunta ka raw sa opisina niya." Ano nanaman kayang gagawin niya saakin?

"Sige po." Agad na akong tumayo at lumabas dahil baka mapagalitan nanaman ako.

Pagka pasok ko sa opisina niya ay nakita ko siyang nagsusulat.

"Pinapatawag niyo raw po ako?" agaw ko ng pansin sakaniya.

"Darating ang daddy mo sa susunod na linggo." Pag uumpisa niya.

"Huwag na huwag kang sumubok na magsumbong sa daddy mo dahil makikita mo ang gagawin ko sayo. Naiintindihan mo?" Kinakatakot niya ba ang pagsusumbong ko? Kung ganon, hindi niya sana ginagawa itong mga kasamaan niya saakin.

"Opo madam." Nagtataka ba kayo kung bakit 'madam' ang tinawag ko? Eh sa yun ang gusto niya kesyo daw naiirita siya kapag tatawagin ko siyang mama.

Every time I call her "madam," I feel weird. I mean, who the hell would call their mother like that except for me? I don't have any other choice but to call her that because if I don't? Ayaw ko nalang mag talk.

"And oh by the way, once your father is here, quit calling me that. Mommy itawag mo, titiisin ko nalang kahit naiirita ako. Subukan mong magkamali pag andito ang daddy mo makakatikim ka saakin pag alis niya." Hindi na bago sakin itong ganito. Sanay na ako e.

Sa 15 years kong namumuhay kasama ang mama at kapatid ko minsan lang ako nakakaranas ng saya, yun ay pag andito ang daddy ko.

"Naiintindihan mo!?" She yelled at me when I didn't respond.

"Opo." Magalang na sagot ko, mahirap na kapag bastos ka kung sumagot lalo na kapag kinaiinisan ka walang pag aalinlang sasampalin ka.

"Makaka alis ka na!" Aniya sa mataray na tono.

Pipihitin ko palang sana ang door knob ng mag salita nanaman siya,"kunin mo muna yung folder na blue."

Pumunta ako sa divider kung saan naka lagay ang tinutukoy niyang folder na blue.

Saan kaya na folder dito ang daming kulay blue na folder, "alin po rito?"

"Hindi riyan, doon sa kabila." Sabi niya habang naka turo sa sinasabi niyang kabila.

"Dito po?"

"Doon oh! Sa ikatlo!" Matalim ang mga mata niya habang nag sasalita, pag dating talaga saakin ang dali dali niyang magalit, pero pag dating sa anak niyang magaling din kahit na sobrang tanga, na kahit nasa harap na hindi siya nagagalit pero saakin na hindi nga niya sinabi kung nasan para agad kong makita eh nagagalit na siya.

The RevengeWhere stories live. Discover now