PROLOGUE

5 2 1
                                    


Nasa point na ako ng buhay ko na kahit inaapi, sinasaktan, ginagawang utusan, dinaya, tinapakan ang aking pagka-tao, ay natuto rin akong lumaban sa mga taong nagsasayang lang ng oras para kutyain, nagsasayang ng laway para lang laitin, at nagbabawas ng energy para saktan ako.

Hindi ko alam kung bakit ako ginaganyan, wala akong ideya kung bakit minamaltrato at inaabuso ako ng sarili kong ina at kapatid.

Sabi nga nila 'pamilya ang nagbibigay ng pagmamahal at kasiyahan sa buhay mo.'

Pero bakit kasalungat ng sabi nila, sa buhay ko? Imbes na pagmamahal, pagpapasakit ang binibigay? Imbes na kasiyahan lungkot ang binibigay?

Ano bang kasalanan ang nagawa ko para ganiyan ang pag trato saakin?

Tao rin ako, isang babae na naghahangad ng masaya at puno ng pagmamahal ng isang pamilya.

Bakit kahit kasiyahan at pagmamahal lang, ipinagkait pa saakin? Ano bang nagawa ko at ipinagkait ang mga ito? Wala na akong ibang hiniling pa kundi kasiyahan at pagmamahal, yun lang.

I tried to ask those things a million times, but I guess they could not give me that.

I was hoping that there would be someone who would let me feel how important and loved I am. Yung taong kukumpleto sa kulang kong pagkatao. Someone who won't do the same as what they did.

Well, yes, I met him. But he betrayed me.

People around me betrayed me.

Wala silang pinagkaiba sa demonyong magaling magpaikot ng tao. I regret trusting and giving chances. Inubos nila ako. They pushed me to the cliff of revenge.

I am Isabella Keva Mendoza, mark my words.

 I'll get my revenge.

-------------

iammsSophisticated

The RevengeWhere stories live. Discover now