Kabanata 18

376 15 1
                                    

Davao

Isang buwan na ang nakalipas simula nang pumunta kami dito sa Davao para sa mission namin. Kasama sina Corp. Reyes, Captain Pineda, Inspector Morgan at iba pa. This time, si Captain Pineda na ang maglelead sa amin. Wala naman akong angal doon kasi kahit na nakakabwesit siya, hindi naman mapagkakaila na magaling talaga siya sa trabaho niya.

Malapit na naming tugisin ang isa sa pinakamalaking drug syndicate sa bansa. Kailangan lang naming mag-ingat dahil isang maling galaw lang namin ay mabibisto nila kami at malamang ay makakatakas sila at hindi 'yon pwedeng mangyari.

"Lagi ka atang sabaw ngayon, Lieutenant."

Ilang beses naman akong napakurap bago ko tiningnan ang nagsalita sa harap ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay pero mas lumaki lang ang ngisi nito sa mukha at tsaka umupo sa harap ko.

"Anong ginagawa mo dito? Kapag tayo nahalata tatanggalan talaga kita ng ngala-ngala," pananakot ko sa kanya habang nanlalaki ang mata.

Bumaba naman ang tingin ko nang nilapag niya ang isang kapeng galing vending machine. Nagtataka ko siyang tiningnan pero nagkibit balikat lang ito at sumandal sa upuan habang iniinom ang kape niya.

"Hindi 'yan, magmumukha lang tayong magjowa kaya hindi nila tayo paghihinalaan," nakangising sabi ni Uno.

Inirapan ko lang siya at napatitig sa kape na binigay niya.

"Oh, nakatulala kana naman. Inumin mo na 'yan at baka lumamig pa. Wala naman 'yang lason, grabe ka talaga sa'kin, para naman akong others sa'yo," nakanguso nitong sabi habang nakakrus pa ang braso niya sa dibdib niya.

"Manahimik ka nga." I gritted my teeth on him before rolling my eyes.

His mouth agape. "Wow, napakaattitude mo naman, Lieutenant. Meron ka ngayon no?" pang-aasar pa nito.

I glared at him. "Shut up, kung hindi ka titigil kakadaldal, umalis kana lang," mahina kong asik dahil ayoko namang makaagaw kami ng atensyon.

Inilapit niya naman ang mukha niya sa'kin kaya bigla akong napaatras bago siya sinamaan ng tingin. Ngumisi naman ito nang nakakaasar at pinatagilid pa ang ulo.

"Is it because of your new boyfriend, Lieutenant? Miss mo na ba siya kaya ka laging tulala?" Hindi ko naman pinahalata sa kanya na nagulat ako instead I stared at him without any emotion.

"Back off, Uno. You're too close," malamig kong sabi.

He mischievously sneered at me before he gets back on his chair. Huminga naman ako nang malalim at umupo nang matuwid ng hindi siya tinitingnan.

"Ah, so tama nga ako? Sus, pakilala mo naman ako dyan, Pretty. 'Yun ba 'yung pumunta sa station noon?" pag-uusisa nito

I just rolled my eyes at sumipsip sa kapeng binigay niya. Hindi na ako magtataka kung bakit ganyan siya kahit na naging boyfriend ko siya noon. Wala naman kasing samaan ng loob noong nagbreak kami. We both were cool when we decided to broke up. Kasi parang napagtripan din naman namin 'yung relasyon namin noon.

Tsaka alam ko naman kung sino talaga ang mahal niya, at wala naman akong sama ng loob doon. Hindi naman kasi gano'n kalalim ang nararamdaman namin sa isa't isa.

"Nagmamarites kana namang gago ka. Bumalik ka na nga sa pwesto mo," inis kong sabi.

Tumingin naman ito sa'kin nang nagsususpetya kaya inirapan ko nalang siya at tumingin sa labas ng convenience store. Malalim akong napahinga nang makita kong sobrang dami ng tao sa labas habang nagkakasiyahan.

Oo nga pala, fiesta nga pala dito sa Davao. At alam naman natin na isa ang Davao sa may pinakamasayang fiesta sa ating bansa. Pero hindi ko magawang magsaya katulad nila dahil may trabaho ako at isa pa...

Falling Into The DepthWo Geschichten leben. Entdecke jetzt