"Naghiwalay?" Tanong ko.


"Oo. Hiwalay as in break up. Naku sis ha? Meron ka bang di sinasabi sakin?" Sabi pa ni Christy.


Napailing ako ng aking ulo "Pano kami maghihiwalay eh hindi naman naging kami." Inosente kong sabi kasi yun naman talaga ang totoo.



"What do you mean hindi naging kayo?" Kunot noong tanong ni Christy sakin. "Girl, mag-iilang years na kaya kayo. Bibigyan mo pa nga siya ng ring as a gift sa anniversary niyo."




"A ring??" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya "Bakit ko naman siya bibigyan ng ring? Oh no. Don't tell me magpopropose ako sa kanya?"




"What? Hindi. Hindi ka magpopropose okay? Promise ring kasi yung ibibigay mo." Paliwanag ni Christy.




Eh bakit ko naman siya bibigyan nun?

'Kasi nga kayo' sabat ng utak ko.



Kung naging kami bakit di ko man lang maalala yung mga moments na magkasama kami? Ang weird.




"Girl, okay ka lang?" Tanong sakin ni Christy na nagpabalik naman sa katinuan ko.



"Yeah...yeah..."



"Alam mo halika na. Hatid na kita sa inyo." Sabi niya at nauna ng maglakad. Narinig ko pa ang sabi niya na umayos daw kami ni Mindy na dalawa. Napabuntong nalang ako ng aking hininga.



Nang makauwi na sa bahay ay agad akong nagbihis at naghanda ng lulutuin kong ulam. Nang maluto ay agad akong kumain kasi why not. Nagugutom na ako eh. Habang kumakain ay naalala ko naman si Mindy. Nakauwi na kaya yun?


Naalala ko din si Gelo na sumabay sa sasakyan niya. May pupuntahan ba sila kaya siya sumabay kay Mindy? Tsaka ang nakakapagtaka eh kilala nila si Mindy hindi lang si Gelo pati si Christy.



Napabuntong ako ng aking hininga. Naisipan ko na tawagan si Mindy. Hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi gusto kong malaman kung saan siya? Hay basta tatawagan ko siya.


Ilang ring pa ang tumunog bago niya sagutin ang tawag ko.



"Mahal, napatawag ka?" Ayan na naman ang puso ko. Hindi ko siya dapat hinahayaan na tawagin akong mahal pero parang wala naman akong ginagawa para pagbawalan siya. Hindi ako nakasagot ng ilang segundo "Annie..."



"Asan ka?" Nagtataka kong tanong sa kanya kasi naman ang ingay.



"N-nasa bar..." nauutal niyang sabi.



"Bar??" Salubong ang kilay na tanong ko sa kanya "Are you with Gelo?" Naalala ko kasi na sumabay nga si Gelo sa kanya kanina. Naku pag nalaman ko lang talaga na kasama niya yung epal na yun...



'Ano? Ano gagawin mo?' Sabat ng utak ko. Napapikit na lang ako ng mata sa isipang magkasama sila ni Gelo.



"Yeah. Nagkayayaan lang." Bakit ganito nararamdaman ko. Naiinis ako na ewan.



'Selos yarn?' Tss. Selos?? Why? Napairap ako sa sinasabi ng utak ko.



"Nagkayayaan tapos kayong dalawa lang? Just so you know Mindy wala akong tiwala sa lalaking yan lalo na ngayon na magkasama kayo." Diretso kong sabi sa kanya kasi yun naman talaga ang totoo. Wala akong tiwala kay Gelo kahit noon pa.




"I know pero pano mo nalaman na kaming dalawa lang?"


"Alam mo naman pala eh at hindi na importante yun." Nakakainis lang talaga.



"Galit ka ba?" Tanong niya sa kabilang linya.



"Hindi. Pinagsasabihan lang kita." Sabi ko sa kanya. Hindi siya umimik kaya nagsalita na ako "For sure uminom ka."




"Konti lang naman nainom ko."



"Kahit na. Alam mo umuwi kana. Iwan mo na si Gelo mag-isa diyan." Please sundin mo ang gusto ko Mindy.




"Ansama ko naman kung iiwan ko siya dito." Aba eh ano ang gusto niya? Hatid pa niya pauwi? "Paalam lang ako para naman alam niya na umalis ako." Yan! Tama nga yan, Mindy. Akala ko pa naman isasabay mo din siya pauwi. Ano siya gold para ihatid mo? Tss.


Narinig ko naman ang pagpaalam niya dito at tuluyan na siyang lumabas ng bar. Paano ko alam? Siyempre wala ng ingay eh haha.



"Annie, you still there?" Naghum lang ako sa kanya as a response. "Can I come over?"



Napalunok ako ng aking laway. Ghad, Annie! Tinatanong ka lang kung pwede siya magcome over bakit ka biglang kinabahan? "Uhmm...s-sure." Tsk nautal pa nga.



"Okay. I'll hang up na. See you in a bit." Sabi niya.



"Mindy..." tawag ko sa kanya sa kabilang linya bago pa man niya iend ang call "D-drive safely." Paalala ko.




"Sure, mahal ko. I mean, Annie." Hindi ko man nakikita ang mukha niya pero sigurado ako na nakangiti siya ngayon dahilan para mapangiti din ako sa thought na yun. Agad ko naman iniling ang aking ulo.




Bakit ba ako napangiti? Haysss delikado na talaga to.









🖤

Suddenly, You're not InloveWhere stories live. Discover now