Chapter 39

14.3K 554 277
                                    

"I'M SORRY..."

Two words only  but I feel like I lost everything.  My heart stopped beating, my mind became numb. Every part of my body is aching. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Everything was shattered right through my eyes.

I was so hurt that I could literally feel my heart shattering into pieces. My tears were non stop and all the memories we had started flashing from the time we first met.

The pain that I am feeling is killing me. I can still remember everything clearly and in detailed. All I could see now is nothing but darkess, all I could feel is pain. Endless pain.

Naalala kong yung unang araw na nagkakilala kami. Yong mga pagtataray ko sa kanya at yung pagsuntok ko sa mukha niya.

Yung mga araw na wala siyang ginawa kundi ang kulitin ako. Na kahit anong away ko sa kanya, tawa lang ang sinusukli niya sa akin. Na kahit ilang beses ko na siyang pinapauwi ayaw niya dahil mas gusto niyang kasama ako. 

Naalala ko kung paano niya ako inalagaan. Paano niya ako asikasuhin, paano siya nagpaalila sa akin. Lahat ng yun parang kahapon lang nangyari.

Naalala ko ang mga maliligayang araw na magkasami kami. Yong mga panlalambing niya sa akin. Yung mga kulitan at asaran namin. Mga walang kwentang usapan, walang katapusang kwentuhan.

Naalala ko ang  maganda niyang boses, ang maaliwalas niyang mukha, ang malalakas niyang tawa, ang ngiti niya sa tuwing inaasar niya ako. Lahat naaalala ko, lahat bumabalik sa akin.

At ang sakit-sakit...sobrang sakit....

Why do I have to go through all these?

I closed my eyes tightly at muling bumalik sa akin ang mga salitang pinangako niya.

"Langga, kapag eighteen ka na mamanhikan na ako sa inyo. Para pagka-graduate mo magpakasal na agad tayo."

"Kapag naging doctor na ang baby Langga ko, papagawan kita ng sariling ospital mo."

"Papagawan natin ng sariling bahay si nanay at tatay. Pero 'pag gusto nilang sa bahay natin titira, mas maganda para may mag-aalaga din sa kanila."

"Magbabakasyon tayo sa lugar na gusto mo kahit kailan mo gusto. Isasama natin si nanay at tatay kung gusto nila. Mag-tatrabaho ako ng mabuti para sa inyo ng mga anak natin."

"HIgit sa lahat dadamihan natin ang mga anak natin, dapat tayo ang may pinaka madaming anak sa lahat ng mga brutes."

"I love you so much Baby Langga ko."

"Zach, please nagmamakaawa ako sayo. Wag mo akong iiwan. Lumaban ka daddy...Lumaban ka...Parang awa mo na Langga wag kang bumitaw..."

Halos hindi ko na makita ang mukha ni Calyx dahil sa luhang pumuno sa aking mata. Namamanhid na buong katawan ko pati ang utak ko. Ang hirap e-proseso ang lahat, ang hirap tanggapin. Sobrang sakit hindi ko kaya.

" Brute I'm sorry. Please lumaban ka, gago!" Narinig ko ang mahihinang hikbi ni Gaden. "Don't leave us like this. Madami pa tayong gagawin, hindi mo kami pwedeng iwan. Bawal kang mauna, hindi pwedeng madaya."

Yumuyogyog ang balikat niya, Gaden is his weakest state, he is broken. Sinisisi niya ang sarili sa nangyari kay Calyx. Just like me and his other friends, we are broken. 

"Villegas! Gumising ka! Wag mo kaming e-prank ng ganito ayaw namin. Pangit mo ka-bonding! " William is crying like a lost kid. "Gumising ka, magpapractice pa tayo ng sayaw para sa kasal mo, gago!"

Tainted Series#6 : HIDING FROM THE BILLIONAIRE (Calyx Zachary Villegas) CompWhere stories live. Discover now