Chapter 2

16.4K 650 286
                                    

"My, anong dala mo?" tanong ni Agnes sa akin, siya ang nag-iisang anak ni Nana Nita na kapitbahay namin at kaibigan ni nanay. Nakatingin ito sa siopao na dala ko. Alanganin pa itong ngumiti ng mahuli ko siyang nakatingin dito. 

"Siopao, o sayo na lang yang isa." sagot ko sabay dukot ng isang siopao at inabot sa kanya. 

Gaya ko may pagka majubis din si Agnes, medyo matangkad lang ako kaysa sa kanya kaya mas lalo akong nagmumukhang dambuhala. 

Kagagaling lang siguro nitong maglabada dahil halatang pagod pa ang mukha. Sila lang ng nana at tatang niya ang madaling nalalapitan ni Nanay kaya close din ako sa kanya. 

"Ayos lang ba?" nahihiya nitong sabi kaya ngumiti ako. Kunwari pa tong si Agnes o, pero deep inside natatakam na yan. Sabagay mas masarap tong siopao na nabili ko kesa dun sa siopao na binigay ni Estong sa akin nung nakaraan. 

"Tanggapin mo na bago magbago isip ko." biro ko sa kanya at mabilis niya namang kinuha sa kamay ko ang siopao. Sabi ko na nga ba.

"Gutom na kasi ako, My, pasensya ka na ha. Maaga kasi akong pumunta dun resthouse ng amo ko kanina para maglabada ng mga bedsheets at mga tuwalya."

"Ayos lang ano, ka ba? Para kang others. Sige kainin mo na yan, mukhang hindi daga ang sahog niyan ngayon." biro ko. Nakita kong ngumiwi ang mukha niya habang nakatingin sa siopao at mukhang nagdadalawang isip na kung kakainin niya ba ito kaya tumawa ako. 

"Huy! Ang seryoso neto, hindi ako ganun kasama noh. Kainin mo na yan, masarap."

Kay Tatay sana yun, kaso nakakahiya naman kung yung may kagat ko na ang ang ibibigay ko sa kanya. Di bale itong may kagat na lang kay tatay. Sa susunod na bibili akong pagkain isasali ko nalang si Agnes, kawawa naman. Ito lang din ang kasundo ko dito sa mga kapitbahay namin na kaedaran ko.

"Salamat My, hayaan mo kapag nagsahod na ako ililibre kita ng kwek-kwek sa kanto."

"Sure ba." sabi ko agad. Bawal tumanggi sa grasya kahit na noong huling kain ko ng kwek-kwek doon pinagalitan ako ni nanay dahil sumakit ang tiyan ko.

"Myra, saan ka galing? Mabuti at dumating ka na. Nakita ko ang ate ng papa mo sa bahay niyo kanina." 

Dahil sa narinig halos takbuhin ko na ang distansiya makarating lang sa bahay. May pahabol pang sabi sa akin si Nana Nita pero hindi ko na ito pinansin. Wala ngayon si papa nasa sentro nagdeliver ng mga na-naharvest niyang tahong at talaba kaya tiyak na si nanay ang naabutan ni tita.

Unang kong pinuntahan ang maliit naming tindahan sa gilid pero wala doon si nanay. Nagmamadali akong pumasok sa bahay namin. Tiningnan ko ang paligid, wala namang nabasag. Malinis at nasa ayos ang mga gamit. 

"Nay!" tawag ko pero walang sumagot kaya bigla akong kinabahan.

"Nay! Andito na ako." tawag ko ulit wala pa rin. Dumiritso ako sa likod wala din doon si Nanay. Muli akong pumasok, sobrang tahimik pa rin. Napatingin ako sa silid nila ni papa, nakasarado ito. Kumatok ako, walang sumagot. 

"Nay! Andyan ba kayo?" tahimik pa rin kaya wala na akong choice kundi buksan ito.

Naabutan ko si nanay na nagpupunas ng mukha, mukhang kagagaling niya lang umiyak dahil namumula pa ang mga mata niya. Nakaupo ito sa kama at nakahrap sa labas ng bintana.

"Nay, Anong nanyari? Bakit ho kayo umiyak? Ang sabi ni Nana nakita niya dawng pumunta dito si Tita kanina, may ginawa ba siya sayo? Sinaktan ka ba?"sunod-sunod kong tanong pero ngumiti lang si nanay sa akin. Ngiting hindi naman umabot sa mga mata niya.  

Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat, ang makikitang malungkot si nanay. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga tao talagang masaya kapag may nasasaktang iba. Gaya na lang ng kapatid ni tatay. Alam kong ayaw niya kay nanay pero bakit kailangan niya pang pumunta dito? Tanggap na namin yun, hindi niya na kailangan ipamukha pa sa amin.

Tainted Series#6 : HIDING FROM THE BILLIONAIRE (Calyx Zachary Villegas) CompTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon