Chapter 38

14K 523 217
                                    

"Daddy Langga, please hold on..." I said crying. 

His eyes are half open pero ako halos hindi ko na siya makita sa dami ng luha ko. I was panicking. I don't know what to do. My legs are shaking, my body feel week. Hawak ko ang mga kamay niya at dama ko ang mahinang pagpisil niya dito. 

"D-dont cry, I-i'm okay..." paputol-putol niyang sabi sa mahinang boses. "A-are you o-okay, Lang? A-are you not hurt?"

Sunod-sunod akong tumango sa kanya. "Ayos lang ako, basta maging maayos ka. Please daddy, hold on..."

Kahit na nahihirapan pinipilit niya pa rin ang sarili na kausapin ako. Ako pa rin ang iniitindi niya. Ako na lang palagi ang inuuna niya. Kung sana hindi niya hinarang ang sarili kanina hindi ito mangyayari ngayon.

"D-don't cry Lang..."

"Shhh...I'm okay daddy...I'm okay...Don't talk..don't talk..."pigil ko sa kanya. 

Mabilis kong hinawi ang mga luha sa aking pisngi saka dinala ang kamay niya sa aking puson. Maingat kong pinatong ang kamay niya doon. Nakita ko ang pagtulo ng luha sa gilid ng mga mata niya. 

"Please lumaban ka Daddy...lumaban ka para sa amin ni baby langga mo." muli na namang nabasag ang boses ko. 

"Calyx liit?" muling may tumulong luha sa gilid ng mga mata niya.

"Yes, Langga, para sa baby natin. Hahabol ka pa kay Kuya Hendrick diba? Dadamihan pa natin ang anak natin para malagpasan mo sila diba? Please, daddy, fight for us..."

Mariin siyang pumikit pero may gumuhit na ngiti sa labi niya."Yes, Langga, hahabol pa tayo kay Valderama. " Muling may nangilid na luha sa mata niya. Marahan ko itong pinunasan. 

"Magpapalit ka pa ng diaper ng baby natin, sasamahan mo pa akong manganak, tututlungan mo pa akong alagaan ang Calyx liit natin, so please Langga, lumaban ka ha." 

"I w-will, Langga..." Halos di ko na marinig ang boses niya. Awang-awa ako sa kanya pero alam kong lalaban siya para sa amin. Unti-unting nahuhulog ang talukap ng mga mata niya kaya mas kinabahan na ako. 

"Langga, please don't sleep on me...please tumingin ka sa akin." pagmamakaawa ko. 

"Hmm..."

"Please malapit na tayo... malapit na tayo..."

"Hold on Brute."

"Fuck Villegas, don't close your eyes on us."

"Langga, look at me...please look at me."

Even in his weakest state he opened his eyes and looked at me and then he showed me a weak smile. 

"Please take care of our baby. I wish I could get a chance to see him grow."

He coughed again and a little blood came out, not a moment later, he close his eyes. Narinig ko ang malakas na mura ng mga kaibigan niya pero bigla akong natulala. Parang biglang nablangko ang utak. Naninikip ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga. 

Naramdaman kong huminto ang chopper. May mga nurse at doctor na sumalubong para kunin si Calyx. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari hindi ko alam kung paano kami nakalabas ng chopper at nakapasok sa ospital.

"Hanggang dito nalang po kayo, Miss." pigil sa akin nung nurse dahil gusto kong pumasok sa operating room.

Si Gaden ay nakahawak na sa akin para pigilan ako. Hindi ko na alam paano kontrolin ang sarili ko, sobra na akong nagpapanic. I was crying hard, begging her to allow me inside. Calyx already lost consciousness when he was still inside the chopper which made me panicked more.

Tainted Series#6 : HIDING FROM THE BILLIONAIRE (Calyx Zachary Villegas) CompWhere stories live. Discover now