Chapter 30

16.5K 553 156
                                    

"Ang bait ng batang yan."

Sinundan ko ng tingin ang lalaking tinitingnan ni Nana na nasa baybayin kasama si tatang at ibang mangingisda. Nakasuot ito ng simpleng puting t-shirt  at shorts kagaya ng suot ng karamihan dito sa isla pero hindi mo maikakaila na angat talaga ito sa iba. Hindi mo maiisip na isa siyang may-ari ng malaking kompanya sa ayos niya ngayon. Not the usual three-piece suit that he's wearing.

And like the other days, Calyx looks so comfortable and happy talking to the fishermen. He treats them as his friend, maayos siyang makitungo sa mga trabahante niya at iba pang mga taga-isla. 

"Halos lahat ng tao dito sa isla kilala yan si Arkitek, mabait kasi at magaling makitungo." dagdag ni Nana.

Ngayon lang kami nakapag-usap ng masinsinan ni Nana at ang dami kong gustong itanong sa kanya. Isa na doon kung paano nila tinaggap at tinuring na parang anak si Calyx. 

"Umuulan nun ng biglang may narinig kami ng tatang mo na parang batang umiiyak at tumatawag sa pangalan mo sa labas ng pintuan ng bahay niyo." 

Nalipat ang tingin ko kay Nana, ang malamlam na mga mata nito ay nakatingin sa akin. Noon pa man parang anak na ang turing ni Nana sa akin. Nung nawala si nanay at tatay silang dalawa ni tatang ang tumayong mga magulang ko. 

"Nagmamadali kaming lumabas ng tatang mo dahil akala namin nagkamali lang ang lalaki pero namukhaan ko siya. Siya yung lalaking pumunta dito nung burol ng tatay mo at siya din ang nagmaneho ng sasakyan para dalhin ang nanay mo sa ospital."

Natigilan ako. Ito yung pinaka masakit ng parte ng buhay ko na iniiwasan kong mapag-usapan. Yung araw na nawala ang tatay ko at ang pagsunod ni nanay sa mismong kaarawan ko pa.

"Pero alam mo bang bago pa namatay ang tatay mo nakita ko na ang batang yan dito?" pagpapatuloy ni Nana. tahimik lang akong tumango kay Nana, nabanggit nga sa akin ni Calyx na pumunta siya dito noon. 

"Nakita ko ang batang yan na nakaluhod sa harap ng mga magulang mo at umiiyak." pumiyok pa ang boses ni Nana. Agad akong yumuko para iiwas ang tingin ko sa kanya.Ilang beses pa akong lumunok dahil pakiramdam ko may bumara sa aking lalamunan. 

"Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila. Nung una nakita ko si Minandro nagalit pero alam mo naman ang tatay mo. Kung sa pabaitan lang walang makakatalo doon, dagdagan pa ng pagiging mahinahon ng nanay mo."

Hindi ko na napigilan ang pag-uunahan ng mga luha ko. Kung meron man akong hindi makakalimutan sa mga magulang ko yun ay ang kabaitan nila.Salat man kami sa kayamanan pero sobra-sobra at nag-uumapaw naman kami sa pagmamahal. 

Sayang nga lang at hindi na nila naabutan ang pagtatapos ko. Hindi na nila nakita ang pagsusumikap ko pero naniniwala akong masaya sila ngayon kung saan man sila dahil tinupad ko ang pangarap namin. 

"Nung nilapitan namin siya ng tatang mo, nanginginig at sinisinat na. Basang-basa ang damit, siguro ilang oras na ring nagpaulan sa labas. Panay ang tawag niya sa pangalan mo,sinabi naming wala ka pero parang wala itong narinig iyak lang ng iyak."

Mariin kong tinikom ang bibig para pigilan ang paghikbi.Nanatili parin akong nakayuko pero kahit hindi ako nakatingin kay Nana alam kung umiiyak na din ito.

"Yun yung araw na umalis ka papuntang amerika." mahinang sabi ni Nana. "Ang sabi namin hindi namin alam kung kelan ka babalik dahil wala ka namang sinabi at alam mo ba kung anong nangyari?"

Inangat ko ang tingin kay Nana saka umiling. Hindi pa nakapagkwento si Calyx sa akin kung anong nangyari sa kanya nung mga panahong wala ako. 

"Ang sabi niya wala na daw silbi ang buhay niya dahil tuluyan mo na siyang iniwan. Wala na din naman daw siyang kasama mas mabuti pang mawala na lang daw siya. Akala namin wala lang yung sinabi niya pero nagulat kami ng mabilis itong tumakbo sa dagat." napansinghap ako.

Tainted Series#6 : HIDING FROM THE BILLIONAIRE (Calyx Zachary Villegas) CompTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon