Chapter 7

11.9K 552 177
                                    

" Langga, wait!"

I heard him calling pero hindi ako lumingon. Mas dinoble ko pa ang bilis ng mga hakbang ko para lang makalayo ako sa kanya. Kulang na lang ay takbuhin ko ang distansya mula cafeteria hanggang sa department namin.

"Gwy, please..." muling tawag niya sa akin.

Hindi pa rin ako lumingon hanggang sa tumakbo na talaga ako para tuluyang makalayo sa kanya. Mabuti na lang at hindi niya ako nasundan. Hingal ako ng makarating sa loob ng classroom namin. As usual andun naman ang mapanurung tingin ng mga kaklase ko but this time walang naglakas loob na magtanong sa akin.

Tahimik ako buong oras ng klase dahil pakiramdam ko sumakit ang aking ulo. Siguro dahil sa gutom o di kaya dahil naulanan ako kanina.

Nawalan na din ako ng gana na kainin ang sandwich na binili ko kanina kaya nung hiningi ito ng kaklase ko binigay ko na lang din.

Buong maghapon tubig lang ang laman ng aking tiyan kaya tahimik lang ako hanggang sa matapos ang pangalawang subject.

Sa last subject naramdaman ko ulit na kumakalam na ang aking sikmura. Nasusuka na ako sa sobrang gutom at sa tuwing dumidighay ako nararamdaman ko na ang mapait na lasa ng aking laway.

"Yan ang napala mo Myra, dahil nagpauto ko." Paggalit ko sa aking sarili. After this subject wala na akong klase kaya diritso na ako ngayon sa boarding house.

Nang ako na lang mag-isa ang naiwan kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si nanay at tatay. Bigla ko silang na-miss lalo na nung mabasa ko ang mensahe ni nanay para sa akin kaninang tanghali na nagre-remind na wag akong magpapalipas sa pagkain.

"Myra langga, bakit ka napatawag?" malambing na bati ni nanay sa akin at bigla parang may sumundot sa mata ko at bigla nalang akong naluluha. 

"N-nay, miss ko na po kayo ni tatay, kamusta po kayo diyan? sagot ko sabay hugot ng buntong hininga at pigil ang sariling wag maiyak.

"May problema ba ang baby langga ni nanay at tatay? Bakit mukhang malungkot ang boses ng baby langga na yan?"

I cleared my throat first before started talking. Ayokong maramdaman ni nanay na malungkot ko ako dahil tiyak malulungkot din ito at si tatay. 

"Ayos lang po ako, Nanay. Wala po akong problema." pilit kong pinasigla ang boses pero mukhang nararamdaman ni nanay kung anong nararamdaman ko. 

Narinig ko ang malakas niya buntong hininga sa kabilang linya, nanahimik ito saglit bago pa muling nagsalita. 

"Langga, inaalagaan mo ba ang sarili mo dyan? Baka nagpapagutom ko ah. May pera ka pa ba? Sa Sabado magpapadala kami ni tatay ng pandagdag sa allowance mo, may extra din dagdag si tatay na bugdget para sa snacks ng baby langga niya. Saka yung pambili mo daw nung paborito mong milk tea, dinagdagan niya rin." tuloy-tuloy nitong sabi kaya hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. 

"A-Ayos lang ako, Nanay, talagang na-miss ko lang kayo ni tatay. Saka wag na po kayong magpadala ng pera para sa akin, may allowance pa po ako." sagot ko sabay pahid ng luha sa pisngi. 

"Wag mong tipirin ang sarili mo Langga, kumain ka kung anong gusto mong kainin. Isipin mo hindi gagana ang utak kung walang laman ang tiyan. Kaya kumain ka ng madami at wag mong pabayaan ang sarili."

 "Hindi ko po pinabayaan ang sarili ko Nanay." pagsisinungaling ko. Lately, binabawasan ko na ang pagkain ng madami dahil gusto kong magbawas ng timbang. Isa din siguro ito sa dahilan kung bakit masama ang pakiramdam ko ngayon.

"Anong sabi namin ni tatay bago ka lumuwas dyan?"  tanong ni nanay.

"Wag magpagutom, kain lang ng kain at deadma sa mga bullies." mabilis kong sagot. 

Tainted Series#6 : HIDING FROM THE BILLIONAIRE (Calyx Zachary Villegas) CompWhere stories live. Discover now