Wakas

512 19 7
                                    

Natatawa akong pumasok sa auditorium kasabay ng grupo ko. Narinig ko ang mahinang bungisngis ni Rafael habang mahina siyang pinapagalitan ni Mr. Arcilla dahil late siyang pumasok ngayon, late din tuloy kami sa contest.


Ramdam ko tuloy na pinagtitinginan kami ngayon. First contest ko 'to dito kaya medyo nanibago pa ako. Ang liit kasi ng auditorium nila kumpara sa dati kong school.


Nakasuot pa ako ng jacket, wala lang, pang-porma lang. Para malakas dating, ganun.


Narinig ko ang bulungan nang mga estudyante, hindi pa talaga nagsisimula ang contest, hinintay pa talaga kami. Kaya nung makaupo na ako, ginagalaw-galaw ko ang paa ko habang sumisipol ng mahina, 'yung ako lang talaga 'yung makakarinig pero natigil 'yun ng maramdaman ko ang tingin sa akin ng babae, di kalayuan sa amin.


Kinabahan ako sa tingin niya. "Parang papatay na amp," bulong ko sa sarili. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, nagtataka kung bakit ako nandito.


Nakipagtitigan ako sa kanya kahit pa sobra na akong natatawa sa kung paano niya ako pagmasdan ngayon. At di nga ako nagkamali ng hinala, tinarayan niya ako!


"Pucha! Mga babae talaga, tsk." Bulong ko ulit bago pinaikot ang ballpen sa daliri at nagsimula ng makinig sa emcee sa harapan.


Chill para sa akin ang laban. Halos lahat kasi ng questions ni-review sa amin ni Mr. Arcilla. Plus points na lang na kasama pa namin si Zacquel. Mas magaling pa yata 'to kaysa sa mismong nag-imbento ng Mathematics.


"How many liters does 3.8 moles of 02 occupy at STP (standard temperature and pressure)? Note that at STP, 1 mole of any gas is equal to 22.4 liters. STP is 273K (0 C) and 1 atm. Timer begins now!"


Sa tie-breaker question, doon lang ako nagkaroon ng sipag sumagot. Buti na lang mabilis ang naging pagsulat ko sa whiteboard, kaya mas nauna akong magtaas ng sagot kaysa sa kabilang grupo.


Napuno agad ng hiyawan ang buong auditorium. Pagkatapos sa amin i-abot ang award sa stage, bumaba na ako para sana lumabas at mag-CR pero sa dami ng tao sa loob, sa likod ng stage na ako dumaan.


"Aray!" Rinig kong reklamo ng babae ng tumama bigla sa likod ko. Agad akong lumingon.


"Lucky Charm m-mo?" hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Siya 'yung babaeng nakatingin sa akin kanina. Ang sungit niya grabe! Para na siyang bulkang nag-aalburoto ngayon sa harapan ko.


"Akin na!" Sigaw niya.


Umatras ako, di ko na mapigilang ngumiti.


"Red hanky, huh? Hindi pa rin gumana ang lucky charm?" pang-aasar ko.


"Ano bang pakialam mo?!" she backfired. "Hindi ko 'to lucky charm. 'Wag kang pakialamero."


"Galit na galit?" Natatawa kong sabi sa kanya.


Wala akong masabi sa babaeng 'to, grabe! Pinanganak ba siyang may sama ng loob? Galit na galit, contest lang naman 'yun! Di ko naman kasalanan na nauna akong magtaas ng whiteboard kaysa sa grupo nila, malay ko ba, diba?

Above The Sky Limits (SHS Series #3)Where stories live. Discover now