Kabanata 28

240 12 3
                                    

I keep distracting myself.


Kanina pa kasi ako kinukulit ni Ate Jona na lumuwas na muna ng Maynila upang kitain roon si Papa.


Nasa kalagitnaan ako ng trabaho ng makita ko na naman ang sarili kong tulala sa harapan ng screen ng computer.


Hindi na talaga ako makapag-focus!


"Milktea raw po, Ms. Desiree."


Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Mike sa gilid ng table ko. Tiningala ko siya.


"A-ah! T-Thank you." Tipid akong ngumiti saka inabot ang Milktea sa kanya.


Nagkibit-balikat lang siya sa akin saka ngumiti bago umalis sa harapan ko.


Pasimple ko pa siyang sinilip habang nagmamadali siyang bumalik sa cubicle. Matagal ko na rin siyang ka-trabaho dito sa Sales dahil mas nauna pa siya kaysa sa akin.


At kung mayroon man akong ka-trabahong medyo nakakatakot, siya 'yun!


Pinilig ko ang ulo at saka muling binaling ang atensyon sa ginagawa.


May isa't-kalahating oras pa naman bago ang uwian. Nag-message sa akin si Kara na susunduin niya ako para sa labas na kami mag-dinner.


Friday ngayon kaya niyaya ko na rin si Ate Jona na sumama sa amin kasama rin si Baron.


Saktong alas-singko ng matapos ako. Nasa labas na raw ng building si Kara kaya dali-dali na akong bumaba ng building kahit naririnig ko ang pagtawag sa akin ng ilang ka-trabaho ko.


May birthday party kasi 'yung isa naming kasamahan sa department. Niyaya din nila ako sumama sa dinner kaso mas nauna magplano 'to si Kara at isa pa, nangako ako na kakain kami sa labas ni Ate Jona kasama ang anak ko.


Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Naghihintay ako ng elevator kasabay ang ilang tao sa firm. Sinagot ko iyon ng saktong papasok na kami.


"Hello?"


"Anong hello?!" agad na bungad sa akin sa kabilang linya. "Hindi ako driver mo na pinaghihintay, Desiree 'ah!"


Nilayo ko ang cellphone sa tainga. "Nasa elevator na!"


"Hay naku!"


"Sorry!" Natatawa kong sabi. Binabaan niya na lang ako. Mas lalo akong natawa.


Nang makalabas na ako, agad akong dumiretso sa kotse niya. Sumakay na ako sa passenger seat at tumingin sa relo, 10 minutes late pa lang naman ako sa usapan namin.


Naabutan ko siyang abala sa cellphone.


Above The Sky Limits (SHS Series #3)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ