Kabanata 16

305 6 1
                                    

"Hoy, gaga 'to! Tulala ka na naman!"


Napakurap ako at agad na bumalik sa wisyo matapos pitikin ni Mags ang noo ko.


Narinig kong nagtatawanan sina Jiro, Justin at Charles sa harapan namin habang kumakain ng binili nilang spaghetti.


"Ano na naman bang iniisip mo, jusko! Unang linggo ng klase, tulala ka na naman!" SInghal ni Mags saka kumuha ng fries na nakahain sa harapan ko.


"Tanga! May naisip lang," Sagot ko naman.


"Kulang ang bakasyon 'no?"


Napanguso ako. "Boring sa bahay."


"Malamang. Di ka kasi sumama sa outing. Class President ka pa naman."


Inirapan ko si Pia. Dalawang buwan na ang lumipas, hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakapag-move on tungkol sa class outing namin noong April.


"Hindi nga ako pinayagan." Sumubo ako ng fries saka inilibot ang tingin sa punong-puno na cafeteria.


Sobrang dami na talaga ang nag-enroll na estudyante ngayong taon. Buti kami graduating na.


"Sus, sabihin mo, KJ ka! Isang araw lang naman 'yun 'eh..." Reklamo niya pa.


Napatingin ako kay Charles nang lagyan niya ng ketchup ang fries sa harapan ko. Nakangiti siya matapos niyang gawin iyon.


"Ketchup, Ms. President." Untag niya. Hindi iyon napansin ng mga kasama namin dahil abala rin sila sa kanya-kanya nilang buhay.


"Kaya ko namang maglagay niyan,"


Napakamot siya ng batok at umayos ng upo habang nakangisi pa rin sa akin, "Your welcome," he chuckled.


Napailing na lang ako at hinayaan siyang asarin ako dahil 'yun naman talaga ang palagi niyang ginagawa. Hindi ko nga alam kung paano naging close ang grupo nila sa amin. Basta nagulat na lang ako dahil palagi na silang sumasabay sa amin kumain, ganoon din kapag uwian noong malapit na magtapos ang taon namin sa Grade 11. Masaya naman dahil sobrang ingay nila lalo na sina Mags at Pia na mas naging malapit na sa kanila simula nang magbakasyon.


Hindi na rin naman ako nagreklamo, isa pa, matagal na rin kaming magkakaklase pero ngayon lang talaga sila naging malapit sa amin.


"Hoy, Charles! Try mo na kasing ligawan!" Pang-aasar ni Mags.


Napailing ako saka pagod na tumingin sa kanila. Nagsisimula na naman sila sa mga ganyang pang-aasar na nakasanayan ko na.


"Heto na naman tayo..."


"Mahina diskarte mo 'tol! Grade 12 na tayo puro ka pa kakornihan!" Bawi naman ni Jiro.

Above The Sky Limits (SHS Series #3)Where stories live. Discover now