Kabanata 35

454 18 11
                                    


"I n-need you, Desiree. Ikaw lang ang kailangan ko, ikaw lang ang kailangan namin ni Baron. S-so please... give me another chance, hmm?" bulong niya.


Yumuko ako at isiniksik ang mukha sa kanyang dibdib. Wala na akong ibang marinig kundi ang malakas na tibok ng puso niya.


"Just... d-don't give up on us, Des. H-Hindi ko na kakayanin ngayon kapag tuluyan ka nang sumuko ulit." He sobbed.


Wala sa sarili akong tumango sa kanya. Paulit-ulit, habang mahigpit akong nakakapit sa kanya. Pagkatapos ng ilang taon, muli kong naramdaman ang init ng mga yakap niya. This is my home. His touch, his skin, his warm embrace. Everything feels right and real.


Marahan niyang tinapik ang likod ko, unti-unti akong pinapakalma sa gitna ng bisig niya.


"D-Don't worry, okay? G-Gagawin natin ang lahat para kay Baron. Pangako." He softly kissed my forehead before he let go of me and run towards the ICU.


Inalalayan ako nila Ate Jona at Kara. Binigyan ako ng tubig ni Kara habang pinapatahan ako nito.


"I'm sorry, Desiree. Alam kong hindi pa ganoon maayos ang lahat sa inyo ni Bryle, pero wala na akong naging choice kanina kaya tinawagan ko na siya." Paliwanag niya sa akin pero walang pumapasok sa isip ko.


Naluluha akong tumingin sa kanya. "G-Gagaling pa si B-Baron, diba Kara? Gagaling pa ang anak ko, diba?"


Agad niya akong niyakap. "S-Syempre naman! Gagaling si Baron, b-bakit naman hindi?"


Tumango ako sa kanya, kahit pa may pag-aalinlangan sa akin. Hindi ko magawang sumilip muli sa ICU. Nababalot ng takot ang buong pagkatao ko. Sa tuwing naalala ko ang mukha ni Baron, kung paano niya hinahabol ang bawat hininga niya, kung paano siya kusang lumalaban mag-isa, naninikip ang dibdib ko.


Hindi ko man lang nagawang protektahan at alagaan siya noon. Kahit pa nung pinagbubuntis ko siya, nagawa ko pang ipagkait sa kanya ang mabuhay sa mundo. Alam kong wala akong karapatang humingi ng himala sa itaas, alam kong wala akong kakayahang baguhin pa ang takbo ng mundo sa amin, balikan at subukang itama ang lahat ng nangyari noon, pero sa pagkakataong iyon, taimtim akong nagdasal.


Buong puso ko nang ipinaubaya sa itaas ang anak ko. Hindi man ako naging malapit sa Diyos o tuwing linggo na nagsisimba, sa dami nang nagawa kong kasalanan sa Kanya at sa mga taong nagmamalasakit sa akin, wala akong ibang hiniling nung gabing iyon kundi ang patigilin ang oras upang mahawakan ko pa ng buhay ang anak ko.


Hindi ko na alam kung paano kami nakaalis sa ospital na iyon. Kinailangan ilipat ng ospital si Baron. Nakita ko na lang sarili ko sa loob ng sasakyan ni Bryle kasama si Kara. Bumyahe kami mula Bataan patungong Maynila ng dis-oras ng gabi.


Nang makarating kami sa ospital kung saan nagtatrabaho si Bryle, naging mabilis ang bawat pangyayari. May nakahanda ng kuwarto para sa anak ko. Gayunpaman, hindi pa rin ako makakilos habang pinagmamasdan ko ang nagtatakbuhang mga doktor at nurse sa loob ng private room. Tila nakahanda na sila sa pagdating ng anak ko.

Above The Sky Limits (SHS Series #3)Where stories live. Discover now