Kabanata 19

296 13 2
                                    

Hindi ko alam kung paano ko nagawang umalis sa harapan niya pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon.


Hindi na nagsalita si Charles pero ramdam ko ang titig niya sa akin mula sa likuran. Tahimik akong naglakad patungong faculty at ganoon din siya hanggang sa tuluyan na kaming bumalik sa classroom.


Nang mag-uwian, agad akong nag-ayos ng gamit at kahit energetic sina Mags at Pia na nagchichismisan tungkol sa estudyanteng nabuntis sa kabilang room, hinayaan ko na lang sila at saka umuwi mag-isa na pareho naman nilang hindi napansin.


"Desiree..." Rinig kong tawag sa akin ni Charles sa hallway.


Nilingon ko siya.


"Fruit shake tayo sa labas. Libre ko na!" Nakangiting sabi niya.


Agad akong umiling sa kanya, nagmamadali nang umalis dahil baka maubutan pa ako ni Bryle dito sa baba.


"Mauna na ako sa inyo. Bukas na lang."


Tipid siyang ngumiti at saka umiwas ng tingin. "S-sige, bukas na lang."


Tumango na ako sa kanya saka na naunang maglakad sa pag-aakalang hindi ako maabutan ni Bryle pero laking gulat ko ng makita siya sa dulo ng hagdan, nakasandal sa pader habang hawak ang ilang libro niya.


Uwian na nang halos lahat ng estudyante kaya maingay at masikip sa paligid at alam kong sa puntong ito, hinding-hindi ko na talaga siya maiiwasan.


Agad siyang sumabay sa paglalakad sa'kin patungong gate. Hindi siya nagsasalita, ganoon din ako dahil halos mawalan na ako ng hangin sa sistema sa tuwing maglalapit ang balat naming dalawa habang naglalakad.


Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya kaya mas minabuti kong hindi na lang talaga magsalita bago pa ako makabitaw ng panibagong kahihiyan.


Sabay kaming naghihintay ng tricycle sa may waiting shed. Nasa tabi niya ako kaya amoy na amoy ko ang bagong pabango na gamit niya.


"You can't ran away this time, Des." His voice made me shivered a bit.


"I like you, Bryle but you can't control me. Kung gusto kong umiwas, iiwas ako. Kung gusto kong umalis, aalis ako."


Humalakhak siya saka tumingin sa akin. Bahagya niyang pinitik ang noo ko, dahilan ng muli kong pag-irap sa kanya.


"Why are you being so hard, Des? Kaya gustong-gusto kita 'eh!"


Hindi ako sumagot at humalukipkip na lang.


"I like you and you like me too. Then, let's be together. Anong problema doon?" Kumislap ang mata niya habang nakatingin sa akin.


"I don't want to be in a relationship with you." Dire-diretso kong sabi.


Above The Sky Limits (SHS Series #3)Where stories live. Discover now