Kabanata 12

336 10 1
                                    

"That's all for today! Class dismiss."


Tumango sa amin si Ms. Flores bago tuluyang lumabas ng classroom. Lunch break na namin kaya minabuti kong ayusin na ang lahat ng gamit dahil magiging busy ulit ako mamayang hapon.


Hindi lang pagde-design ang role ko ngayong Foundation Week dahil kasali rin ako sa mga kandidata para sa Ms. Foundation sa Friday.


I shrugged. It just happened that I'm the candidate of our section in Search for Ms. & Mr. Foundation for this year. SI Jiro naman ang representative sa lalaki.


Nagulat na lang din ako ng ilista ni Mags ang pangalan ko sa mga kasali roon without knowing na katulong rin ako sa pag-oorganisa sa Foundation Week ngayong taon.


Dagdag trabaho. Dobre oras. Mataas na grade.


Itinatak ko sa isip ko na pagkatapos nito, aasahan ko talaga ang mataas na grade para sa akin.


"Lunch?"


Tumingala ako kay Charles.


"May baon ako." Ipinakita ko sa kanya ang lunch box ko.


"Edi sabay na tayo kumain," he smiled.


"Kasabay ko si Mags saka si Pia."


"Edi sasabay ako sa inyo!" he insists.


Umiling ako bago isinara ang zipper ng bag ko. "Ayoko."


"Dali na." Nagpapadyak ang paa niya. Sinamaan ko siya ng tingin.


"Mahina ka pala 'tol! Lunch lang di mo pa makasabay si Desiree!" SIgaw ng mga kasama niya sa likuran.


Inakbayan siya nito saka bahagyang sinuntok sa sikmura. Umangal si Charles kahit kitang-kita naman na hindi siya tinamaan ng suntok. Napailing na lang ako saka tinignan ang direksiyon nila Pia.


"Aray 'tol. Huwag mo akong saktan sa harap ng crush ko," Reklamo ni Charles na lumikha ng tawanan at asaran sa harapan.


"Lakas mo naman 'tol. Iba talaga si Ms. President!" Kumindat sa akin si Justin.


"Huwag nga kayong magulo!" Naiinis kong sabi kahit ang totoo natatawa na lang ako.


Gusto kong lumapit kina Mags at Pia na nagdidiskusyon sa bandang likuran ng room pero nakaharang sa harapan ko si Charles, Justin at iba ko pang lalaking kaklase na inaasar si Charles sa akin. Nakita kong lumapit si Jiro habang isinusuot ang chest bag nito.


Minsan naiisip ko, paano kaya nagkakasya ang 9 namin na notebook sa maliit niyang chest bag? Mukhang di siya estudyante sa lagay na 'yan. Halatang di nag-aaral pero With Honor naman.

Above The Sky Limits (SHS Series #3)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ