T W E N T Y - S I X

125 3 0
                                    

WARNING: RATED SPG.
READ AT YOUR OWN RISK.
(IM NOT GOOD AT THIS
BUT I'LL TRY MY BEST. CHAR!😏)

Kendall's Point Of View

"ANG GANDA-GANDA mo naman, Miss Kendall! Aba, dapat lang! Engagement party mo ngayon kaya dapat maganda ka." palakpak ni Dave.

"Dave, wala ka na bang balak na maging lalaki talaga? I mean, gwapo ka at hindi obvious na bakla ka." sabi ko.

Natigilan naman ito. "Miss Kendall naman! Lalaki po ako pero pusong babae at wala na po akong magagawa pa doon."

Tumango-tango naman ako.

"Anyway, salamat. Ang galing mong mag make up. Saan ka ba natuto?" tanong ko habang nakatingin sa salamin.

"Sa nanay ko po. Magaling po kasi yon mag make up eh. Sa katunayan nga ho, may beauty parlor po siya noong dalaga siya sa cavite." aniya.

Napangiti naman ako.

Napalingon kami sa pintuan ng pumasok doon si Leon. Natigilan ito ng makita ang ayos ko at napatingin kay Dave.

"Ah, labas po muna ako." Paalam ni Dave saka lumabas.

Nagtaka pa ako ng makita ko ang pagtagis ng bagang ni Leon at ang magkasalubong niyang mga kilay. Galit ba siya?

"Who's that?" his voice was cold.

I bit my lips. "Si Dave-"

"Dave?! You know him?"

Umirap ako. "Malamang, make up artist ko siya at huwag kang mag-alala, bakla iyon."

He looked at me. "Parang hindi naman!" Himutok niya.

Napatango naman ako.

"Oo nga eh. Sa gwapo at kisig ba naman ng katawan niya, at saka sinabi ko pa nga sa kaniya na bakit hindi na lang siya magpakalalaki." saad ko.

Marahas niya akong nilingon.

"What?! Hayaan mo na siyang maging bakla! At anong gwapo at makisig ang katawan? Did you just compliment that gay in front of me? Your fiancé?!" he growled.

Umarko ang labi ko.

"Sinisigawan mo ba ako?!"

Mabilis naman siyang umling.

"Hindi! Tsk, bakit pa kasi pinagseselosan ko pa yong bading na yon?! Kainis!"

Natawa naman ako at niyakap siya. "Engagement party natin ngayon ano ka ba. Ikakasal na nga tayo tapos pinaiiral mo na naman ang pagkaseloso mo."

Ngumuso siya. "Sorry..." ang cute lang ng isang 'to.

"Hmmm...ang ganda-ganda naman ng mapapangasawa ko." hinalikan niya ako sa ilong.

Ngumiti ako.

Bumukas bigla ang pinto at niluwa nito sina Isla at Ree na nakangisi sa amin.

"Tara na sa baba. Malapit ng magsimula ang party niyong dalawa." ani Ree.

Pinagsaklop naman ni Leon ang kamay namin habang naglakad pababa ng hagdan.

Everybody was smiling at us. Lumawak ang ngiti namin ng makita ang parents namin na masayang nakatingin sa aming dalawa. Pagkalapit namin sa kanila ay agad namin silang niyakap.

"Good evening everyone! Im your host for tonight, i am Knight Axton Villareal."

"And i am Kassandra Alyssa Patremor, good evening to everyone."

Napoleon Sandoval: I Need Your LoveWhere stories live. Discover now