T W O

383 9 0
                                    

Napoleon's Point Of View

Nakasimangot akong nakaupo sa couch dito sa loob ng hideout. Walang ibang nakakaalam ng lugar na ito maliban sa aming mga lalaki. Hindi 'din basta-bastang hideout lang ito, dito namin pinaparusahan ang mga taong bumangga at kumakalaban sa amin at dito namin sila pinapahirapan hanggang sa magsawa kami. Tinago namin ito sa mga babae dahil ayaw naming magalit at mag-alala sila sa amin. Ayaw kong magalit sa akin si Kendall. Takot ako dun eh.

"Sana hindi kayo nag-absent kanina. Hindi niyo man lang nakita kung paano sinakal at sinikmurahan siya ni Kendall!" Kwento ni Jandrix sabay tawa.

Nagtawanan naman ang mga hangal. Tumaas ang gilid ng nguso ko. Ang babait naman naman ng mga kaibigan ko.

"At alam niyo bang nag trend sa school iyong pagsakal sa kanya ni Kendall? Grabe! Astig talaga ni Ken." Anas ni Vince.

"Kaya patay na patay dun ang Kuya ko eh." Nginisihan ako ni Gladeon, i just rolled my eyes.

Patay na patay naman talaga ako kay Kendall, ayaw ko lang ipahalata pero aaminin naman ako pero hindi na muna ngayon.

"Umamin ka na kasi. Patorpe-torpe ka pa, kung sana umamin ka noon edi kayo sana hanggang ngayon. Hindi mo ba alam na may crush iyon sayo dati." Wika ni Archer na ikinagulat ko.

M-May crush sa akin dati si Kendall!? Pero bakit hindi ko alam at hindi man lang nila sinabi sa akin!?

Im about to burst but Hobi spoke that made me stop.

"Pero nawala iyon magmula ng dumating si Blake. Sinabi niya sa amin kung gaano niya kagusto ang gagong iyon pero pinaasa lang naman siya." Iling-iling na sabi ni Hobi.

Noon pa man ay selos na selos na talaga ako sa lalaking iyon dahil palagi na lang siya ang binibigyan ni Kendall ng atensyon kahit nasa tabi na niya ako. Pero sana hindi na bumalik ang lalaking iyon dahil hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanya sa oras na saktan at kunin niya ulit sa akin ang babaeng pinakamamahal ko.

"Relax, Leon. Paniguradong hindi na babalik ang gagong iyon. Subukan lang niya na bumalik. . . Ibabaon ko siya sa lupa dahil sa ginawa niya sa pinsan ko." Seryosong sabi ni Vince.

"Teka nga pala, bakit nga pala kayo nag-away kanina?" Tanong ni Jandrix.

"Kinuha ko ang bag niya eh," Nakangiti kong sagot.

Naalala ko tuloy ang inis na mukha ni Kendall pero ang ganda niya parin.

"Kinuha mo para mapansin ka ganun ba?" Pang-aasar ni Jandrix pero ngumisi lang ako.

"Napansin niya naman ako diba?" Ngiti-ngiting saad ko pa.

Napailing na lamang sila.

Maya-maya pa ay nasa tapat na kami ng condo kung saan kaming magbabarkada ay minsan dito na tumitira. Mga sariling pera 'din namin ang ginamit namin para mapatayo ang condo na ito.

"Umuwi pa kayo! Wala ng ulam, ubos na namin dahil napagod kami sa kaka-antay sa inyo." Asik sa amin ni Athena.

"Baby naman-"

"Tigilan mo ako, Jandrix! Isa ka pa!" Singhal nito at iniwan kami sa sala.

Kumabog bigla ang dibdib ko ng magtama ang paningin namin ni Kendall. Kunot ang kanyang noo at tinaasan pa ako ng kamao kaya hindi ko maiwasang mapangiti.

Naalala ko bigla iyong diary niya na kinuha ko. Babasahin ko na lang 'yon pagdating sa bahay. Gusto kong malaman kung ano ang mga sinulat niya doon. Sana nandoon 'din ako.

"Kumain na ba kayo?" Tanong sa amin ni Vivoree.

"Ako hindi pa! Kawawa naman ako 'no?" Pagpapacute dito ni Lucas dahilan para magtawanan kami. "Shut up!"

"Kawawa ka talaga kaya bahala ka." Tinalikuran kami ni Vivoree.

"Hoy Lucas, sinasabi ko sayo. . . 'Wag ang kapatid ko." Seryosong tugon dito ni Knight. At bumaling kay Hobi. "Huwag ka na 'ring magtangkang magpapansin kay Patch, hindi ka type 'nun."

Lumukot naman ang mukha ng kapatid ko saka umirap dito.

"Sandali! Im starving, magluto na kaya muna tayo? Hindi pa ba kayo nagugutom?" Si Yohan.

"Ako na ang magluluto." Tumayo si Riguel at nagpunta na ng kusina kaya sumunod kami.

Magaling magluto si Riguel. Sa kanya natutong magluto sina Kendall noon.

"Ano naman ang lulutuin mo, Rig?" I asked.

"Sinagang." Sagot niya.

Sinagang? Meron ba 'nun?

Napalingon kami sa iba ng magtawanan ang mga ito? What's funny? Mga hangal.

"B-Bro! S-Sinagang daw! Shit! HAHAHA!" Si Cross habang hawak-hawak ang tiyan.

"Magaling ngang magluto si Rig kaso mali naman ang pronunciation ng pangalan ng pagkaing lulutuin niya! Damn! He's hilarious!" Si Hendrix.

So, Hindi Sinagang? Eh ano?

"HAHAHA. . . Sinigang kasi, Rig. Sinigang." Natatawang saad ni Chase kay Riguel.

Ah, Sinigang pala.

Blanko naman ang mukha ni Riguel na nakatingin doon sa dalawa. Napaatras kami ng kumuha siya ng kutsilyo!

"Anong gusto niyo? Ang sina-sinigang ang lulutuin ko o kayong dalawa?" Walang emosyong tanong nito.

Napatigil naman ang dalawa at biglang na blanko ang mga mukha. Napuno naman ng tawanan ang buong kusina.

"Labas lang kami. Bibili lang ng sigarilyo." Ani Hellion at lumabas kasama sina Jandrix at Knoxx.

"Bilhan niyo 'rin ako!" Si Tobi.

Sinaaman ko ito ng tingin. "Subukan mong manigarilyo, Tob." Banta ko.

"Tsk! Eh bakit ikaw, naninigarilyo ka 'rin naman ah!?" Binato ko siya ng kutsara.

"Eh mas matanda ako sayo! Hangal!" Singhal ko sa kanya.

Sinamaan niya ako ng tingin kaya napatawa ako. Ang sarap pala talagang maging panganay pero minsan nakakapagsisi. Ang titigas ng mga ulo ng mga kapatid ko. Ako lang ang normal.

"Uy! Bakit nandito kayong lahat? Anong niluluto niyo?" Si Kassy.

"Nagluluto kasi si Rig ng sinagang." Tawa-tawang wika ni Hobi kaya naptawa na 'rin kami.

Kumunot naman ang noo ni Kassy. "Eh? Diba sinigang 'yon?"

Nagtawanan naman kami kaya mas lalong nagtaka si Kassy.

"Kassy," Natigilan kami ng magsalita si Gladeon. "Go to sleep. Gabi na at may pasok pa bukas." Utos niya dito.

"Ewan ko sayo, Gladeon. Hindi kita magulang para utusan ako ng ganyan. Matutulog ako kung ano mang oras kong gusto." Asik ni Kassy saka lumabas ng kusina.

Nagulat pa kami ng sundan ito ni Gladeon. Something's fishy. Gladeon and Kassy? Not bad.

"Guys, Nasaan si Kuya Knoxx?" Tanong ng kapapasok na si Kaori.

"Lumabas sila Hellion. . . Kanina lang, bibili lang daw ng sigarilyo." Si Archer ang sumagot.

"Sige, susundan ko lang sila-"

"Samahan na kita." Agad na lumapit si Yohan kay Kaori at hinawakan sa kamay saka hinila palabas.

Lumabas na 'rin muna ako ng kusina pero laking gulat ko ng makasalubong ko ang mukha ni Kendall kaya taranta akong napaatras. Dang it! My heart!

She raised her left eyebrow. "Natatakot ka ba sa akin ha?"

I shaked my head. "N-No."

"Ewan ko sayo, Liyon!" Aniya at nilagpasan ako.

Napasapo ako sa noo. Damn heart! Bakit ba ako kinikilig!?

To be continued. . .♡♡♡

Napoleon Sandoval: I Need Your LoveWhere stories live. Discover now