N I N E

134 4 0
                                    


Napoleon's Point Of View

Muntik na akong magwala kanina sa bahay ng malaman ko ang nangyari kay Kendall! Sobra akong natakot at nag-aalala sa kanya kung ayos lang ba siya. Kung hindi siguro ako tinawagan ni Vince ay hindi ko pa malalaman.

Mabilis kong pinatakbo ang kotse ko papunta sa bahay nila. Nakasalubong ko ang mga magulang niya, sinabi nila sa akin ang nangyari at lihim akong nagtagis ng bagang at napamura.

I want to kill that fucker for touching my girl! Paulit-ulit ko siyang papatayin! Damn you, Kyle Arevalo. Humanda ka.

My face softened when i saw her face. Her eyes is swollen, halatang galing sa pag-iyak.

My baby.

"Babe." I called her.

"L-Leon." Utal na ani niya.

Papatayin ko talaga ang gagong iyon! Walang sino man ang pwedeng gumalaw at magpa-iyak sa kanya.

"Leon-" Natigilan siya ng mabilis akong humakbang at mahigpit na niyakap siya. I missed her so damn much.

"Sorry, Babe. Sorry kung hindi agad ako nakarating para iligtas ka sa hayop na iyon. Sana pala pumunta na talaga ako dito kanina pa, siguro nabantayan pa kita at hindi na nangyari iyon." Emosyonal na wika ko habang nakayakap sa kanya.

Naramdaman ko naman ang paghigpit niyang pagkayakap sa akin. Inamoy ko ang leeg niya bago dinampian ng halik.

"Hindi mo naman kailangang humingi ng tawad, Leon. Hindi naman ikaw ang may kasalanan." Malumanay na sabi niya.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan siya sa mata.

"Hindi sapat sa akin ang makulong lang ang gagong iyon, Babe. I want to punish him and make him pay for what he did to you." Matalim kong sabi.

Gagawin ko talaga ang sinabi ko para kay Kendall. Pagbabayarin ko ang Kyle na iyon.

Her forehead creased.

"Leon, Tama na ang mabulok na siya sa kulungan. Ayokong madumihan ang kamay mo, base kasi sa pagkakasabi mo ay parang may balak kang patayin siya. Ayoko ng ganun." Aniya.

I stunned.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Ayaw niya sa mga taong makasalanan in short-Ayaw niya sa taong katulad ko.

Paano na lang kung malaman niya na ang mga pinanang-gagawa ko? Im sure, Magagalit siya at iiwanan ako. That hurts.

"You okay? Bakit bigla kang natahimik?" Natauhan naman ako sa tanong niya.

Pilit naman akong ngumiti sa kanya bago siya niyakap muli.

"W-Wala, Babe."

"You sure?" Paniniguro niya.

"Hmm." I nodded.

Mahal na mahal kita, Kendall kaya kung sa oras na malaman mo ang mga kasalanang nagawa na alam kong hindi mo magugustahan ay huwag mo sana akong iiwan dahil hindi ko kakayaning mawala ka sa akin.

"BAKIT umiinom si Kuya? Dahil ba sa nangyari kay Kendall?" Si Gladeon na kakarating lang.

Hindi ko siya pinansin at uminom lang ng alak habang isip-isip si Kendall.

"Malamang talaga. Hayaan niyo na muna siya, wala sa mood eh." Utas ni Hendrix.

"Eh gago naman kasi talaga ang Ravelo na iyon eh! Balita ko pa nga, Nakulong 'yon dati dahil sa kasong rape." Saad ni Knoxx.

Rapist pala ang tarantadong 'yon? At balak pa talagang gawing biktima ang girlfriend ko.

I swear, mapapatay ko talaga ang lalaking 'yon!

Napoleon Sandoval: I Need Your LoveKde žijí příběhy. Začni objevovat