F I F T E E N

113 3 0
                                    

EDITED.



Napoleon's Point Of View

"Leon naman eh! Papatayin mo ba ako ha?! Ang dami-dami pa ngang kanin sa bibig ko tapos subo ka ng subo sakin!"

Bulyaw ng mahal ko.

Napapikit naman ako dahil sa lakas ng boses niya. Hindi ba niya alam na nilalambing ko lang siya, hindi man lang kinilig.

Binaba ko ang kutsara.

"Nilalambing lang naman kita eh," ngumuso ako.

"Lambing? You almost choke me!" asik niya at pinanlakihan ako ng mata.

"Sorry na, alam mo namang gustong-gusto ko ang nilalambing ka eh." saad ko.

She sighed.

"Sige na, sige na... kumain ka na rin para maubos na 'tong niluto ko." aniya at sumubo.

Tumango ako at nilantakan na rin ang adobong manok na niluto niya. Ang sarap talaga niyang magluto, nakikita ko na kung paano siya magiging mabuting ina sa hinaharap kasama ako.

Napahagikhik ako sa naisip ko.

Pagkatapos naming kumain ay ako na ang naghugas ng plato, ako na rin ang naghugas ng mga kalderong ginamit.

"Babe," tawag ko ng makita ko siyang nakahiga sa sofa.

"Hmmm..." umungol siya.

Napalunok ako at pinagpawisan.

Ano ba naman 'yan! Umatras na lamang ako at baka may magawa pa akong hindi maganda.

"Leon..." my eyes widened.

"Y-Yes, babe?"

Nagmulat siya. "Bakit ka nakatayo diyan?" paos na tanong niya at umupo.

"Ah, wala lang." ani ko.

Tumaas ang kilay niya. "Hindi ka pa ba uuwi? Baka kasi dumating sina Papa–"

"Edi mabuti nang makita nila ako dito para naman masabi na natin sa kanila na tayo na." seryoso kong wika.

Ngumiti naman siya at hinawakan ang kamay ko at pinaupo ako sa tabi niya.

I kissed the back of her hand.

"Siguro nga kailangan na nating sabihin sa kanila...hindi naman kasi pwedeng ilihim lang natin 'to." sabi niya.

I smiled. "Mahal kita, babe."

"Mahal 'din kita, babe."

Then we kissed.

"What is the meaning of this?!"

"Ay putang–Tito!"

Taranta kaming napatayo ng makita namin sina Tita at Tito kasama si Kassy na nakangisi pa sa amin.

"Pa, Ma." humalik si Ken sa pisngi ng Papa niya tapos ay sa Mama niya. "Ah, si Leon ho...boyfriend ko." she held my hand.

"What?!" si Tito.

Kumabog ang dibdib ko.

Aaminin kong natatakot talaga ako kay Tito Connor, sabi ni Dad sa akin ay talagang seryoso ang ugali niya at malamig talaga kaya sa kanya siguro nagmana si Kendall. Parehong-pareho kasi ng mukha pati ugali.

"Talaga? You mean, kayo na talaga for real?" masayang sabi ni Tita habang abot tenga ang ngiti bago kami yakapin.

"Opo, ma...boyfriend ko na po siya." saad ni Ken. "Sana naman po, walang magagalit."

Tito Connor scoffed.

"Siyempre naman! Walang magagalit, ang saya-saya ko nga para sa inyo–"

"Mahal!" inis na putol ni Tito.

Napoleon Sandoval: I Need Your LoveWhere stories live. Discover now