S E V E N T E E N

119 3 0
                                    


Napoleon's Point Of View

"Kailangan ko pa ba talagang suotin yan? Parang hindi ko yata kaya eh, hindi na lang ko sasali sa party." ani Knight.

"Okay. Tingnan natin kung papansinin ka pa ni Entice kapag nalaman niyang ayaw mo sa binili niya para sayo–"

"Akin na nga 'yan!"

Biglang hinigit ni Knight kay Hendrix ang snow white costume at inis na naglakad patungong banyo at padabog pang sinara ang pintuan.

Nagtawanan naman kami.

"Hay...parang lalagnatin ako ngayon–Damn you, Lucas!" singhal ni Hobi.

Natatawang kinuha ni Lucas ang unan na binato niya sa mukha ni Hobi.

"Wag ka ngang magsakit-sakitan diyan, patay ka kay Patcherie!" Pananakot pa nito.

Umirap lang ang kapatid ko.

Napatingin kami sa banyo ng bumukas ito at bumungad sa amin ang walang emosyong mukha ni Knight.

What the fuck!

Tiningnan namin siya mula ulo hanggang paa at sabay na nagkatinginan.

"Don't you dare laugh at me, dimwit!" banta niya sa amin.

We purse our lips.

Chase cleared his throat. "Ah–pfft...magbibihis na muna ako." pumasok siya ng banyo.

Hindi na namin siya tiningnan. We heard a knock from a door. Lumapit doon si Yohan para buksan ang pinto.

Bumungad sa amin si Entice.

Nakita pa namin kung paano nanlaki ang mga mata ni Knight at dali-daling nagtago sa likod ng sofa kaya hindi siya nito nakita.

Nagpigil kami ng tawa.

"Boys, ready na ba kayo?"

She dressed as Gogo Yubari.

"Oo, nasa CR pa si Chase at nagbibihis." sabi ko.

Tumango naman siya. "Teka, si Knight? Bakit hindi ko siya nakikita?"

"Ah, nagtata–nagbibihis pa pala." kamot-batok na utas ni Knoxx.

Entice nodded and left.

Natawa naman kami. Natigilan lang ng tumayo si Knight at masama ang tingin sa amin.

"What?" Inosente naming tanong.

Inirapan niya kami. "Stop playing innocent! Alam kong pinagtatawanan niyo ako!"

Tuluyan na kaming natawa.

"Ikaw naman kasi...may patago-tago ka pang nalalaman eh makikita 'din naman niya iyang itsura mo, snow white." asar sa kanya ni Yohan.

"I said stop teasing me!"

"Hala gago. Sabi mo 'wag ka naming tawanan hindi ang asarin." ani Tobi.

Mas lalong na-asar si Knight kaya hindi na kami nagsalita. Baka mamaya, masuntok pa kami.

"Ayos na kaya 'tong–"

"Shut up!"

Natigilan si Chase ng sigawan siya ni Knight at patanong na tumingin sa amin.

"Boys! Labas na!"

We heard Mika's voice.

Pinauna naming palabasin si Knight kaya inis na inis ang mukha kaya naghalakhakan kami sa likuran niya.

"Boys–hala Kuya! Is that you? Prinsesa ka na ngayon? Ang ganda mo–"

"Shut up, Vivoree!"

She just giggled.

Napoleon Sandoval: I Need Your LoveWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu