S I X

170 7 0
                                    


Kendall's Point Of View

"Hay! Sa wakas at natauhan ka na 'rin. Akala ko pa naman ay forever mo ng aayawan iyang si Leon, mabuti na lang at nag confess ka na." Anas ni Elle.

Naka-poker face parin ang mukha ko. Ang iingay naman ng mga 'to. Bakit hindi na lang sila maging masaya para sa amin ni Leon? Hindi iyong dadaldalin na lang nila ako.

"Oo nga naman, Ate. Kailan mo ba siya sasagutin?" Kinikilig pa na tanong ni Kassy.

"Aba malay ko! Bakit? Nanliligaw ba siya?" Asik ko. "Hoy, Tigil-tigilan niyo nga muna ako. Dapat pala hindi na lang ako umamin kung tatadtadin niyo lang ako ng tanong." I crossed my arm.

Binatukan ako ni Athena!

"At ano? Sasaktan mo na naman ang damdamin ng liyon mo, ganun? Maawa ka naman doon sa tao. Eh patay na patay iyon sayo." Inirapan pa ako.

"Oo nga naman, Eh halos picture mo ang nasa gallery niya. Obsessed lang?" Si Entice.

Bumuntong-hininga lang ako.

Aaminin ko, Gusto ko talaga ang Liyon na iyon pero ayaw ko lang umamin dahil baka pagsisihan ko pero ang kalabasan, Masaya pa ako dahil nasabi ko 'rin sa kanya.

Bakit kaya hindi ko agad naramdaman na may gusto na pala ako sa lalaking 'yon? Hindi naman ako busy. Siguro kasi palagi kong sinasabi sa isip ko na si Calvin ang crush ko at mortal enemy ko siya.

Natauhan naman ako sa pag-iisip ng makita kong naiwan pala akong mag-isa sa sala. Mga bruha 'yon ah, iniwanan pa talaga ako.

Astang tatayo ako ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya walang gana ko itong tiningnan. Napangiwi ako ng makita kung sino ang caller.

Liyon Ko♡ Calling. . .

"Oh, Ano na naman?"

"Wala man lang Hello Babe o Hello Liyon ko diyan? Nakakatampo, Babe ah."

Umirap ako.

"Sira-ulo. Ano bang kailangan mo?"

"Date naman tayo, Babe. Namimiss na kita eh. Bakit ba kasi ayaw akong padalawin ng Papa mo diyan? Ayaw niya ba sa akin?" Malungkot ang boses niya.

Namiss ko 'rin naman siya kaso masakit bumatok si Papa eh kaya no choice.

"Miss na 'rin kita pero anong magagawa ko? Tatay ko 'yon, Hello? Saka magkikita naman tayo bukas sa school."

"Hay. Ano pa nga ba, Isi-send ko na lang ang mga nude pictures ko sayo para hindi mo ako mamiss tapos isi-send mo 'rin iyong sayo."

Nag-init naman ang ulo ko.

"Anak ng putakte ka, Napoleon! Humanda ka sakin bukas!" Gigil kong pinatay ang tawag.

Sasakit ang ulo ko sa lalaking 'yon! Ang bastos ng bunganga.

Kinabukasan ay halos tahimik ang naging agahan namin. Pasulyap-sulyap naman ako kay Papa na seryoso lang ang mukha habang kumakain.

"Ehem!" Si Kassy.

Mukhang napapansin niya 'din.

"Kayo na ba ni Leon?"

Napatingin ako kay Papa.

Bago pa man ako makasagot ay inunahan na ako ni Kassy.

"Pa, Paano naman magiging sila eh hindi naman nanliligaw iyang si Leon kay Ate." Sabi nito.

Palihim akong napairap.

"Huwag ka namang masyadong seryoso diyan, Connor. Ayos lang naman sa akin na magkatuluyan silang dalawa." Saad ni Mama.

Tanging buntong-hininga lamang ang ginawa ni Papa at natahimik na uli kami.

Napaatras ako ng makita ang kotse ni Leon na nakaparada sa harapan ng gate namin. Anak ng, Paano kung makita siya ni Papa? Hindi ba siya nag-iisip!?

Nakasandal siya sa kanyang kotse at nakatitig sa akin. Tinanggal niya ang shades niya at nilapitan ako at biglang hinalikan sa pisngi at niyakap pa ang beywang ko.

"Good Morning, Babe. I missed you." Paglalambing niya.

I sighed. "Miss na 'rin kita. Halika na at baka makita kapa ni Papa. Malalagot tayo-"

"Ate? Leon?"

Natampal ko ang noo ko ng marinig ko ang boses ni Kassy. Hinarap ko siya pero nanatiling nakayakap parin sa akin ang Liyon kaya napataas ang kilay ng kapatid ko. Lumapit siya sa amin.

"What is the meaning of this? Bakit ka nakayakap sa Ate ako? Bawal 'yan ah! Ligawan mo muna siya!" Singhal niya.

"H-Ha? Hindi ko siya pwedeng ligawan eh." Kamot-batok na wika ni Leon.

Kumunot naman ang noo ni Kassy at sinamaan ng tingin si Leon.

"Anong hindi pwede? Akala ko ba mahal mo ang Ate ko? Niloloko mo ba siya? Aba't walang hiya ka pala eh-"

"Kassy, Kami na." I cut her words.

Nalaglag ang panga niya habang nanlalaki ang mga mata sa gulat.

"H-How? Teka, Kailan pa?"

"Nung gabing umuwi kami galing ng bar." Sagot ko.

"Seriously, Ate? Hindi ka man lang nagpaligaw sa kanya?"

"Huwag ka ng mag-alala, Kas. Mahal na mahal ko ang Ate mo. Hindi ko siya sasaktan." Sumabat si Leon.

Sumimangot naman si Kassy.

"Siguraduhin mo dahil papatayin kita kapag sinaktan mo ang Ate ko. Makaalis na nga." Saka siya naglakad palayo sa amin.

"Teka! Sumabay ka na sa amin-"

"Hindi na! May pupuntahan pa ako! Ciao!" Aniya at tumakbo.

Napalingon naman ako kay Leon ng halikan niya ako sa pisngi.

"Ang ganda mo talaga." Nakangiti niyang komento.

Tinulak ko ang mukha niya. "Tumahimik ka. Tara na at malalate na tayo."

He just chuckled at pinagbuksan ako ng pintuan bago siya umikot at umupo sa tabi ko. He hold my hand and smiled sweetly at me.

"Mag drive kana nga." Utos ko.

"Okay, Babe." Saludo niya.

Pagkarating namin ng campus ay maraming estudyante ang tumitingin-tingin sa amin at nagbubulongan pa. Nagtataka siguro sila kung bakit magkasama at magkahawak-kamay kaming dalawa.

Humigpit ang pagkakahawak ni Leon sa kamay ko.

"Uy! Ano 'yan? Ano 'yan?" Ngisi-ngising lumapit sa amin ang mga loko halatang nang-aasar.

"Iba ka 'din, Leon. Noon pinapangarap mo lang tapos ngayon, hawak-hawak mo na." Pang-aasar ni Knight.

"Shut up!" Leon hissed.

Nagtawanan lamang sila.

"Pinikot ka ni Leon, ano?" Sinindot ni Chase ang braso ko.

"Gago. Bakit naman ako pipikutin nito eh may nararamdaman naman kami para sa isa't-isa." Nakangiwi kong sabi.

"Ayon! May nararamdaman naman pala sila para sa isa't-isa!" Asar nila.

Na-blanko lang ang mukha ko.

"Teka, Kayo na ba?" Usisa ni Hendrix habang tinuturo kami.

"Oo! Kami na! Happy?" At hinila na ako ni Leon papalayo sa kanila.

Nakahawak lang siya sa beywang ko habang naglalakad kami patungo sa classroom namin. Marami 'din ang nagtatanong kung bakit daw ba kami magkasama. Eh ano naman ngayon kung magkasama kami?

"Ihahatid kita sa room niyo." Sabi niya sa akin at pasimpleng hinawakan ang braso ko.

I nodded. "Boyfriend duty?" I teased him.

Ngumuso siya. "Bakit? Boyfriend mo naman talaga ako ah? Kaya priority kita, Babe."

I smiled at him. "Thank you."

He kissed my cheeks.

"I love you."

To be continued. . .♡♡♡

Napoleon Sandoval: I Need Your LoveWhere stories live. Discover now