T W E N T Y - F O U R

Start from the beginning
                                    

Matunog naman akong ngumisi. "Bakit, nakakasiguro ka bang sisiputin kita?"

"B-Babe naman...huwag naman. Magpapakamatay talaga ako!"

Natawa ako. "I love you."

Nagulat ako ng bigla siyang bumungisngis. "Kinikilig ako, babe! Hehehehe..."

Napailing na lamang ako.

Magkahawak-kamay kaming pumasok ng ospital. Nauna kaming naglakad kina Kassy at Vince dahil panay tawa silang dalawa. Parang mga tanga.

"Hahaha! Bwisit ka, Vince!"

"Totoo naman ah! Hahaha!"

I rolled my eyes.

Pagkapasok namin sa loob ay naabutan namin sina Mama na kausap sina Tita Ash. Napalingon naman sila sa amin.

I kissed my parent's cheeks. Nagmano naman sa kanila si Leon, as usual, umasim na naman ang mukha ni Papa.

"Hello po tita, tito."

Nagmano kami sa kanila. "Hello din sa inyo lovely couples." nakangiting sabi ni Tita. "Invited ba kami sa kasal?"

Nakangiti kaming nagtinginan ni Leon. "Of course, tita. Hindi naman po pwedeng mawala ang mga bestfriends ng parents namin." inakbayan ako ni Leon.

They chuckled.

"Don't worry, sasabihan namin ang Tita Kimmy at Tito Harvi ninyo." Tito Kalix said.

Tumango naman kami.

Ilang oras din kaming nanatili sa ospital habang nakikipag-usap kina Tita. Sina Mama naman ay umuwi na dahil masama daw ang pakiramdam ni Papa kaya nag-alala kami. Puro kasi trabaho ang inaatupag eh, hindi man lang nagpapahinga kaya ayon, sinermonan na naman ni Mama.

Dito na rin kami sa ospital nag lunch ng dumating sina Athena kasama ang mga hangal.

"Oh, ba't ngayon lang kayo?" tanong ni Vince sa mga bagong dating. "Kanina pa kami nandito."

"Eh, ito kasi!" binatukan ni Knoxx si Jandrix. "Nagwala dahil ayaw naming bilihan ng ice cream! Anak ng putakte!"

Binatukan naman siya ni Drix. "Bakit, may sinabi ba akong hintayin niyo ako?! Anak ng!"

Nag-iwasan sila ng tingin.

Natampal na lang namin ang noo namin habang nakatingin sa dalawang ito.

"Tumahimik nga kayong dalawa, lagi na lang kayong nag-aasaran eh!" saway ni Chase.

Inirapan lang siya ng dalawa.

"Pag-usapan na muna natin ang nalalapit na kasal ng ating couple of the year ngayon." anas ni Yohan. "Excited na excited ang ating Liyon oh!"

Inasar naman nila kami ng inasar. Napailing na lamang ako sa kalokohan nila.

"Siyempre naman...ikaw ba naman, ikasal sa babaeng matagal mo nang pinangarap." Leon smiled at me and pinched my cheeks kaya sinamaan ko siya ng tingin. "At ang ganda pa talaga." he added.

"PDA na naman–Hmmm!"

"Shut up!"

Nilagyan ni Hellion ng donut ang buong bibig ni Jandrix. "So noisy."

Nakasimangot na tiningnan ni Jandrix si Hellion na nakatagilid sa kaniya at astang babatukan ng lingunin siya nito kaya si Knoxx ang nabatukan niya.

"Fuck you, Jandrix!"

"Gago! Nasa ospital tayo!"

Nagtawanan na naman kami.

"Guys, gising na si Ree!"

Napoleon Sandoval: I Need Your LoveWhere stories live. Discover now