33• Celebration

5 0 0
                                    

CHAPTER THIRTY-THREE

NATULALA lang ako ro'n sa harap no'ng pinto. Iniwan na ako ni Hagan at dumiretso na sa loob para balaan ang iba tungkol sa mga parating naming bisita. Hindi pa nagsi-sink in sa akin ang pagpapanik kaya nakatayo lang ako rito sa labas habang naririnig ko ang pagkakagulo sa loob. Ano bang dapat kong i-react? Dapat ba akong matakot? Kabahan? Shocks!

"Magandang gabi po, kayo po ba ang nakatira rito? Mag-iinspeksyon lang po." Nabalik ako sa hinaharap nang kausapin ako ng isang guwardiya. Shocks! Nandito na sila! Paano kapag nahanap nila 'yong kahon ng pera? 'Yong weapon room? Si Brand!

"Magandang gabi ho, pasok po kayo sa loob," sagot ni Flint na nasa tabi ko na pala. Ni hindi ko man lang siya namalayang lumabas. Gulat akong napalingon sa kaniya pero pasimple niya lang akong nginitian. Why is he letting them run the inspection!?

"No! You can't do that. Do you have a search warrant? No? Then get the hell out of my property." Wow, that sounded like a modern day Karen. Naguguluhan silang nagkatinginan. Maging si Flint ay nagtataka akong tinignan.

"Anong search warrant?" Tanong niya sa akin.

"You don't have search warrants here!?" I asked in disbelief. Their reactions clearly says it all.

"Oh well, back in the normal realm, you can't search someone's property without a search warrant," I explained but their reaction stays the same. Ugh! Unbelievable.

"We don't have a search warrant but this inspection has the king's approval. Maaari na po ba naming gawin ang pakay namin?" Mahinahong tanong no'ng guwardiya. Napatingin ako kay Flint at ngumiti lang siya sa akin at tumango. I sighed and surrendered. I stepped away from the door to let them inside. Pagkapasok nila ay agad akong lumapit kay Flint.

"Bakit mo sila pinayagang mag-inspeksyon? Paano kapag nakita nila ang weapon room?" I frantically asked him in a hushed way to prevent anyone from hearing our conversation.

"Relax. Wala silang mahahanap diyan," kalmado niyang sabi saka pumasok na sa loob. Napa-buntong hininga ako at sumunod sa kaniya. Naghalughog ang mga guwardiya sa iba't ibang parte ng bahay. Kinakabahan tuloy ako.

"Stop fidgeting. Act normal," Flint whispered to me.

"How can I act normal when they are disturbing my peaceful abode!?" Malakas kong tanong na nakakuha ng mga atensyon nila. Lumapit sa akin ang guwardiyang kausap ko kanina. Oh, he's not just a simple guard. Based on the uniform he's wearing, he's a royal soldier from Nevada.

"Pasensya na po. Nagsumbong kasi ang mga Caspian na may nanloob daw sa kanila kanina at ninakaw ang mga pera nila. Prince Blaze, his highness, sent us to locate the stolen money, thus the inspection," he explained. See? They are looking for what we stole this morning! Paano kapag nakakita sila ng ebidensya na kami ang nagnakaw?

"Ah ganoon ba? Wala namang magnanakaw rito," simpleng sagot ni Flint. How can he stay as calm as that?

"I believe you are Lady Almaia, Prince Blaze's lover," the royal soldier said that made me grimace.

"Be careful on your choice of words. We already broke up," I told him. He immediately got anxious and bowed his head.

"I'm so sorry, my lady. I thought you just went on a vacation," paghingi niya ng tawad. Napa-buntong hininga naman ako dahil naalala ko na naman ang lalaking ayaw ko nang maalala.

"So how is he?" Hindi ko na napigilan pang magtanong. Gusto ko lang malaman kung totoo bang hinihintay niya pa rin ako.

"He's been a little bit more gloomy and hot-tempered since you left and now I know the reason. He's always with Lady Flurry. Napapadalas nga ang pagpunta ni Lady Flurry Aeronwen sa Nevada. Halos araw-araw siyang naroon." Biglang nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Lady Flurry, huh?

Elemental MonarchWhere stories live. Discover now