T W E N T Y - T H R E E

Start from the beginning
                                    

Natahimik kami.

"Anong sabi ng doctor?" ulit ni Kendall at tiningnan kami.

Patcherie sniffed. "M-Mahina daw ang puso ni Ree."

Napapikit sila ng mariin. "M-May sakit siya sa puso..." sabi ni Yohan at yumuko ulit.

Shock and hurt was written to their faces after hearing Yohan's words.

"W-What?!" sigaw ni Cheska halatang hindi makapaniwala.

Kaagad kong kinabig sa yakap si Kendall ng marinig ko siyang humikbi. Nakita ko rin ang pagyakap ni Gladeon kay Kassy.

Malakas na napabuntong-hininga ang iba at namumula na rin ang mga mata. Si Knight naman ay nanatiling nakayuko at niyayakap ni Entice upang pakalmahin.

"Vivoree!"

Napalingon kami sa pintuan ng makita naming pumasok sina Tita Ashley at Tito Kalix na umiiyak.

"Ma..." sabay na wika nina Knight at Patch. Tito Kalix hug the both of them. "Pa..."

Sinenyasan namin ang iba na lumabas na muna kaya sumunod naman sila. We look at Lucas when he started crying.

"Ree." iyak niya.

Nilapitan siya ni Riguel at niyakap ito. "K-Kuya, si Ree."

"She'll be okay. She's the boss right? Matapang siya kaya kakayanin niya." Riguel kissed his head. "Tahan na, para kang bakla eh."

Natawa naman kami.

NASA CANTEEN ng hospital kami tumambay. Nagugutom kasi daw ulit sila kaya sinamahan na lang namin dito. Medyo malungkot parin si Lucas dahil kanina pa niya hindi ginagalaw ang pagkaing nasa harapan niya.

May gusto ba siya kay Vivoree? Tsk, halatang-halata naman sa kilos niya.

"Come on, kuya...kumain ka na. Im sure na magagalit sayo si Ate Ree kapag nalaman niyang umiiyak ka." wika ni Isla.

Napaayos naman ito ng upo. "Im not crying, brat!" angal nito sabay punas sa mata.

Isla just rolled her eyes.

"Whatever you say."

We just shook our head and continue eating. "Babe, ayos na ba ang pakiramdam mo?"

Naisip ko kasi bigla na may lagnat pala si Ken at nagpunta pa siya dito eh malamig pa naman ang panahon ngayon.

"Oo nga, Kendall, diba may lagnat ka? Baka sumama naman ang pakiramdam mo?" sambit ni Mika.

"Ayos na ako, hindi na ako nahihilo at kung ano pa man." then she looked at me. "Thanks to my handsome nurse."

My cheeks reddened.

"PDA na naman?!"

Hindi na ako nakapagpigil pa, binato ko na ng plato si Jandrix.

"Anong PDA dun ha?! Patayin na kaya kita ngayon din." utas ko.

Nagtawanan naman sila.

"Huwag muna! Hindi pa kami kasal ni Athena ko eh," kindat niya dito.

Sumama ang timpla ni Athena at pinukol ng masamang tingin ang hangal. "Tarantado ka talaga eh 'no? Wala ka na bang magawa sa buhay at palagi mo na lang akong dinadamay diyan sa kabaliwan mo?! Naku, ako mismo ang maglilibing sayo ng buhay!"

"Hahaha!"

Humagalpak kami sa tawa.

Talagang masama ang loob ni Athena kay Jandrix. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis sa kakulitan niya?

"Kawawang Jandrix!"

Sumimangot ang mukha nito at nakangusong tumingin kay Athena na busy sa pakikipag-usap kay Cross.

Maya-maya pa ay bumalik kami sa kuwarto ni Vivoree. Wala na roon sina Tita at Tito, sabi ni Patch ay may pinuntahan lang daw. Si Knight naman ay nanatiling nakatingin lang kay Vivoree at paulit-ulit na napapabuntong-hininga.

Ako naman ay ihahatid na si Kendall, hindi namin maaninag si Kassy dahil bigla na lang itong nawala sa gilid namin.

"Si Kassy?" tanong ni Ken.

"Ah, nakita ko siyang hinila kanina ni Gladeon palabas eh," sagot ni Ningning.

Nanlaki naman ang mga mata niya. "Huh?! Iyan talagang kapatid mo, Leon! Talagang gustong bingwitin ang kapatid ko! At talagang kapatid ko pa ang–Hmmm!"

Tinakpan ko ang bibig niya gamit ang palad ko. "B-Babe, huwag kang sumigaw...nasa hospital tayo." bulong ko.

Sinamaan niya ako ng tingin kaya dahan-dahan kong inalis ang kamay ko sa bibig niya at alanganing ngumiti sa kanya.

"Halika na nga!" aniya at nagpaalam na muna kina Patch bago ako iwan sa loob.

I scartched my nape.

"Under siya..." pagpaparinig ni Knoxx kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Shut up!" i hissed.

Inis akong lumabas pero natigilan ako ng makita kong may lalaking nurse ang ngisi-ngising kumakausap ngayon sa girlfriend ko! Who's that fucker?!

I close my fist.

Mas lalo akong nainis ng lumawak ang ngisi ng lalaki sa kanya at may patapik-tapik pa sa balikat ng syota ko.

Malanding lalaki!

"BABE!"

Gulat itong napalingon sa akin maging ang lalaki kaya padabog akong naglakad palapit at hinapit sa beywang ang girlfriend ko at masamang tiningnan ang lalaki.

"A-Ah, mauna na ako Ken, nice talking with you."

"Sige, James."

Wow! First name basis ganun?!

Pagkaalis ng bwisit na iyon ay padabog akong naglakad palabas ng hospital. Damn it! Im fucking jealous! How dare her talking with some shit guy?!

"Leon! Hoy! Leon!"

Hindi ko siya pinansin. Nang makarating ako sa kotse ko ay padabog akong pumasok sa driver seat at inantay siya.

Nang bumukas ang pintuan ng kotse ay nag-iwas ako ng tingin. Ramdam ko din ang pagtingin niya sa akin kahit na hindi ako nakatingin sa kanya.

"Drive." malamig na sabi niya.

What?! Hindi niya lang ba ako susuyuin?! Damn it! Siya na nga 'tong nakikipag-usap sa lalaki tapos siya pa ang magagalit?

"Babe," hindi makapaniwalang usal ko. "Hindi mo man lang ba ako susuyuin?"

Tinaasan niya ako ng kilay.

"At bakit ko naman gagawin iyon? Ni hindi ko nga alam kung bakit ka nagkakaganyan eh–"

"I was jealous, alright!"

Her forehead creased. "At kanino ka naman nagseselos?"

"Fuck! Doon sa malanding nurse na kausap mo kanina! Damn it!"

Kinagat niya ang labi niya, halatang nagpipigil na tumawa kaya mas lalong nalukot ang mukha ko. Nagseselos na nga ako tapos tatawanan pa.

"Mahal kita, babe."

My breath stop, my body froze.

Fuck! Im blushing!

To be continued. . .♡♡♡

Napoleon Sandoval: I Need Your LoveWhere stories live. Discover now